Chapter 8: kachat

12 1 0
                                    

Magkausap kayo mula gabi hanggang umaga.

Kahit mapuyat ka pa basta makausap lang siya.
Hindi alintana kung lumaki man ang eyebags mo basta mareplyan lang siya.
Kung naibebenta nga siguro ang eyebags, paniguradong mayaman ka na.

Sulit naman ang paghihintay mot pagtiya-tiyaga,
Dahil online na naman siya para sayo'y magpatawa.
Kahit minsan hindi mabenta ang mga binibitiwan niyang linya.
Pero ewan mo ba,
Sadyang profile picture niya pa lang natatawa ka na.

Minsan masakit na sa mata ang chat colo ninyong kulay pula,
Pati yung mga emojing puso at tumatawa.
Kahit ilang beses ka na ngang nabagsakan ng cellphone sa yong mukha,
'Yong ilong mong pango na nga
Ay lalong napango nang ito'y dito tumama,
Pero, hindi mo pa rin mapipigilan na magtipa para sumagot sa mensahe niya.

Kaya kahit sa fb lamang kayo nagkakausap at nagkakilala,
Hindi man kayo personal na nagkikita.
Kapag magkachat kayo'y parang hawak mo ang mga tala sa sobrang saya.

Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan.
Mga mensahe mula sa kniya ay parati mong inaasahan.
Araw-araw, gabi-gabi, wlang palya.
Pagkagising nang alas-singko'y pambungad kaagad ang mga mensahe niyang,
"Magandang umaga pero, mas maganda ka pa sa umaga."
Langya! Buong araw ko tuloy masigla,
Parang nanalo ka nga sa lotto dahil ngiti sa'yong mukha'y di mabura.

Hindi mawari kung bakit kahit sa mga simple niyang pagtatanong ng,
"Kumain ka na ba?"
At laging pagpapaala ng,
"Ingat ka palagi ha?"

"Huwag kang magpapagutom ha?"
"Umuwi ka nang maaga ha?"
Pakiramdam mo ika'y mahalaga.
Ang galing talaga, nilagyan lamang "ha"
Ang dulo ng bawat linya,
Sa pandinig ay kay lambing na.

At dumating ka na nga sa puntong....
Mahal mo na yata siya,
Pero hindi mo naman maamin sa kniya
Dahil natatakot ka.
Natatakot kang baka may magbago,
O kaya nmn siya'y lumayo,
Kaya ikaw ngayo'y gulong-gulo.
Sigurado ka naman na siya'y mahal mo,
Pero hindi ka sigurado kung ano nga bang nararamdaman niya para sayo.

Para matigil na ang gumugulo sa isip mo,
Lakas-loob na kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan mo,
Larawan niya pa ang wallpaper mo rito,
Tinitigan mo muna sabag bukas sa messenger app mo,
Nickname niyang "bebe ko" ang nangunguna sa conversation list mo.

Sakto, active 3 hours ago,
Hindi na siguro nakakakaba kapag umamin ka na noh?
"Hindi niya naman kaagad mababasa"
Ang katwiran mo.
Kaya kahit nanginginig ang mga kamay ay buong-tapang na tinipa ang nararamdaman mo.
"LSM" ang tawag ng iba rito.
Sabay pindot sa "send" at nagpagulong-gulong sa kama mo.

Pagsapit ng umaga,
Inaasahan mo ang isang pagbati mula sa kaniya.
Pero iba yata ngayon ang mensahe niya,
Sagot sa ginawa mong pagamin kagabi ang bati niya.
Habang ito'y binabasa mo na,
Sabay pasok ng kantang "tagpuan ni moira".

"At tumigil ang mundo.."
Nung malaman mong landian lang pala ang nangyari sa inyo.
Wala naman palang ibang ibig-sabihin ang mga mensahe niya sayo.
Yong mga pagaalala niyang akala mo ay totoo..

Spoken Word Poetry ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon