Alahanin ko ang lahat kung paano tayo naging masaya. At kung paano ka bumitaw sa pagmamahal nating dalawa.
dahil sa labis na saya na nakilala mo siya, na parang hindi mo ako kilala.
-
Dahil sa kakaisip sa kanya na kung paano mo siya makikilala at kung sa paano mo mabubuo ang storya ninyong dalawa. Minsan iniisip ko meron bang tayo? Dahil sa tuwing magkasama tayo siya ang laman ng isip at puso mo. Kahit na ako ang nasa tabi mo siya parin ang nagpapasaya sayo.
-
Napapangiti ka tuwing magkasama tayong dalawa. Natutuwa ako dahil ikaw ay masaya pero akala ko ako ang dahilan ng iyong pagtawa na ang akala ko ako ang dahilan kung bakit ka masaya.
-
Ngunit mali ako, hindi ako ang taong yun kundi siya.
Siya na akala ko "ako"
Siya na nasa isip at puso mo
Siya na kaya kang masayahin kahit wala ako
-
"Walang tayo"
-
kase simula pa lang naman wala na ako sa storya ninyo
Nais ko sanang bumalik ka pero
Tama na yung panahon na napasaya kita
Tama na siguro na minahal kita
Tama na siguro na pinaglaban kita
Mahal gusto ko lang sabihin sayo na
-
"MALAYA KANA"
-
Malaya kanang maging masaya
Malaya kanang maging piliin siya
Malaya kanang maging mahalin siya
At pwede mo na gawin ang storya ninyong dalawa
-
Pinalaya kita hindi dahil may iba ako
Pinalaya kita dahil alam ko siya ang nasa puso mo
Pinalaya kita dahil siya ang nagpapasaya sayo
-
Nais kong maging masaya ka dahil mahal kita at dahil nga sa
Mahal kita iiwan ko na sayo ang salitang
-
"MALAYA KANA"
-
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoesíaAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya