CHAPTER 46: Mga Pangakong Napako

14 1 0
                                        

Naalala mo pa ba ang mga pangako mo?
Pangakong mga sinabi mo saakin
Noong tayo ay magkausap pa
Mga pangako mo na pinanghahawakan ko

Nasaan na ang mga pangako mo saakin?
Pangako na hindi mo ko sasaktan
Pangako na hindi mo ako papaiyakin
Pangako na hihintayin mo ako

Nasaan na ang mga pangako na yan?
Sinabi mo saakin na ako lang ang mamahalin mo
Pinangako mo saakin na walang iba kundi ako lang
Pero bakit ngayon may iba ka na

Ngayon wala ka ng pakialam saakin
Kinalimutan mo na ang mga pangako mo saakin
Kinalimutan mo na lahat dahil may iba ka na
Lahat ng pinangako mo saakin ay sa iba mo na sinasabi

Naalala ko pa ang mga pangako mo saakin
Pinangako mo saakin na ako lang hanggang dulo
Na ako lang ang mamahalin mo
Na ako lang ang magpapasaya sayo

Pinangako mo saakin na maghihintay ka saakin
Hihintayin mo ako gaano man katagal ang abutin
Na hindi ka mapapagod na maghintay saakin
Pero tila ikaw ay napagod na maghintay saakin

Tila nga talaga walang mga pangako ang matutupad
Ang iyong mga pangako ay hanggang salita mo na lang
Ang iyong mga pangako saakin ay ibinabaon ko na sa limot
Dahil ang iyong mga pangako ay wala ng saysay saakin.

Spoken Word Poetry ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon