CHAPTER 48: Ulan

5 1 0
                                    

Kasabay ng pagkulimlim ng langit
Ay ang damdaming punong puno ng sakit
Walang ibang gagawin kundi ang pumikit
Huminga ng malalim at ngumiti ng pilit.

Bawat paghikbing aking nagagawa
Malakas pa sa ulan ang pagbuhos ng mga luha
Tinatanong sa sarili kung may pakialam pa ba?
O sadyang hindi mo na ako inaalala.

Sa bawat pagbuhos ng malakas na ulan
Kasabay ng luhang di alam kung paano punasan
O paano ayusin ang damdaming nasaktan,
Hindi alam kung paano, hindi ko talaga alam.

Dagunot nito'y parang kay sarap sa pandinig,
Bawat patak ay piyesa ng himig,
At ika'y sumasayaw sa ligaya ng tubig,
Nailangoy mo kung saan ang baha ng pag-ibig.

Tumila ang ulan at ika'y nabalot ng lungkot,
At ang puso mo'y wari'y nakulong sa laot,
Tumingala ka sa langit at ngiti'y mo'y nalukot,
Tapos na ang laro, ika'y nilagnat ng poot.

Alam kong katulad ng ulan, sakit na ito'y maiibsan
Ngunit may mga namamagang mata itong iiwanan
Dahil kahit na ang  ulan na tuluyan nang lumisan
Makikita ang bakas, bahang naiwan ng ulan.

Spoken Word Poetry ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon