Chapter 16: hanggang kailan

14 1 0
                                    

Hanggang kailan nga ba ako maghihintay sayo
Hanggang kailan ako aasa na ako naman ang piliin mo
Hanggang kailan ako magiging pangalawa mo
Hanggang kailan ako naman ang mahalin mo
Kailan nga ba?

Kailan mo ko mamamahalin
Kailan mo ko mapapansin
Kailan mo ko paghihintayin
Nakakapagod na ang maghintay sayo

Napapagod na ako umasa na iwan mo siya
Napapagod na ako umasa na ako naman
Nakakapagod na sobra
Nakakapagod na pangalawa lang ako sayo

Hanggang kailan nga ba magiging tayo
Kailan na may maitatawag na tayo
Yung tayong dalawa na masayang magkasama
Masayang nagkukwentuhan
Masayang nagtatawanan at lambinggan

Pero malabong mangyari yun
Kasi may mahal ka ng iba
Hindi mo siya kayang iwan para saakin
Malabo ng magkaroon ng IKAW AT AKO
Hanggang tingin at sulyap na lang ako sayo

Masakit man tanggapin na masaya ka sa kniya
Pero wala akong magagawa
Mahal ka niya
Mahal mo siya
Mahal niyo ang isat isa

Nakakapagod ng umasa at maghintay
Kaya mahal, sana maging masaya ka sa kniya
Dahil pagod na ako umasa na mahalin mo din ako...

Spoken Word Poetry ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon