Mahal naalala mo pa ba?
Kung paano nagsimula ang ating kwento na punong puno ng masasayang alaala
Na ikaw at ako, tayong dalawa lang, na para bang sa atin lang umiikot ang mundong ginagalawan
Na ikaw at ako masayang naghaharutan, nagkukulitan.
Ikaw at ako sabay nating binibigkas ang pangako nating tayo lang hanggang duloMahal naalala mo pa ba?
Kung saan madalas tayo magkita sa ating tagpuan
Habang magkahawak kamay na naglalakad.
Magkasama kahit saan.Mahal naalala mo pa ba?
Na sabay nating pinakikingan,
Kinakanta ang ating team song
Habang tayo'y magkatabi at magkayap.Mahal naalala mo pa ba?
Na niyaya mo ako lumabas
Para kumain kahit sa simpleng kainan
Na punong puno ng masasayang alaala............
Pero mahal bat parang unting unti ka nagbabago? Hindi na ikaw yung dating ikaw na kilala ko nung una
Ikaw na palaging nandyan para pasayahin ako, yung dating tayo?
Ngayon parang ako na lang mahal?
Yung tayo madalas magkita sa ating tagpuan na ngayon ako na lang.Ako na lang ang naglalakad sa ating tagpuan.
Ngayong ako na lang ang kumakain sa ating simpleng kainan.
Mahal madalas na ako pumunta sa ating tagpuan nagbabakasakali susulpot ka?
Di ba nga mahal na mahal natin ang isa't isa.Lumipas pa ang ilang araw mahal medyo mailap ka na sa akin
Parang iniwasan mo ako..
Sabi mo lang saakin sa text at tawag na busy ka lang talaga
Kaya ganun nangyari, kaya mahal paniwalaan ko lahat ng sinasabi mo dahil mahal kita..Lumipas ang ilang mga araw may nakapagsabi sa akin
Na niloloko muna na raw ako at nagkaroon ng kirot sa aking dibdib
Pero hindi ko agad pinaniwalaan dahil gusto ko ako mismo ang makakakita
Ayaw kitang pagdudahan mahal, dahil, mahal kita............
Ilang beses kita tinext pero di ka nagrereply
Ilang beses kitang tinawagan pero walang sumasagot
Tinext kita na magkikita tayo bukas ng hapon sa ating tagpuan
Pero di ka man lang nagrereply.Sinubukan kitang tawagan pero nakapatay ang phone mo
Na kahit hindi mo naman gawain dati yun
Mahal dumating na yung araw na magkikita tayo,
Di ko alam mahal, kung meron bang dadating na ikaw
Pero umaasa ako na dadating ka dahil alam ko mahal mo ako.Lumipas ang ilang oras walang ikaw na dumating... Kahit bakas ng anino mo'y wala
Kaya naman naglakad lakad ako sandali
Upang mahismasan ang aking bigat na nararamdaman
Habang sa paglalakad ko bigla na lang ako napahinto nang laki ang aking mga nata kasabay ng unting unti pagbagsak ng aking nga luhaSobrang sakit ng aking nararamdaman!
Halos di na ako makagalaw sa aking kinatatayuan..
Sinubukan ko pumikit at dumilat na baka, baka di ikaw yun, nagkamali lang akoPero dahan dahan kong minulat ang aking nga mata
Pero hindi ikaw talaga yun...
Ang iyong maamo mong mukha
Kaya pala hindi ka sumasagot sa lahat ng tawag ko...
Hindi ka nagrereply sa lahat ng text ko.
Totoo nga na busy ka nga talaga..Busy sa kaniya!
Nagbulag bulagan ako
Umalis ng luhaan at bigat ng aking dinaramdam
Na para bang walang nangyari
Para bang wala akong nakita
Dahil ayaw kitang guluhing mahal dahil nakita ko sa iyong mukha na kung gaano ka kasaya sa kniya....-
Paguwi ko saamin agad kitang tinext at sinabi kong
"Hindi ako makakarating dahil masama ang pakiramdam ko"
"Dahil mahal ko"
Dahil mahal ayoko malaman mo, na alam ko na lahat
Pinag-gagawa mo sa akin.
Oo sabihin na natin na ang tanga tanga ko, nagpaka tanga ako sa isang tao..
Ano ba magagawa ko nagmahal lang naman ako...
Kahit sobrang sakit na mahal...
Tiniis ko ang lahat ng yun ksi mahal kita
Umaasa ako na magbabago ka..
Yung babalik ka sa dating ikaw
Yung dating TAYO mahal.....At dumating yung araw ng aking kinakatakutan
Bumukad sa iyong bibig ang salitang "ayoko ko na" "Makikipaghiwalay na ako", " hindi na kita mahal"
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoesíaAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya