Chapter 13: Malabo

25 1 0
                                    

Ayaw ko na,
Pero,
Bakit parang gusto ko pa,

Gusto na kitang kalimutan,
Pero,
Bakit gusto pa kitang mahalin,

Ayaw ko na manatili pa sayo,
Pero,
Bakit gusto kong manatili pa sa mga bisig mo,

Ayaw kitang makita pa,
Pero,
Bakit ko hinahanap hanap presensya mo,

Gusto na kita alisin sa isipan ko,
Pero,
Bakit sa puso ko hindi ko kayang alisin ka,

Gusto ko na tapusin ito,
Pero,
Bakit ako natatakot na mawala ka,

Ayoko na wala ng tayo,
Pero,
Bakit ang gusto ko sa akin ka lang tayo lang dalawa,

Masaya na ako,
Pero,
Bakit ang lungkot ko na wala ka

Ayaw ko na,
Pero,
Bakit parang gusto ko pa,

Gusto pa kitang mahalin,
Kahit na nasasaktan ako,
Ayaw na kitang makita pa,

Pero bakit hinahanap hanap kita,
Ayoko na sayo,
Pero mahal pa rin kita

Spoken Word Poetry ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon