Chapter 2: Pagod na ko

36 2 0
                                        

Pagod na akong habulin ka,
Wag kang mag-alala wala ng mangungulit sayo,
Pagod na kong humingi ng atensyon mo,
Wag kang mag-alala wala ng mangungulit sayo,
Sorry kung sumusuko na ako,
Sa mga pangako nating binuo,


Dahil ipinararamdaman mo,
Saakin na wala lang ako sayo,
Dahil lagi mo na lang ako,
Binabalewala sa mga panunuyo ko,
Sa pangungulit ko,
Para lang makuha ko ang atensyon mo,


Ang gusto ko lang naman,
Iparamdaman mo saakin,
Na mahalaga ako sayo 
Na mahal mo ako,
Na ako naman unahin mo,
Ako naman maging priority mo,


Pero!....
Pero wala ehhh!
Hindi ko alam kung ano ba ako sayo?
Ano ba ako sa buhay mo?
Sabi mo mahal mo ako?
Sabi mo mahalaga ako sayo?


Kung mahal mo talaga ako,
Hindi ako masasaktan ng ganito,
Sa mga pangbabaliwala mo,
Sa mga panunuyo ko,
Kung mahalaga talaga ako sayo,
Hindi para kulitin ka pa para lang makuha ko, ang atensyon mo,
Para maging priority mo,


Patawarin mo ako,
Dahil na pagod na ako,
Susuko na ako kung anong meron tayo,
Bibitaw na ako,
Pero hindi ibig sabihin na hindi na kita mahal,
Dahil.......Nasasaktan ako ng sobra sa piling mo,
Dahil pagod na ako, Hanggang dito na lang, "Ikaw at ako"
Wala ng tayo, Pinapalaya na kita, Makakalaya ka na...

Spoken Word Poetry ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon