Okay lang ako kahit nahihirapan na
Dahil mahal kita
Okay lang ako kahit ang sakit sakit na
Dahil mahal kitaOkay lang ako kahit nagmumukhang tanga na
Dahil mahal kita
Okay lang ako kahit patuloy ang pagbasag ng aking mga luha
Dahil mahal kitaOkay lang ako ipaglalaban kita
Dahil mahal kita
Okay lang ako kahit nasasaktan na
Dahil mahal kitaOkay lang ako mahal, dahil mahal na mahal kita
Mahal okay lang ako kaya ko pa
Kaya ko pa ipaglaban ka
Dahil mahal kitaMahal dahil sa mga pangakong aking pinanghahawakan ko
Na ipaglalaban kita kahit ano man ang mangyari
Dahil mahal na mahal kita
Pero mahal kahit gaano pala kita kamahal.Kailangan ko rin pala sumuko sa mga pangako natin sa isa't isa
Dahil ako na lang mismo ang lumalaban
Na kahit matagal muna binitiwan.
Sawa na ako humingi ng atensyon mo.Pagod na ako maghabol sayo
Nasasaktan na ako ng sobra mahal
Pero okay lang ako mahal
Kaya ko mahal na wala kaOkay lang ako
Kakayanin ko ito
Makakalimutan din kita
Okay lang akoMakakayanan ko din ito
Tumingin sa mga mata mo na wala ng nararamdaman
Okay lang ako
Makakaya ko itoHindi na muli ako iiyak sa harapan mo.
Okay lang ako
Hindi na ako masasaktan muli sayo
Okay lang akoHindi na muli ako mahihirapan sa piling mo
Okay lang ako!
Okay lang ako!
Okay lang ako!Paalam na mahal
Okay lang ako
Sumusuko na ako
Okay lang akoBibitaw na ako sa pagkakakapit
Hanggang dito na lang mahal
Magtatapos ang salitang
TAYO IKAW at AKO WALA NG TAYO
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PuisiAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya