Mahal, naalala mo pa ba
Na walang bibitaw saating dalawa
Naalala mo pa ba ang mga pangako natin
Naalala mo pa ba kung gaano natin kamahal ang isat isa
Mahal, Hindi mo na pala
Naalala yung mga pangakong yun
Mga pangakong binuo natin
Mga pangakong ikaw din ang sumira
Mahal, naalala mo pa ba
Na ako lang ang mamahalin mo
Na hindi mo ako iiwan
Na hindi ka susuko saatin mahal
Pero mahal bakit?
Bakit ka sumuko?
Bakit napagod kang mahalin ako?
Mahal, bakit, bakit?
Maraming tanong saaking isipan
Maraming bakit
Pero dapat na kitang palayin
Kasi mahal pagod na din ako
Kaya ngayon mahal
Malaya ka na
Malaya ka ng magmahal ng diba
Malaya ka ng iwan ako
Malayang, Malaya ka na mahal ko
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PuisiAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya
