Prologue

75 6 1
                                    

Binago ko kasi di siya appropriate sa kwento, kaway-kaway sa mga nakabasa ng unang Prologue.

---------------------------------------------

Maaga akong gumising para sa araw na ito. Ngayon kasi ang arawmg aming pagsusulit, kung makakapasa ka ay pasok ka sa Brent University bilang scholar pero kung hindi man eh better luck next time nalang.

"Kira ready ka na?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Steffany, sa tabi nito ay ang kambal nitong si Tiffany.

They're twins. Kasalukuyan kaming nasa tapat ng admin, meron pa kaming 6 minutes para mag-test.

"Makapasok man tayo o hindi our friendship will not last ha" wika naman ni Tiffany.

Sabay kaming tumango ni Steffany.

Lumabas si Ms. Tolentino na nagpatahimik sa amin.

"You can now procees to your assigned classroom"

Agad naman kaming tumayo. Magkakahiwalay kami ng classroom na lalong nagpakaba sa akin.

"Goodluck, galingan niyo ha" wika sa amin ni Tiffany.

"Sige, ikaw din Goodluck"

Pagpasok ko ay naghanap agad ako ng mauupuan ko. Huminga muna ako ng malalim "this is it"

After kong mag take ng exam ay lumabas ako para hintayin ang kambal, nagusap na kami na sa tapat ng clinic kami magkikita, madami rin kasing tao sa admin.

Pagdating ko ay sumalubong agad sa amin ang mukha ni Tiffany.

"Si ate?" Tanong nito.

"Hindi ko alam, wala pa ba?"

Umiling lang ito at tumingin ulit sa kanyang hawak na libro. Wala pang pasukan nagre-review na agad.

The admin told us na bukas din namin mismo malalaman kung nakapasa kami or hindi, I hope that the three of us have passed.

Magkahawak ang mga kamay namin habang nasa tapat na ng bulletin boards kung saan nakalagay ang mga score, sa tabi ng score ay nakalagay kung passed or failed.

Bumitaw kami ng hawak at kanya kanyang hanap ng pangalan. Nang makita kona ang akin ay napatingin ako sa kambal, hinintay kong mabaling ang tingin nila sa akin.

Unti-unti kaming naglapit sa isa't isa.

"Pagbilang ng tatlo sabihin niyo kung passed or failed" wika ni Steffany.

"One"

"Two" sinundan naman ako ni Tifanny.

"Three" panghuling wika ni Steffany.

"Passed!" Halos sabay na mga wika namin.

Nagsilakihan ang mga mata naman at nagsisitalon kami sa tuwa.

This is it, magsisimula na ang buhay ko sa kolehiyo.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon