CHAPTER 24

20 4 2
                                    

KIRA's POV

"Nandito ka pala"

Nagulat ako nang may biglang magsalita sa likod ko.

Anong ginagawa niya dito? Bigla ko namang naalala yung kissing scene plus kaming dalawa lang dito.

*Gulp*

"Mukha ba akong multo? Gulat na gulat ka naman" wika nito at tumingin sa akin.

Tug. Tug. Tug. Heart naman eh bat ngayon pa! Hindi ko na kaya tong scene na'to, kaya mas mabuti pang umalis nalang ako dito.

"A-Aalis na pala ako" sabay talikod ko sa kanya.

Pero bago pa ako tuluyang makaalis, hinatak niya ako pabalik at ikinulong sa mga bisig niya.

Napatulala na lamang ako.

"Dito ka lang, wag mo akong iiwan" wika nito habang nakayakap sa akin.

Lasing ba siya?

Tug. Tug. Tug.

Pinipilit kong kumawala sa mga bisig niya dahil habang tumatagal ay palakas ng palakas ang tibok ng aking puso.

"Kira makinig kang mabuti dahil isang beses ko lang itong sasabihin" wika niya.

htindi ko ito pinansin at patuloy lang sa pagkalas mula sa yakap nito pero masyadong mahigpit ang yakap nito kaya bigo ako.

"Kira Fajardo gusto kita"

Napahinto ako sa ginagawa ko.

"Ano?" Paninigurado ko.

"Sabi ko sayo makinig ka di'ba dahil isang beses ko lang iyon sasabihin"

I look up para makita ang mukha nito, masyado kasi siyang matangkad hanggang dibdib niya lang ako.

"Pero dahil mahal kita uulitin ko" wika nito at ngumiti.

N-ngumiti siya...

"Kira Fajardo gusto kita" seryosong wika nito habang nakatingin sa mga mata ko.

May sakit ba siya? Kahit hindi ko makita ang sarili ko ay alam kong namumula ako.

Ang bango ng hininga niya.. wala naman akong maamoy na alak.
Kanina pa siya dito pero hindi siya uminom ng alak?.

Teka ano yung sinabi niya? G-gusto niya ako?

Napanganga ako sa sinabi niya.. impossible.

"Isasarado mo ang bibig mo o
ifre-french kiss kita" wika nito at ngumisi.

Mas lalo akong namula at agad na sinara ang bibig ko.

Tug. Tug. Tug.

Oo first time ko lang mag-bar pero alam ko naman ang meaning ng french kiss! It's a kiss na may halong dila.

Sinamaan ko siya ng tingin nag-chuckled lang siya.

Ang daldal pala niya, I know him as a fierce at laging nakakunot ang noo.

"Ano masasabi mo?" Tanong nito sa akin habang nakayakap pa'rin sa akin.

"Hmm.. thank you?" Wika ko dito.

Bigla namang sumama ang tingin nito sa akin.

Ano nanaman?!

"Jan ka na nga" tinanggal nito ang pagkayakap niya sa akin at tumalikod para umalis.

Ohh kita mo yun. May saltik talaga siya eh. Ngingiti tapos sisimangot, may toyo lang.

"Eh ano bang gusto mong sabihin ko?!" Sigaw ko sa kanya dahil medjo nakalayo na ito sa akin.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon