CHAPTER 42

15 3 0
                                    

KIRA'S POV

Lahat ng taong nadadaanan namin ni Thunder ay napapalingon sa amin, ultimo mga teacher napapalingon din sa amin. Magkahawak lang naman kami ng kamay at wala akong makitang big deal doon.

Buti nalang at bago kami mag-lunch ni Steffany ay iniwan ko sa locker ang bag ko. Dinaanan muna namin ni Thunder ang bag ko sa locker.

"Nasa labas si Thunder! Feeling ko tuloy sinusundo niya ako" rinig kong wika ng babaeng nasa likod ko.

Napailing na lamang ako. Sa dinami dami ng babae sa mundo.. I think I'm to have Thunder beside me.

Paglabas ko ay sinalubong ako nito ng halik sa pisngi.

Di niya alintana ang mga taong nasa paligid. Napangiti ako sa ginawa niya.

Dumeretso na kami sa last class namin ng magkahawak padin ang kamay.

Napunta sa amin ang atensyon ng mga tao dito sa loob ng classroom.

Dumeretso kami sa upuan namin at dahil wala si Leyton, katabi ko ngayon si Thunder.

"So.. ninong na ako?" Tanong sa amin ni Mack na ikinalaki ng mata ko.

"Oo sana" wika naman ni Thunder kay Mack at nagapir ang dalawa.

"Saan kayo galing?" Taas ang kilay na tanong sa akin ni Steffany.

"Sa rooftop"

Kumunot ang noo ni Steffany nang makitang magkahawak kami ni Thunder.

"Kayo na?" Taas ang isang kilay na tanong nito.

"Oo" wika ko sa kanila.

"Ayon!!"

"Wohhh!!!"

Sigaw ni Reydon at Mack. Napailing nalang ako sa dalawa.

"Nakakarinig na ako ng kampana ng simbahan" wika ni Reydon.

"Syempre may honeymoon" wika naman ni Mack.

Lahat talaga ng mga sinasabi niya about sa ano.

"Thunder magpakain ka naman jan" wika ni Reydon.

"Sure* ngising wika ni Thunder.

*Kring*

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Mack.

Oo nga naman.

"Kayong bahala, basta't ayokong magbayad ng mahal" wika ni Thunder.

"Ang yaman yaman mo pero ang kuripot mo" wika sa kanya ni Reydon.

"Hindi ba natin pupuntahan si Tiffany?" Tanong ko kay Steffany.

Umiling ito at ngumiti.

"Bro's hindi ako makakasama, congrats nalang sa inyo lalo ka na Thunder" wika ni Art kay Thunder bago umalis.

Napalingon ako kay Steffany na nakatingin lamang sa umalis na si Art.

"Mag Mang Inasal nalang kaya tayo?" Suggest ni Mack.

Buti naman at hindi na puro ano ang lumalabas sa bibig ni Mack.

"Okay ako don" boto ni Reydon.

"Ikaw Mine?" Tanong ni Thunder.

"Okay sa akin"

"Settled na pala e, tara na. Ay teka, wala akong dalang sasakyan" wika ni Reydon.

"Ako din pala" wika naman ni Mack.

Sabay nilang tiningnan si Thunder.

"Fine pero hindi ako ang magda-drive" wika ni Thunder at binato kay Mack ang susi.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon