CHAPTER 21

17 3 0
                                    

"Go Thunder my love!!"

Ilan lang yan sa mga tiliang naririnig ko. Argh! Ang sarap nalang tuloy magtakip ng tenga.

Maganda na yung laban ngayon, mas lamang kami kesa sa kalaban.

Naagaw ni Thunder ang bola sa kalaban at shinoot ito sa pang tree points.

Kaya ang resulta tilian nanaman.

*time past*

Hulaan niyo na kami ang nanalo.
Woohoo!! Magdiwang tayo nanalo ang Brent University whoo!!!

Lumapit naman agad ang H5 sa pwesto namin. Wala na akong pake kung masama ang tingin sa akin ng ibang girls. Care ba nila magco-congrats lang naman ako eh.

"Congrats!!" Bati ko agad sa kanila.

"Thanks" wika ni Leyton sabay himas ng batok niya, ang gwapo talaga at ang kyut pa!.

"Wala man lang bang congrats Kiss?" Sabay nguso sa akin ni Reydon.

Iw iw iw

Napangiwi nalang ako.

*boogsh*

Nagulat ako ng may magbato ng bote ng mineral kay Reydon at dumeretso ito sa nguso niya.

"Aray!" Wika ni Reydon sabay hawak sa nguso niya.

Natawa ako reaksyon nito.

Napatingin si Reydon sa nagbato nung bote. Kinunutan ni Reydon si Thunder ng noo.. yung nagtatanong ng anong kasalanan ko?

"Humahaba kasi yang nguso mo, binato ko para bumalik sa dati nitong size" wika ni Thunder sabay punas ng pawis niya.

"Masyadong napaghahalataan" iling-iling na wika ni Reydon.

May laman yung sinabi niya hindi ko lang maintindihan.

Napatingin sa akin si Thunder at masamang tiningnan si Reydon.
Bigla nitong binato kay Reydon ang twalya niya, nakailag naman agad si Reydon.

"Tama nayan, I'm going to throw a party tonight you know celebration" wika naman ni Mack.

"Saan?" Tanong naman bigla ni Reydon.

Oo nga naman saan?.

Tumango naman si Steffany bilang pagsangayon sa tanong ni Reydon.

"Where else sa Bar niyo Bro" sabay akbay nito kay Reydon.

"I'll ask Mom first" bakas sa boses ni Reydon ang pagkaseryoso.

"Chill, I'll rent it for this night at babayaran ko naman" sabay ngisi ni Mack.

Woah.. ang yaman ni Mack ha.

"Ang mahal nun ah, ano bang business niyo?" Tanong naman ni Steffany kay Mack.

"Hotels, may Hotel din kami sa ibang bansa at ang interesting fact ay kasali ang hotel namin sa Top 3 most popular ang most luxury Hotel in the world, bumisita ka minsan Kira I'll tour you ipapakita ko sayo ang iba't ibang klase ng kama" wika nito sabay kindat.

"Hey easy ka lang ang OA mo na, kindat lang yun at iba't ibang klase ng kama" wika ni Reydon habang pinipigilan si Thunder na sugurin si Mack.

Hindi ko sila pinansin dahil hindi parin nareregister sa utak ko kung gaano kayaman sila Mack.

"And by the way Kira hope you'll attend the party later, even you Steff including your twin" pahabol pa ni Mack at tuluyan nang umalis.

Sana payagan ako ng magulang ko.

"Ikaw Leyton, ano namang business niyo?" Tanong naman ni Steffany kay Leyton.

Napatingin naman ako kay Leyton at inaabangan ang isasagot nito.

"Restaurants, just like Reydon and Mack we have our branch in other countries too" wika nito sabay kuha ng bag niya.

"Alam mo ba yung Luxtos na Restaurant?" Tanong ulit ni Steffany kay Leyton. Then sumabay siya kay Leyton sa paglalakad, sumabay na din ako sa kanila dahil ayokong maiwan dito sa gymnasium no.. baka may mumu pa dito eh.

"Actually, that is one of our Restaurants"-Leyton.

"Weh?! Ang yaman mo pala! isa ang Luxtos sa pinakamagara at pinaka sikat na Restaurant sa buong mundo! Ay ang sarap pa ng mga pagkain mahal nga lang pero masarap" wika ni Steffany habang nagtatatalon.

"Really?" wika nito sabay himas ng batok nya. Alah ganyan ba sya mahiya ang kyut nya.

"Bakit ka nahihiya?" Takang tanong ko.

Bakit naman kasi siya mahihiya di'ba ang sikat ng Restaurant nila tapos mahihiya siya.

"I didn't know na ganun pala kasikat ang Luxtos" ngiting wika nito, ang kyut talaga nung dimple niya. Sarap dutdutin e.

"Ayy oo nga pala, anong oras yung party?" Tanong ko naman kay Leyton.

"5:00 pm, hope you'll come" sabay ngiti nito, pero may iba sa ngiti niya alam mo yung nakangiti siya pero parang malungkot.

May problema kaya?

"Eh? Saan ba yung Bar na sinasabi ni Mack?" Singit naman ni Steffany.

"Yung High Blast Bar na malapit lang sa Zest Mall" wika naman ni Reydon.

"Okay! Sige na Leyton at Reydon mauuna na kami, magpapaalam pa kasi kami sa magulang namin" pagpapaalam ni Steffany kay Leyton.

Teka may kulang, nasaan na yung kambal ni Steffany.

"Paano yung kambal mo?" Takang tanong ko dito.

Hindi ko nga nakita si Tiffany simula kaninang pagpasok namin dito sa Gymnasium.

"Kaka-text lang sa akin. Nauna na daw siyang umuwi, mas gusto daw kasi niyang magbasa nalang ng libro" tumango-tango naman ako sa sinabi nito.

"Sige, tara na" wika ko sa kanya at nauna nang maglakad.

"See you later Kira bye!" Pahabol naman ni Leyton habang nagwa-wave.

Nakangiti parin eto pero parang may halong lungkot talaga eh.

Nag-thumbs up naman ako.

Nang makalabas na kaming campus dumeretso agad kami ni Steffany sa sakayan ng jeep. 15 minutes bago kami makarating sa kanya-kanya namin bahay.

"Alam mo ba yung Bar nayun?"
Um-okay kasi siya kanina.

"Oo, lagi kasi dati dun si Kuya Peil, pero ngayon nagbago na si Kuya dahil may asawa na siya diba si Ate Dasire" tumango-tango naman ako. Iba nga talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

Dumeretso muna kami sa bahay ko, hindi kasi ako papayagan nila mama paghindi kasama tong si Steffany tsaka sa buong buhay ko ngayon lang ako magba-bar.

Pagpasok namin ng bahay wala pa si Kuya, si Bunso lang at Si Mama. Sana payagan ako ni Mama.

"Ma" sabay mano ko dito.

"Tita" sabay beso sa kanya ni Steffany.

"Oh, bakit ka nandito?" Takang tanong ni Mama kay Steffany.

"Ipagpapaalam ko po sana si Kira kung pwede siyang sumama, kasama naman po niya ako tsaka po yung kambal ko"

Napatingin naman sa akin si Mama. Sana pumayag si Mama.

"Saan ba ang punta nyo?"

*Gulp*  kinakabahan ako.

"Sa Bar po, nanalo po kasi ang school namin sa laban ng basketball kanina" wika ni Steffany pagkatapos ay umupo sa sofa.

Waaahhh kinakabahan ako baka maghisterikal si Mama. Mabuti pa wag nalang akong sumama.

"Sige, umuwi kayo ng maaga" wika ni Mama at ipinagpatuloy na ang panonood ng balita.

"Ok Tita!! Thanks! Ako pong bahala kay Kira, sige po alis na ako susunduin po namin siya dito mamaya ng kambal ko" pagkatapos ay bineso niya si Mama at umalis na.










Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon