CHAPTER 9

26 4 0
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa sofa. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, medjo malawak dito parang singlaki ng isang buong classroom namin, may aircon din dito.

May sofa may banyo may refrigerator, may flat screen tv na malaki, may bookshelf din at may palikuran. Para na akong nasa loob ng hotel kulang nga lang ng higaan.

Nagulat ako nang may humawak sa pisngi ko pagtingin ko dito, mukha ni Thunder ang bumungad at ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Tug. Tug. Tug. Tug. Tug. Tug.

Ayan nanaman yung nagwawala kong heart.

"Masakit ba?" Nagaalalang tanong nito sa akin.

"Medj–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Told you bro, ang sexy at ang ganda nung babae kagabi" maingay na wika ni Mack.

Agad namang lumayo sa akin si Thunder at pumunta doon sa ref.

"Bro babae!" Gulat ang expression ni Reydon habang nakatingin sa akin.

"Oo babae" wika naman sa kanya ni Mack na hindi pa ako nakikita.

"Hindi yun yung tinutukoy ko, siya ang tinutukoy ko" tapos tinuro ako ni Reydon.

"Babae nga!" gulat na wika ni Mack.

Huh first time lang ba nilang makakita ng babae?

"Ms. Sungit? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Reydon.

Lumapit siya sa akin. Yung tamang distansya lang.

Bago ako makasagot. May nagbato sa akin ng suklay at Icepack.

"Suklay yan pangsuklay ng buhok at Icepack naman yang isa, idikit mo sa sampal sayo para maghilom agad. In case na hindi mo alam ang gamit sa mga yan" sabay talikod niya sa akin, tapos ay umupo siya sa katapat kong sofa.

Anong tingin niya sa akin kakapanganak lang kahapon at hindi alam kung anong gamit ng suklay at Icepack?!.

Tsaka may sakit bayon o ma-attitude lang? Kanina ang bait-bait niya, pero ngayon eto inaasar nanaman ako.

"Sampal? Nasampal ka Kira?!" Gulat na tanong ni Reydon sa akin.

"Sinong may gawa niyan? Ano sugurin ko na ba?!" OA na bigkas ni Mack.

"Away bababae, sasali ka?" Napatigil naman si Mack sa sinabi ko.

"Pano ka pala nakapunta dito?" Pagiiba ni Mack.

Then tumingin sila kay Thunder.

"What!? Dinala ko siya dito cause I saw her being treated like an animal by other girls and it's because of us– I mean because of you" explain ni Thunder sa mga kaibigan nya. Umiwas ito ng tingin nang magtama ang mata namin.

"Hey bro relax, where not asking for your explanation, tumingin lang kami sayo" natatawang wika ni Mack.

"Oo nga bro, masyado kang halata, tsaka may clinic naman" natatawang bigkas ni Reydon with matching taas baba kilay.

Napaiwas ako ng biglang magbato si Thunder ng mineral bottle sa direksyon ko. At first akala ko ako ang binato niya yun pala si Reydon na nasa likod ko.

Nasalo naman agad ito ni Reydon habang natatawa parin. Okay anong nakakatawa?.

"Kung ano-anong pinagiisip niyo. Lumayas na nga kayo baka mabasag ko lanh yang panget niyong mukha di'ko lang magawa dahil mga basag na pala yang mga mukha niyo, kaya saan pa ako susuntok" mayabang na tugon ni Thunder.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon