CHAPTER 28

14 3 0
                                    

LEYTON's POV

I'm on my way home and yeah hindi na ako pumasok sa next class ko. I don't know why, hindi lang siguro ako sanay na ganun ka-close si Thunder at Kira.

I park my car at the garage and made my way to the rooftop. This is my favorite spot whenever I feel mad or sad.

"Any problem?" Sabay hawak nito sa balikat ko.

Even though I don't face him I know who he is. He's my brother Liel Santos. His 2 years older than me.

"None" wika ko dito ng hindi siya nililingon.

"Come on Ley, I know you" sabay sandal nito sa railings.

"Hindi naman studies kasi magaling ka don, hindi rin naman family problem dahil di tayo ganun tsaka we already accept her death, hindi rin naman babae dah– don't tell me babae?" Wika nito at umiling-iling.

"*sigh* yeah" wika ko ng hindi nakalingon sa kanya.

"Nawala lang ako ng 4 months, may babae na pala jan"  sabay turo nito sa tapat ng puso ko.

"Anong problema don" tanong nito at nag-crossed arm.

"She's cute and she reminds me of her" malungkot na wika ko.

"Si Liela?" Liel ask.

Tumango ako bilang tugon.

A couple minutes of silence.

Liela is the youngest unika iha nila Mom and Dad, kapatid namin siya ni Kuya Liel. She's a very cute and intelligent kid but behind those facts is a sad reality. She has a stage 4 cancer in leukemia, ginawa namin ang lahat, we even rent the best Doctor in the world, but sadly god took her that fast. She died at the age of 12. Ang sakit isipin pero wala kaming magawa. We know that she guide us. Our angel guide us.

"She reminds you of Liela?" Wika ulit nito.

"Yeah" sabay tango ko.

"Come on that's not the real reason, ano nga?" Bigkas niya habang pinapakiramdaman ang hangin.

"Its because... AA like her and I see in her eyes that she loves him back"  sabay tingin ko dito.

"Hahah, come on! don't be a third wheel, ang gwapo mo para maging third wheel" sabay palakpak niya.

Pinakunutan ko nalang siya ng noo. He didn't take it seriously.

"If you have this guts to take care of her then go, but may I remind you as your brother that your too handsome para maging third wheel" wika nito at umalis.

"By the way dalawin natin si Liela next week" dagdag nito at tuluyan ng umalis.

Dumito lang ako sa rooftop hanggang sa magtakip silim.

KIRA's POV

Kakatapos lang ng subject namin bago maglast subject, hindi pumasok si Leyton, si Art lang ang pumasok. Hindi ko rin naman makausap si Art dahil ang tipid magsalita, akala mo naman may bayad ang magsalita.

Paglabas ko ng room nagulat ako nang makita ko si Thunder na nakasandal sa tabi ng pintuan. Hindi ko siya pinansin at nagmadaling maglakad.

Ano nanaman ba kasing trip niya.
Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko at sumabay sa akin sa paglalakad. Napalingon ako dito si Thunder lang pala, si Thunder?! Agad kong tinanggal ang pagkahawak niya sa bewang ko.

"Why?" Kunot noo nitong tanong.

"Anong why why. Gusto mo na ba akong makalbo ng mga fans mo. Ang sasama na nga ng tingin nila sa akin tapos lalapit ka pa sa akin" inis na wika ko dito.

"Ano naman, tsaka kahit makalbo ka ikaw pa'rin ang pipiliin ko, hindi yun magbabago" wika niya but this time he hold my hand.

Hinayaan ko nalang siya at sabay naming tinungo ang last class namin.

Last subject na namin ngayon pero wala pa si Leyton. Saan naman kaya nagpunta yun.

"Wag mong hanapin si Leyton, may nagseselos" wika sa akin ni Reydon at nginuso si Thunder.

Napalingon ako kay Thunder na katabi ko lang. Wala naman daw naka-upo kaya dito niya piniling umupo.

"Saan ba kasi yun nagpunta?" Tanong ko kay Reydon.

"Wag mo nang hanapin yun nagpapalipas lang yun ng oras"  Tumango-tango nalang ako dahil kahit anong pilit ko dito ay di niya talaga sasabihin.

"Bakit naman siya magpapalipas ng oras?" Bulong ko sa sarili ko.

"Alam mo ang dami mong tanong, wala naman tayo sa quiz bee" wika ni Reydon.

Luh? Narinig pa niya yung bulong ko.

Di ko na siya pinansin dahil naiirita ako sa kanya.

Ano bayan wala man lang akong makausap, hindi ko naman makausap si Steffany dahil may sinusulat siya na hindi ko alam kung ano. Wala padin kasi si Ms.Venna.

Daldalin ko nalang kaya si Art.

"Art magsalita ka naman, ang tahimik mo"

"K" wika nito.

Hinantay ko pa kung ano ang susunod niyang sasabihin pero wala na, yun na yun, ano kaya yun.

"Ang iksi naman, habaan mo naman" pangungulit ko dito.

"Wala si Art nun si Thunder lang may ganun" bigla namang sabat ni Mack habang natatawa.

Anong nakakatawa sa sinabi niya.

"Ang dumi naman ng utak mo Mack! Palinis mo nga yan" wika sa kanya ni Reydon.

Anong madumi don.

Hindi ko nalang sila pinansin. Mga di matino kausap.

"Kira hindi mo manlang ba kakausapin si Thunder?" Tanong ni Reydon habang kinakalabit ako.

Tinapunan ko lang ng tingin si Thunder. Kanina pa siya nakatitig sa akin, nakakailang.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Reydon, sakto din kakapasok lang ni Ms. Venna.

"Sorry I'm late, kinausap pa kasi ako ng Principal natin" wika ni Ms. Venna at nagmamadaling magsulat ng pagaaralan namin sa white board.

Pagkatapos niya itong isulat ay itinuro niya sa amin ito.

*Kring*

Uwian na pero hindi ko pa'rin pinapansin si Thunder.

Nauna na akong maglakad kay Steffany. Nag-stay lang kami sa ground dahil hihintayin nanaman namin yung kambal niya. Pero sa kasamaang palad lumapit sa amin ang miyembro ng H5 maliban kay Leyton dahil wala siya.

Ano bayan natataranta ako. Ano ba Kira si Thunder lang yan.

Nagulat ako ng biglang hatakin ni Thunder ang braso ko at kinaladkad ako palayo kina Steffany.

"Uy! Thunder saan mo dadalhin si Kira?!" Galit na sigaw ni Steffany dahil nakalayo na kami sa kanila.

"Sa bahay!" wika naman ni Thunder.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong bahay ang sinasabi niya. Huhu Steffany naman, di manlang ako kunin mula kay Thunder.

Pilit kong kumawala mula sa pagkahawak ni Thunder nguti bigo ako dahil malakas siya.

Binuksan niya ang passenger seat ng kotse niya sabay sabing "pasok".

Umiling-iling ako.

Bumuntong hininga siya at sapilitan akong pinasok sa kotse niya.

"Ano ba! Saan mo ba kasi ako dadalhin?!" Sigaw ko dito.

Kinakabahan kaya ako.

"Sa bahay nga" wika nito at ini-start ang engine.

"Anong gagawin natin dun?!" Wika ko dito at nilabas ko ang phone ko.

Napatingin ako sa kanya nang hablutin niya ang phone ko.

"Malalaman mo din mamaya" wika nito sabay kindat at ngisi.

Nako naman! Lord ahh ikaw na po ang bahala sa kinabukasan ko.



Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon