CHAPTER 10

19 4 0
                                    

Ang shunga ko naman! Naiwan ko pa yung bag ko.

Nasa kalagitnaan palang ako ng panenermon sa sarili ko nang biglang bumukas ang pinto ng room.

Lahat nanahimik pati din si Sir.

"Mr. Mendiola what are you doing here?" Takang tanong ng Prof namin.

Mr. Mendiola? iisa lang ang kilala kong Mendiola at yun ay si..

"I will just return this bag to the owner" habang hawak hawak ni Thunder ang bag ko.

Napuno naman ng bulungbulungan ang classroom namin. Especially girls.

Tumango si Prof. at pinagpatuloy ang pagsusulat sa white board. Siguro yun yung lesson namin.

Habang papalapit siya sa akin ay ganon naman ang pagdami ng mga nagbubulungan.

"Diba she's the girl na nasa Brent University Issues page"

"Yeah siya yun see ang landi nga talaga"

Ilan lang yan sa mga bulungan na naririnig ko.

Nang makalapit na sa akin si Thunder.. binato niya sa mukha ko ang bag.

Aray ha! Ang sakit! Napakabaet!

Kakaretoke ko palang nitong ilong ko eh! Joke lang syempre. Never pa akong nagparetoke at never akong magpaparetoke, I'm proud sa itsura ko kahit mukha nakong ewan I'm still proud of it!

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala man lang thank you?" Pangaasar niyang tanong sa akin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin ba't naman ako mag te-thank you?! Binato nga niya sa mukha ko yung bag ko eh ang sakit kaya!

"Ty" sarcastic kong wika.

Ngumiti siya bago tumalikod sa akin, teka ngumiti siya?! Ngumiti siya!? pero 1 second lang yun parang kalahati nga lang ng 1 second eh. Baka naman namamalik mata lang ako. Never ko pa siyang nakitang ngumiti. Yeah right namamalik mata lang ako.

At tuluyan na nga siyang lumabas ng classroom.

Nilabas ko agad ang notebook ko sa subject ni Sir at nagsimula na ring magturo ng lesson si Sir.

Wala naman kaming ibang ginawa kun'di makinig at i-list down ang mga importanteng bagay.

*kring..*

Kaklase ko nga pala si Mack at Reydon sa next class.

"Kita nalang tayo mamaya bye!" Paalam sa akin ni Steffany.

Ngumiti naman ako at tumango.

Habang naglalakad ako sa hall way papuntang next class, may biglang umakbay sa akin, napatingin ako dito.  Psh.. pumakla nanaman ang mukha ko.

Naiirita kong tinaggal ang braso niya sa balikat ko.

"Tigil tigilan mo nga ako Reydon" naiirita kong wika sa kanya.

Nakakairita kaya, tsaka nga diba iiwasan ko na sila, pero paano ko sila iiwasan kung sila mismo ang lumalapit?!.

"Hahaha ang init nanaman ng ulo mo Ms. Sungit, siguro meron ka ngayon no?" Nangaasar na wika sa akin ni Reydon.

Nangaasar ba sya?! Kasi kung oo asar na asar na'ko.

"Bakit?! Nakita mo ba?!" Inis kong
Tanong sa kanya.

"Hinde, pero kung pwede titingnan ko" tapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tumingin siya sa akin sabay taas baba ng kilay.

Waaaahhhh bastus!.

Kadiri!!

"Ang bastos mo Reydon!" Sigaw ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng malakas at inakbayan ako sabay gulo sa aking buhok.

Mabilis din akong lumayo sa kanya at inayos ang buhok ko. Tsk.

Sinamaan ko siya ng tingin at nauna nang maglakad.

Pagpasok ko sa room padabog akong umupo sa upuan ko, buti nga at nakalipat pa ako ng upuan eh.

Tulad lang din ng second class namin nag-lesson lang din kami.

*kring...*

Yey! Next subject na plus kasama ko pa ang Saludo twin.

Nakangiti ako habang inaayos ang bag ko .

"Ang happy ah anong meron?" Wika ni Reydon habang papalapit silang dalawa ni Mack sa akin.

Natanggal tuloy ang ngiti ko.

"May papatayin kasi akong bahagi ng impyerno" sabay irap ko sa kanya.

"Woah! easy lang Ms. Sungit, grabe ka pala magselos pumapatay ka"  natatawang bigkas ni Reydon.

Argh! Wow ha! ako magseselos?! Kanino?! Sa mga fan girls nila?! Sorry pero hindi ako nagseselos!

"Lumayo ka nga sa akin Reydon baka mapatay kita ng disoras eh!" Naiirita kong bigkas sa kanya.

"That's bad, tsaka maraming babae ang iiyak at babalatan kang buhay pagginawa mo sa akin yun" habang taas baba ang kilay ni Reydon.

"Pero mas maraming iiyak sa akin" wika naman ni Mack.

"Pero alam naman nating dalawa na mas gwapo ako"-Reydon.

At ayun nanga nagpagwapuhan silang dalawa kung sino ang mas gwapo sa kanila. Eh kung buhusan ko kayang asido yang mga mukha nila (insert evil laugh) at dahil masama yun hindi ko gagawin syempre.

"Sige para malaman natin kung sinong mas gwapo sa atin tanungin natin si Kira"-Mack.

"Ghe ba, kung ako sayo hindi na ako magtatanong kasi malalaman ko lang na pangit ako" pangaasar ni Reydon kay Mack.

"Kaso hindi ako ikaw ungas!" Ganti naman ni Mack.

"Ms. Sungit, Sinong mas gwapo sa amin?" Tanong sa akin ni Reydon. Then nagpakyut siya. Natatawa tuloy ako hahaha, hawig niya si Bulbasaur.

Bigla namang lumabas sa utak ko si Leyton at si Thunder dahil sa tanong ni Reydon. Erase.. erase...

"Iisa lang ang gwapo sa paningin ko maliban sa Papa ko at sa mga kapatid kong lalaki" habang sinusukbit ko ang bag ko.

Pareho naman silang kumunot ang noo at handang pakinggan ang susunod na sasabihin ko.

"Sino?" Curious na tanong ni Mack.

"Yun ay si?" Di makahintay na tanong ni Reydon.

"Ang lalaking mamahalin ako at mamahalin ko, ang lalaking ako lang ang pipiliin sa araw-araw" ngiti kong wika sa kanila.

Iniwan ko na sila don.

"Ang daya! Sabi ko sa aming dalawa ni Mack!" Pahabol ni Reydon.

Natawa nalang ako sa kanya.

Pagpasok ko sa Room. Bulungan agad ang narinig ko.. ano nanaman bang meron?.

"KiKi!!!!" Masayang bati ni Tiffany sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"T-tiffany h-hindi ako makahinga"

"Ay! Sorry KiKi, ikaw kasi eh pinagalala mo ako at si ate, ano bang nangyari?" Takang tanong niya sa akin.

Napangiwi naman ako sa tanong niya. Naalala ko nanaman tuloy yung pagsampal sa akin ni Mitch.

"Mamayang lunch ko nalang ikwekwento" sabay ngiti ko sa kanya.

"Okay! Mamayang Lunch mo pa ikwekwento kaya siguraduhin mong detailed at sunod-sunod" maawtoridad nitong wika.

Tumango-tango naman ako sa kanya.

"Look who's here the flirty! whore! Girl!" Napalingon ako sa nagsabi nun.. si Mitch.

Kaklase ko pala sya.

Napatingin din si Tiffany at Steffany sa kanya. Ang sama ng tingin ng kambal sa kanya na kahit anong oras ay makakalbo nila si Mitch. Naku kung ako sa Mitch na yan lalayo na ako dito, baka bago pa ako lumabas sa room na ito ay kalbo na ako or worst pati anit ko mawawala.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon