CHAPTER 26

19 3 0
                                    

"Mag-aral muna kayo, mas maganda kung hindi ka umaasa sa pera ng magulang mo" wika ni Papa.

Napatingin ako kay Thunder dahil ang harsh magsalita ni Papa.

Hindi ito kumibo. Mabuti nalang at tapos na siyang kumain.

Tapos na'din naman akong kumain. Konti lang ang nakain ko dahil hindi ko parin na da-digest ang mga nangyari kanina.

Tumayo si Thunder "maraming salamat po sa pagimbita sa aking kumain it's a pleasure to eat with you, mahal ko po si Kira at gagawin ko ang lahat para maniwala kayo I'll do it with action you'll see, beside I'm going to treat her as my Queen and I'm willing to be her servant until my last breath" wika nito habang nakatingin sa akin.

Yiee.

Hindi ko namang maitatanggi na kinilig ako sa sinabi niya, kahit ano pang dami ng likers nila Papa at Kuya talo sila sa akin.

"Salamat po ulit at magandang gabi, uuwi na po ako" wika ni Thunder sa mga magulang ko habang nakangiti.

"Sige, magingat ka Ijo" wika sa kanya ni Mama. Tumango naman si Papa kay Thunder.

"Kira pakihatid naman ang ating bisita sa labas" wika sa akin ni Mama.

Tumayo ako mula sa aking upuan at hinatid si Thunder sa labas ng bahay.

Nang makalabas na kami ng bahay ay humarap ako dito.

"Sorry sa sinabi ni Papa" wika ko sa kanya.

"I understand him. Every parents want their child to have a bright future so I can't blame him being that protective to you, magiging ganun din ako sa mga magiging anak natin" wika nito at kumindat.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"I'll go now, matulog ka ng maaga wag kang magpupuyat, alagaan mo muna ang sarili mo habang hindi pa ako ang nagaalaga sayo" maawtoridad nitong sabi.

Bigla ko namang naalala yung sulat at bulaklak na nakuha ko sa locker ko. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"Why?" Takang nito.

"Yung sulat"

Hindi kaya..

"Anong sulat?" Kunot noong tanong nito.

"Aah wala" iling-iling ko.

"Yung sulat ba na galing sa locker mo ang tinutukoy mo"  wika nito at humarap sa akin.

"Teka paano mo nalama-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"I wrote it. And I'm fucking serious sa mga sinulat ko doon by the way nakuha mo ba yung bulaklak" nagbend ito para magpantay kami.

Napatulala ako sa kanya. Siya ang nagsulat nun?

"Oo natanggap ko, bakit kulay blue?" Takang tanong ko dito.

"Kasi favorite color ko, ang hirap kayang magpatubo ng rosas lalo na at kulay blue ito pero sulit naman kasi natanggap mo" ngiting wika nito.

"Gabi na aalis na ako, wala manlang bang goodbye kiss?" tanong nito sa akin.

Natutuwa akong malaman na kahit ganon sila kayaman ay hindi siya gumamit ng pera.

"I'll make the first move then" wika nito na nagpakunot sa noo ko.

*tsup*

Tug. Tug. Tug.

Napatulala ako sa kanya. Yun ba ang ibig sabihin ng I'll make the first move then niya?!. Nakakailan na siya ha.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon