CHAPTER 64

11 2 0
                                    

STEFFANY's POV

"Ano bang hinahanap mo jan?" Tanong nitong kambal ko.

May kinakalkal kasi ako dito sa maliit na bag na dala ko.

"Sayang naman duiko dala, may babalatan pa naman sana ako"

"Sino ba?"

Nginuso ko naman yung babaeng may twalya sa balikat.

"Hayaan mo mo na, tara kay Kira"

Lumapit din naman kami kay Kira.

"Tara na, aalis na tayo mamayang alas-singko" yaya ko dito.

Tsaka para maayos ko na rin yung mga gamit ko.

Kainis nga dahil Isang araw lang at isang gabi kami dito.

Tumingin naman si Kira sa H5 na nakikipagtawanaan kay Alicia. Lumapit ito kay Thunder siguro magpapaalam lang siya.

Nagkatinginan naman kami ni Reydon. Pinanlakihan ko siya ng mata na nagpatahimik sa kanya. Tawa-tawa  pa siya kasama yung higad! Hmp!

Yari talaga siya sa akin mamaya.

KIRA's POV

Lumapit muna ako kay Thunder baka mamaya magwala kung hindi ako magpaalam e.

Hindi ako nito napansin dahil sa tawanan nila. Umubo naman ako ng mahina. Napalingon ito sa akin bago lumapit.

"May problema ba?"

Umiling naman ako bilang tugon.

"Babalik na kami sa hotel aalis na'rin tayo mamaya, magaayos muna kami ng mga gamit namin"

Tumango ito bago ako talikuran ulit.

Napangiwi nalang ako, napatingin ako kay Alicia na nginisian ako. I really hate that smirk of her.

Pagdating namin sa hotel nauna nang maligo si Steffany, sumunod naman yung kambal niya. Paglabas ni Tiffany pumasok na ako sa banyo. Grabe nilalagkit ako.

Pagkatapos kong maligo nagpalit na'rin ako ng damit. Simpleng jeans at stripe na t-shirt, nilagay ko naman sa plastic yung damit ni Thunder at mga basa kong damit bago ilagay sa bag ko, para hindi mabasa yung iba.

Nagpalipas oras lang kami dito, yung kambal nagse-cellphone habang ako eto nagiisip.

Ano kayang mangyayari kapag bumalik na kami sa siyudad.

"Tara na alas-kwatro na, kailangan na nating bumaba magche-check ulit kung sino ang wala" wika ni Tiffany habang nakatingin sa wristwatch niya.

Nagtipontipon naman ang lahat ng taga university at tama si Tiffany may pa-attendance sila. Buti naman at kumpleto kami. Pinapunta na'rin kami sa kanya kanya naming bus number.

Doon ulit ako umupo sa upuan ko kahapon dito sa bus.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at pumikit. Matutulog nalang ako buong byahe. Napadilat ako dahil naramdaman kong may tumabi sa akin. Napatingin naman ako dito.

"Na-miss kita" wika nito. Tinanguan ko naman siya.

Tsk. Porket nakasama niya lang yung Alicia parang wala na ako kanina, I'm talking about Mr. Mendiola.

"Mine wala manlang bang na-miss din kita?"

Ayan nanaman siya, mangungulit, pag ako talaga nahilo susukaan ko siya.

"Mine" yugyog nito sa akin.

"Kira" yugyog ulit nito.

"Kira ko"

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon