CHAPTER 61

13 3 0
                                    

THUNDER's POV

It's really my plan kung bakit ka-bus namin ngayon si Kira. I really want to sit beside her pero alam kong ayaw niya akong makatabi.

Ang tagal din ng byahe. Wala naman akong ginawa kun'di mag-ML nalang. 5 win strike and always MVP sa Rank game using Gusion. Not bad.

Ibinulsa ko na rin ang phone ko, we're here. Nagsiunahan namang bumaba ang mga tao.

Napansin ko naman na hindi pa bumababa si Kira marahil ayaw niyang makipagsiksikan. Nang konti na ang tao tumayo na siya sa upuan niya, muntik na siyang masubsob buti nalang at mabilis ang galaw ko at nasalo ko siya agad. Napatingin naman siya sa akin. Agad naman siyang lumayo at nagmadaling bumaba ng bus.

That hurts like hell.

Tinapik naman ako sa balikat ni Reydon. Bumaba na'rin kami ng bus. Wala kaming planong makinig sa sasabihin nung panot kaya pumunta na kami sa room namin.

Nilapag ko sa sofa ang bag ko. Naglabas naman ako ng milo at pinapak ito. Hindi ako pumapapak ng Milo kapag nanjan si Kira. Ayaw ko namang isipin niya na isip bata ako.

"Tara labas tayo, baka may mga naka-swimsuit na dun" wika ni Mack.

"Puro ka nalang seksi, balak mo bang magasawa?" Tanong sa kanya ni Reydon.

Napatahimik nalang siya.

"I prefer bedmate" ngising wika nito.

Napailing nalang ako.

"Sino kaya unang ikakasal sa inyo" wika nitong si Mack.

Hindi ako umimik pero tinaas ko ang kanang kamay ko.

"Lul" bigla namang wika ni Reydon.

Umiling-iling naman si Art. Natatawa naman si Mack habang si Leyton  seryosong nakatingin lang sa akin.

"Magtatanong pero kung ano anong kamonggoloyddan ang ire-react" iling iling ko.

"Basta sa mga kasal niyo ako lagi bestman ha" wika ni Reydon.

"Lugi naman pagganon" Mack.

"Labas lang ako" wika naman ni Leyton bago umalis.

"Ako din" masayang wika ni Reydon.

"Jan lang ba kayo? Bababa rin ako" wika ni Art at lumabas na rin.

"Tara na, walang babe dito oh" wika ni Mack.

Wala rin naman akong nagawa kaya lumabas na'rin. Gusto ko din naman soyang makita.

Lakad dito lakad dun. Wala akong Kira na makita. Lakad lakad lang hanggang sa nakita ko sila. Anak ng nakahawak sa pisngi ni Kira si Leyton. Susugurin ko na sana nang pigilan ako ni Mack.

"Hayaan mo muna, nagkakanda linawan lang siguro sila"

Umalis na rin naman si Leyton.

"May kakausapin lang ako" wika ko at sinundan si Leyton.

Napatingin naman ito sa akin. Basa ang mga mata nito.

"You're lucky" wika nito sa akin.

Napakunot naman ang noo ko.

"You're lucky to have her. Kahit sinaktan mo siya, ikaw pa rin ang nasa puso niya" iling-iling na wika nito.

"Kung hindi mo rin naman kayang suklian ang pagmamahal niya, let her go"

Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Hindi ako gago para pakawalan ang babaeng mahal ko.

"Your insane Ley, and I'll prove to you that you're wrong!!"

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon