CHAPTER 62

8 5 0
                                    

ART's POV

Nandito kami ngayon ni Tiff sa tabing dagat. Naghahanap siya ng shells na maliliit. Palubog na ang araw.

"Apat na nga yang mata mo gusto mo pa atang maging anim" wika ko dito.

Pagabi na kaya, madilim na pero si Tiff naghahanap ng shell. Minsan hindi ko maiisip kung paano ang takbo ng utak nito, sumasabay nalang ako.

"Wag ka ngang kj lunurin kita jan e" ang sadista talaga.

"May binili kasi akong garapon na babasagin maliit lang siguro mga 4inch ang tangkad. Lalagyan ko ng buhangin at ng shells basta dedesignan ko, kesa naman sa bumili pa'ko ng merchandise nila na hindi naman maganda"

Yan ang isang nagustuhan ko sakanya, hindi siya takot umamin basta't masabi niya ang gusto niya. She's true to her self.

"Okay na siguro 'to" wika niya habang tinatali ang plastic na may mga shells. Nilahad naman niya 'to sa akin. Napakunot ako ng noo.

"Ikaw mahawak or ibulsa mo, ibigay mo nalang sa akin pagkukunin ko na" wika nito.

No choice naman ako kun'di ang kunin yun, baka magalit nanaman sa akin.

"Kyaahhh!! Sunset na pala" natutuwang wika nito.

Nilabas naman niya ang phone niya.

"Tara pic tayo" wika nito.

Ngumiti naman ako sa camera, but what she did next made me stop.

She kissed me on my left cheek then click the camera. Napangiti nalang ako. I can't hide the fact na kinilig ako. Yeah I'm a man, mukha man kaming hindi kinikilig but believe me makita lang namin kahit anino ng taong mahal namin ay kikiligin na kami.

"Mahal.. pic mo'ko" wika nito sa akin sabay bigay ng phone niya.

Yeah right that's our endearment. I suggest it, nung una ayaw niya tapos nung sinabi ko na "sige, ikaw nalang magisip"  bigla namang nagbago ang isip niya at yun nalang daw... Mahal.

After some shots. Ako naman ang pinicturan niya.

"Tara na, hanapin na natin sila ate" wika nito. Tumango naman ako at hinawakan ang kamay niya.

Siya lang ang babae na nagpatahimik sa akin at ang nagpapadaldal sa akin.

"Te Amo" wika ko dito.

"Corny mo! Te Amo din" wika nito ng hindi nakatingin sa akin.

Napangiti nalang ako I just find it cute.

REYDON's POV

"Ano ba!, kanina ka pa sunod ng sunod" naiiritang wika nito.

"Masama bang sundan ko ang pangarap ko?"

Tinarayan naman ako nito, nginitian ko lang siya.

Mataray but I find it cute. Gusto ko sa mga matataray na babae. Bakit?, simple lang para pagnaging kami magtataray siya sa mga lalaking umaaligid sa kanya.

Hindi ko na kailangang maging possessive kapag ganon.

Naalala ko tuloy si Dad, pareho kami ng gusto sa isang babae. Mataray din si Mom.

"Omaygosh! Sunset na. Bilis picture'ran mo'ko" wika nito sabay bigay sa akin ng phone niya.

Tiningnan ko naman ang phone niya, napangisi nalang ako.

"Lowbat ang phone mo, phone ko nalang, send ko nalang sayo"

"Ganun ba, sayang naman 'to hmm.. sige send mo nalang sa akin"

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon