CHAPTER 63

10 4 0
                                    

"Wag mo nang hanapin yung dalawa, nagutom daw sila kaya bumaba na sila" wika sa akin ni Steffany. Siguro napansin niya na palingalinga ako. Wala si Aldrea at Sarren.

"Oh maglagay ka" sabay bato niya sa akin ng sunblock lotion.

"Sayang kutis" dagdag nito.

*Tok* *tok*

Napatingin naman kami sa isa't isa.

Lumapit sa pinto si Steffany at binuksan ito.

"Ang tagal niyo namang buksan" wika ni Mack sabay upo sa kama.

Sumunod din namang yung apat.

Lumapit sa akin si Thunder at niyakap ako mula sa likod.

"Bakit--" hindi natapos ni Steffany yung sasabihin nya ng magsalita si Mack.

"Who owns this? 36C, not bad" wika nito habang hawak hawak ang kulay itim na bra.

Nagkatinginan naman kaming tatlo.

"Kay Sarren" sabay sabay naming wika pero pabulong. Ako na ang lumapit kay Mack at kinuha ang hawak niya.

"Wag ka ngang dampot ng dampot"

Buti nalang talaga wala dito si Sarren lalo na si Aldrea baka makatikim siya ng kung ano anong law.

"Bakit ba kayo nandito? Ang aga-aga nambubulabog kayo" wika ni Steffany.

"Nandito kami para yayain kayong kumain may pina-reserve kaming cottage. Ano pang hinihintay niyo let's go, lugi naman kami ni Ley" wika ni Mack habang nakatingin kay Leyton na nakasandal sa pinto.

"Tara na gutom na'rin tayo iihawin pa natin yung bangus dun" wika naman ni Reydon.

"Nagpapagutom kasi tsk" bulong ni Steffany.

"Bago tayo bumaba dalhin niyo na yung pang-swimming niyo at pamalit para di na kayo bumalik dito medjo malayo pa naman 'tong hotel.

"Tara na nga" wika naman ni Tiffany at nauna nang lumabas. Lumabas na rin naman kami.

Pagdating namin ng cottage nagpresente si Art at Reydon na sila na ang magiihaw.

"Hi cutieee~!!"

Napalingon naman kaming lahat sa nagsalita.

"What are you doing here" gigil na wika sa kanya ni Thunder.

"Chill... I'm not going to make a scene, I'm just here to join you" malanding wika nito.

"You're no-" Napatingin naman sa akin si Thunder ng pisilin ko ang kamay niya, tumango ako sa kanya tanda na ayos lang.

"*sigh* fine pero subukan mo lang  gumawa ng eksena at a-"

"Yeah, yeah I know"

"Here, may dala akong tuna sandwich I made it by myself and tell you masarap yan" sabay lapag nito sa lemesa ng lalagyan ng tuna sandwich.

Tiningnan lang nila ito, nakita ko naman sa ekspresyon ni Alicia na lumungkot siya.

Kumuha naman ako ng isa at kinain.

"Masarap try niyo" alok ko sa kanila.

Kumuha naman si Thunder at nagsikuhaan na sila.

Nginitian niya sila pero nung nagkatinginan kami ni Alicia tinarayan niya ako.

"Told ya masarap yan" wika nito sa kanila.

"Masarap ngayong lumangoy" wika ni Alicia bago mag hubad ng damit at short.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon