CHAPTER 67

15 2 0
                                    

Ang bilis nga naman ng mga pangyayari, biruin mo next month na ang graduation day at graduated na kami ng college.

Nawiwirduhan na talaga ako kay Thunder minsan cold tapos minsan naman nasobrahan sa sweet.

"I can't believe it gra-graduate na tayo next month. Ang bilis naman ng mga pangyayari" nagniningning ang mga mata ni Steffany habang nagsasalita.

"Himala at hindi mo kasama si kulog" wika naman ni Tiffany.

"May gagawin daw muna siya sa tambayan nila" wika ko naman sa kanila.

"Kagagaling ko lang dun, wala siya at yung apat lang ang nakita ko" wika ni Tiffany.

Nagkibit balikat nalang ako, malay mo naman may binili lang.

Puno ang cafetiria buti nalang at vacant yung isang table.

"Magpakulot kaya ako sa graduation?" Excited na wika ni Steffany.

"Magpakalbo ka nalang" wika naman sa kanya ni Tiffany.

Nagpigil ako ng tumawa dahil baka masabunutan pa ako.

Inikutan nalang siya ng mata ni Steffany.

There's a girl na may hawak na tray, naghahanap ito ng vacant seat. Kilala ko siya ah.

"Zopia here!"

Napatingin naman ito sa akin at lumapit.

"Kilala mo/ Sino yun?" Sabay na tanong nung dalawang kambal.

"Basta" wika ko nalang sa kanila.

"Salamat Kira" wika nito ng nakangiti.

Kilala niya ako?.

"Kilala mo pala ako"

"Oo naman, sino ba naman ang hindi makakakilala sa girlfriend ni Thunder" wika nito ng nakangiti.

"Anong course mo?" Tanong dito ni Steffany.

"BM" simpleng wika nito bago sumubo ng pagkain.

"Alam mo ang swerte mo" wika nito nang nakatingin sa akin.

Ngumiti nalang ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko.

"Nandito na pala si Kulog e" wika ni Steffany habang nakatingin sa palapit na si Thunder.

"Saan ka galing?" Tanong ko dito ng makalapit na siya.

"Nagpahangin lang" walang ganang wika nito.

"Thunder si Zopia, Zopia si Thunder" pagpapakilala ko sa kanila.

Nagkatitigan ang dalawa, nagiwas naman ng tingin si Zopia  habang si Thunder ay nakatingin lang sa kanya. Siniko ko ito kaya naman natuon ang atensiyon nito sa akin.

"Ang lalim naman ng iniisip mo" wika ko dito.

"Ah.. I need to go"

Nagmadali naman itong umalis. Kakadating lang niya ah.

"Ang weird naman ng kulog mo, nako Eudora pagaralan mo yang kulog" wika ni Steffany habang kumakain.

"Eudora?"

"Character sa Ml" wika naman ni Tiffany.

Tumango tango nalang ako. Nag-e-Ml din sirguro sila.

Papunta ako ngayong Library dahil tawag daw ako ng Librarian nang makasalubong ko si Leyton.

"Leyton" Tawag ko dito. Nakangiti ito at may hawak na bulaklak at chocolates, para kanino?.

"Kanino yan?"

"Para kay Aldrea" nakangiting wika nito.

Aaminin ko kumirot ang puso ko. Kahit na no! Naging crush ko kaya siya pero hindi naman ako ganun ka swapang remember I set him free. Masaya ako na nahanap na niya ang para sa kanya.

"Sana magustuhan niya" kabadong wika nito. Natawa naman ako ng mahina.

"Magugustuhan niya yan, hindi naman maarte yun, oo nga pala nakatikim ka na ba ng mga laws niya?" Natatawang wika ko dito.

Bumusangot naman ito.

"Lagi" walang ganang wika nito.

"Hahaha sige na, ibigay mo na sa kanya yan" ngiting wika ko dito. Nginitian naman ako nito bago umalis.

Nakakapanibago pero ganun talaga walang permanente sa mundo.

Pagpasok ko wala yung Librarian, may mga nagbabasa at mga nagsusulat.

Hihintayin ko nalang si Ma'am. Lumapit ako sa isa sa mga bookshelf. Ano kayang magandang basahin. Napadako ang tingin ko sa libro ni Shakespeare which is Romeo and Juliet. Narinig ko na ang kwentong ito pero hindi ko pa nababasa o napanood manlang.

Nang mahawakan ko ito ay may kamay ding humawak dito. Napanatingin ako dito.

"Ikaw pala Zopia, sige sayo nalang" ngiting wika ko. Kinuha niya ito at inilahad sa akin habang nakangiti.

"Sayo nalang, ilang beses ko na din naman itong nabasa"

Kinuha ko ito sa kanya bago magpasalamat.

"Alam mo ang swerte mo kay Thunder, malambing, mabait at minsan nga lang masungit" wika nito habang naghahanap ng libro.

She sounds like kilala niya si Thunder.

"Kilala mo ba si Thunder?" Tanong ko dito bago buklatin ang hawak kong libro.

"Oo"

"Ganon? Ano mo siya?" Curious na tanong ko dito.

"I'm his first love"

Nabitawan ko ang librong hawak ko, kasabay nito ay ang sakit na naramdaman ko.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon