CHAPTER 14

14 2 0
                                    

Hindi pa natinag si Thunder at nilapitan si Zoren at kwinelyuhan ito.

Ano bang problema nya?!

"Ano ba Thunder tumigil ka nga!" Sigaw ko dahil bigla nanaman niyang sinuntok si Zoren sa mukha.

Hindi naman nagpaawat si Zoren at sinuntok din si Thunder sa mukha.

"Ano ba! Tumigil nga kayo!" Sigaw ko sa kanila pero wala ni isa sa kanila ang nakinig sa akin.

Natigil lang ang suntukan nila nang may umawat sa kanila.

"Hindi man lang kayo nagtawag may kasiyahan pala ditong nagaganap" wika ni Reydon habang pinipigilan niya si Thunder na sugurin ulit si Zoren.

"Kasiyahan paba ang tawag jan?! Nagpapatayan na kasiyahan pa'rin?!" Inis kong sigaw kay Reydon.

Hindi kasi nakakatuwa.

Napakamot nalang siya sa ulo niya.

Nakahawak din kay Thunder si Mack upang pigilan ito.

Habang si Leyton naman. Ay inaalalayang tumayo si Zoren dahil napaupo ito. Ang lakas siguro ng suntok sa kanya ni Thunder.

Bigla din namang dumating ang Saludo twin at tumabi sa akin.

Habang si Art naman ay nasa pagitan nila Zoren at Thunder.

Etong Thunder na'to kanina pa'to e, namumuro na sa akin.

"Ikaw Thunder! Ano bang problema mo at bigla-bigla mo nalang sinuntok si Zoren?! " naiinis kong tanong sa kanya.

Wala naman kasing ginagawang masama yung tao eh.

Hinawakan lang ako ni Steffany sa balikat.

Tumingin siya sa akin. Yung galit niyang itsura ay napalitan ng malungkot na expression.

Napakunot ako ng noo.

Kumalma siya at umayos ng tayo. Biglang naging plain ang expression nito, wala kang mababakas na kahit anong expression.

Bago ito tuluyang umalis, tiningnan niya muna ako. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pagkatapos ay tumalikod na ito at naglakad palayo.

Anong problema niya. Nakatingin pa'rin ako sa kanya habang naglalakad sya palayo.

Meron akong biglang naramdaman ang lungkot sobrang lungkot, yung parang may kulang. Napahawak nalang ako sa dibdib ko.

Bigla namang sumipol si Reydon.

"Sige bespren una nabkami, bye kambal!" wika nito habang kumakaway sa amin ng kambal.

Tumango nalang ako dahil wala akong ganang magsalita. Sunod-sunod na'din naman silang umalis.

May biglang humawak sa balikat ko. Pagtingin ko dito si Leyton. Nginitian niya ako na nagsasabihing it's fine, tumalikod ito at nagsimula nang maglakad paalis.

Nang makaalis na sila agad naman akong lumapit kay Zoren.

"Ayos ka lang?" Nagaalala kong tanong sa kanya.

"Ano ba namang tanong yan KiKi, may sugat at pasa sa mukha tapos tatanungin mo kung ayos lang siya" Natatawang wika sa akin ni Steffany.

Sabi ko nga.

Napatawa naman si Zoren.

"Ayos lang ako" ngumiti siya sa akin.

"Hindi ka okay no, maa mabuti pa tara at ihahatid na kita sa Clinic" inalalayan ko naman siya sa pagtayo.

Hindi naman ako nahirapan dahil inalalayan din siya ni Steffany habang yung kambal niyang si Tifffany ay nakakunot ang noo at may malalim na iniisip.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon