CHAPTER 2

35 5 0
                                    

"Good morning Everyone!!"

Napalingon ako sa nagsalita sa harapan, lalaki ito, ang gwapo sh*tue, mga nasa 24 yung edad niya, I think?. Representable itong manamit ngunit napansin agad ng mata ko ang color pink nitong scarf na nakapulupot sa kanyang leeg, napansin ko rin ang hawak nitong pamaypay na color pink. Oh so his a.. sayang...

"I'm Cleo luis Velasco, you can call me Sir. CL, and Yes I am your Adviser and your teacher in Menu planning"

"Sayang naman gwapo pa naman si Sir CL" rinig kong sabi nung kaklase naming babae na malapit lang sa pwesto ko.

"Ate yung laway mo aabot na hanggang sahig" napatingin ako sa kausap ni Sir na babaeng nasa harapan lang niya.

Agad namang pinunasan nung babae yung laway niya gamit ang sarili niyang panyo.

"S-sorry Sir" tapos nilagay niya yung hibla ng buhok niya sa likod ng kanyang tainga.

"Hay nako, kahit ilang beses pa tumulo yang laway mo di na talaga ako magiging straight" sabay flip niya ng bangs kuno kahit wala.

Earth anong nagyayari?! Nagkakaubusan na ba ng mga gwapong straight?

"Sayang naman"

"Awww sayang"

Rinig ang bulong-bulungan ng mga babae sa classroom namin. Well lahat sila nanghinayang, hindi ko naman maitatangging nanghinayang din ako, sinong hindi manghihinayang?!.

"Okay lang yan girls andito naman ako eh" sabay tayo nung kaklase naming lalaki, then pogi sign.

"Talaga? Saan?"- Sir. CL habang hindi makapaniwala sa sinabi nung kaklase naming lalaki with matching gulat reaksyon pa.

Kaya ang resulta—

"Hahahahaha!!!" Lahat kami natawa.

"Ok class it's nice to know na nagkakamabutihan kayo, well I want to know all of you kaya, introduce your self, don't need to go infront, basta tatayo lang kayo then ipakilala ang sarili, okay?"

"Yes Sir. CL"-all

"Pero may consequence, after niyo mag pakilala kailangan niyong humugot, yan jan kayo magaling"

Bigla kasing umingay ang klase nang banggitin ni Sir ang tungkol sa 'hugot'.

"Ow... ok Sir."- All

Medjo matagal pa bago kami magpapakilala ni Steffany dahil nasa may bandang dulo pa kami.

After some minute si Steffany na ang next, then ako na.

"Hi I'm Steffany Saludo, boys kung gwapo kayo wag niyo yang gawing lisensya para manloko kayo subukan niyo lang sasaktan ko kayo! Charr... I thank you!!"

"Ohhhh!!/hahaha!!"-Classmates

Pagkaupo ni Steffany ay siya namang pagtayo ko.

"Nice meeting you all, I'm Kira Kim Fajardo(pronounce as Fahardo). Ang lalaking loyal minamahal, ang lalaking 2 timer sinasakal, kaya girls simple lang ang mag-move on,
Iwan ang nakaraan at irampa ang kagandahan"

"Owww!!!! Barss!!"-All

"Ohhh!!! Nice one!!"-some of my classmates.

Pagkaupo ko ay may binulong sa akin si Steffany.

"Sayang wala siya dito, di tuloy niya narinig " then she chuckled.

"Yeah" bored kong sagot.

Well he's a past now. Sabi nga diba format the past and download the present. I just heard it somewhere.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon