CHAPTER 50

9 3 0
                                    

Nagising ako nang may maramdaman akong humahaplos ng buhok ko. Nakatulog pala ako.

Nakangiting mukha ni Thunder ang bumungad sa akin.

"Thank you" malambing na wika nito.

Ngumiti ako at tinanong siya "kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Ayos na, magaling yung nagalaga sa akin e"

"Gutom ka na?" Tanong nito sa akin.

"Oo"

"Habang tulog ka nag-order ako ng pagkain, hintayin nalang nating dumating" wika nito.

Tiningnan ko naman kung anong oras na, 8:49 p.m. na.

"Dito kana matulog" wika nito sa akin.

"Anong susuutin ko?"

"Damit ko" casual na bigkas nito.

Buti nalang may baon akong underwear. May P.E kasi kami ngayon incase na mahulog yung pamalit kong underwear habang nagshoshower ako. Nangyari na kasi yun.

Tumango naman ako.

Pumunta ako sa damitan niya at naghanap ng damit. Magsho-shower na muna ako bago kumain. Nakakuha ako ng isang oversized shirt. Ano bayan wala akong short. Ang lamig pa naman dito sa kwarto niya, may aircon kasi.

"Wala man lang bang short?"

"Pajama ko lang" wika nito.

Naghanap naman ako ng pajama.

Dumeretso din naman ako sa C.R at nag-shower. Dito na'rin ako nagbihis, alangan naman duon ako sa harap niya magbihis. Dito sa baba ang CR habang sa taas dalawang pinto, yung isa kwarto ni Thunder ewan ko lang kung anong nasa loob ng isang pinto.

Paglabas ko ay nakaupo si Thunder sa sofa.

"Bakit ka nandito dapat doon ka lang sa kwarto mo baka mabinat ka pa" makulit talaga tong Thunder na'to e.

"Inabangan kitang lumabas ng naka twalya, kaso doon kana pala nagbihis" sabay ngiwi nito.

Napalingon ako sa pinto nang may mag doorbell.

Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

"Ahh.. Sir. Thunder po" nagaalinlangang wika nito.

"Dito yun Kuya, akin na" wika ko at kinuha yung mga pagkain.

Lumapit sa amin si Thunder at binigay kay Kuya ang bayad.

"Let me help you" wika ni Thunder at kinuha sa akin amg mga pagkain.

"Sige Kuya salamat" nakangiting wika ko dito.

Ngumiti din ito at tumango bago umalis. Sinarado ko na rin yung pinto.

Nilingon ko si Thunder na katabi ko.

"Tss" sabay taray nito sa akin.

Anong kasalanan ko?

"Anong problema mo?" Tanong ko dito pero hindi talaga ako pinansin.

Dumeretso ito sa sora at umupo.

"Paghindi mo sinabi aalis nalang ak-"

"Bakit kasi kailangan pang ngitian yung delivery boy"

"Ikaw nga nahahalikan ako"

"Tss.. stop comparing me to that delivery guy, hindi niya ako ka-level" inirapan ulit ako nito.

Napailing na lamang ako.

Nakaagaw ng pansin ko ang ballpen na nasa lemesa.

"Ice Bear na ballpen!" kukunin ko na sana nang kunin ni Thunder.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon