CHAPTER 58

9 2 0
                                    

Naabutan ko si Alicia na nakikipag away sa dean. Ganito na talaga siya kadesperada.

"Idro-drop mo yung dalawang kambal o papaalisin kita sa pwesto mo!" Sigaw nito.

Hindi ba siya tinuruan ng magandang asal?.

"Pero Ms. Montavier, wala naman pong kaso yung dalawa para tanggalin sila"

"Kung sinabi ko gawin mo! Argh! Tatawagan ko nalang si Dad para tanggalin ka at ang kambal sa school na'to!" Sigaw nito sa matandang lalaki na nakapuo sa swivel chair.

"Tama na, ako nalang ang kusang aalis sa university na'to" wika ko na nagpatigil sa kanila.

Napangisi naman si Alicia.

"Sino ka nanaman?" Tanong sa akin ng dean.

"Pwede ba makinig ka nalang sa kanya at tanggalin mo siya sa university na ito, don't worry magi-stay ka dito at ang pinapatanggal kong kambal" wika ni Alicia doon sa dean.

"Pero-"

"Walang aalis sa university na ito!" Sigaw ng kadadating na si Thunder kasama ang miyembro ng H5.

"Sir-"

"Manahimik ka ngang panot ka. Tandaan mo, ako lang ang may karapatang magpa-drop out dito at wala nang iba" seryosong wika nito.

"Ikaw naman, sino ka ba sa akala mo para mang drop out" inis na wika ni Thunder kay Alicia.

"Thunder kasi sinaktan niya ak-"

"Wala akong pake! At sawang sawa na ako sa mga kasinungalingang dala mo!" Sigaw dito ni Thunder na nagpatahimik sa kanya.

Pagkatapos niyang pagsabihan si Alicia ay tumalikod na ito.

Bago ito tuluyang umalis, tiningnan muna ako nito. Nagkatitigan kami. Nakita ko sa mata niya ang pagaalala. Umiwas din naman ito at tuluyan nang umalis kasama ang H5.

Masama ang tingin sa akin ni Alicia bago umalis.

"Hay, mga bata nga naman ngayon" wika ng dean habang inaayos ang papel na nasa lemesa niya.

"Pasensya na po kayo, nadamay papo tuloy kayo"

"Ayos lang iha, sanay na ako sa ganyan. Siya nga pala ikaw si Kira diba?"

"Opo, bakit po?"

"Salamat, dahil sayo nagbago si young master Thunder.. dati kasi.. nasobrahan sa kakulitan yang si Thunder, sakit sa ulo yan dito. Kung hindi dahil sa mabait niyang ina.. matagal nang sumuko tong University sa kanya"

Nagbago? E tinawag nga siyang panot.

"Yung pagtawag niya sa akin ng panot.. tawag niya sa akin yun simula ng bata palang siya" iling-iling na wika nito. Sa kwento palang ng dean malalaman mo na kung gano kakulit at kasaya ang childhood ni Thunder.

"Sige na iha, baka mahuli ka pa sa susunod mong klase"

"Sige po" wika ko dito bago umalis.

REYDON's POV

Makakasalubong namin si Kira ah. Lunch ngayon. Ewan ko ba dito kay Thunder, ayaw kumain sa tambayan. Alam ko namang gusto niya lang makita si Kira pero tinatanggi niya lang.

"Lalong gumanda si Kira ngayon, ano sa tingin mo AA?" Tanong ni Mack kay Thunder nang kaharap na namin si Kira.

Totoo naman kasi na gumanda si Kira. Hindi ko nga alam na may igaganda pa pala siya.

"Wala paring pinagbago" wika nito bago daanan lang si Kira.

Halata naman sa itsura ni Kira na nasaktan siya. Baliw din tong Thunder nato e. Hindi ko minsan maisip kung anong trip nito sa buhay, pero sanay na'rin naman ako.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon