CHAPTER 53

9 3 0
                                    

Ang aga kong gumsing para magluto ng pagkain namin. Pagkagising ko wala na si Thunder sa tabi ko.

Nakaligo na kami ngayon, kakain nalang.

"Sure ka bang susunduin kayo nung Thunder nayun" bigla namang tanong ni Ara.

Nagkibit balikat lang ako.

"Speaking of the demon" sabay irap nito.

"Kain ka muna" yaya ko ditong kumain.

"No thanks, kakakain ko lang kanina, where's Kai?"

"Tapos na ako kumain kuya tara na"

"Hihintayin ka nalang namin ni Kai sa kotse, let's go" sabay alis ng dalawa.

"Anong meron dun, parang wala sa mood" wika naman ni Ara habang may nginunguyang pagkain.

"Ewan ko, tinopak nanaman siguro, sige una na ako, magingat ka dito ha, may multo pa naman dito"

"Kira naman e!"

"Joke lang, sige na bye!"

"Bye"

"Ang tagal mo naman ate baka ma-late ako"

"Hayaan mo na Kai wala kang mapapala sa pagong"

Argh! Pasalamat sya nandito si Kai. Kaya ko pang magpigil. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Magaral ka ng mabuti Kai ha!"

"Opo ate!"

Nang makababa na si Kai ay agad kong kinausap si Thunder.

"Ano nanaman bang problema mo?" Wika ko dito.

Tiningnan muna ako nito at nagkibit balikat.

"Hindi na nakakatuwa Thunder"

"Bakit sa tingin mo ba natutuwa ako?"

"Ibaba mo na nga ako!, stop the car!"

Pakshet siya!

"What?! Are you insane? Nasa kalagitnaan tayo ng kalye tapos bababa ka!"

"Tayo na nga lang magkasama dito sa kotse hindi mo pa ako kakausapin di'ba!"

"Wala nga kasing problema ikaw lang naman tong nagiisip na meron" mahinahon na wika nito.

"Huh! Talaga lang"

A couple minutes of silence.

"Were here"

"Buti naman" bumaba ako agad at nauna nang maglakad.

Nakakagigil talaga. May pa wala-wala pa siyang nalalaman e halata namang meron.

Tumingin naman ako sa likod ko kung sinusundan niya ako ngunit wala! Wala akong nakitang Thunder!!.

Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi ko maiwasang mailang. Tingin ng tingin sa akin ang mga studyante tapos yung iba bumubulong.

"Bumalik na yung Queen"

"Oo nga e. Ano kayang mangyayari"

"Tsaka paano yun.. bumalik na si Alicia paano na si Kira?"

Napakunot naman ako ng noo, bakit naman nila sinasali yung pangalan ko. Tsaka Alicia? Hindi ba siya ang may ari ng sulat na nakuha ko sa locker ko? Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Umalis na tayo si Queen" natatarantang wika ng babae.

Dahil nga naglalakad ako ng nakayuko. May natapakan akong sandal.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon