CHAPTER 39

12 3 0
                                    

KIRA's POV

"Kira gising na! Mag-alarm ka nga! Ako nalang lagi ang gumigising sayo e!" Sigaw ni Kuya.

"Eto na gising na!" Kainis naman pwede naman akong gisingin ng maayos kailangan pangsigawan.

Puyat kasi ako this past few days todo review kaya ang ginawa ko. Nakapag-test na'rin kami. Ngayon lalabas yung test result kaya kinakabahan ako.

Ganun pa'rin naman hatid sundo parin ako ni Thunder.

Pagbaba ko wala akong nakitang Thunder. Di kaya niya ako masusundo?

Ginawa ko nalang yung morning routines ko. Natapos na lahat-lahat pero di'ko pa nakikita si Thunder.

"Ba't ang lungkot ni panget?" Wika agad sa akin ni Kuya paglapit niya.

"Wala" tipid kong wika bago lumabas ng bahay.

May biglang pumarada sa tapat ng bahay namin. Ewan ko pero napangiti nalang ako.

"Sorry I'm late, na-late kasi ako ng gising" wika ni Thunder pagbaba niya ng kotse niya.

"Ehem! Malungkot ka lang kanina ah bat nakangiti ka na?" bulong ni Kuya sa tabi ko.

Sinamaan ko nalang ito ng tingin. Ang daming napapansin e.

Dumeretso agad ako sa kotse ni Thunder. Naninibago ako sa kanya kasi buong byahe siyang walang imik.

May nangyati ba?

Pagdating namin ng parking lot ng school ultimo "were here" hindi ko narinig sa kanya basta pinagbuksan niya lang ako ng pinto.

"Thunder okay ka lang?" Di'ko na matiis ang tahimik niya.

"Huh? Oo naman" wika nito ng hindi makatingin sa akin.

"Sabi mo e" may problema talaga e.

"Ahm... Thunder wag mo na akong ihatid" wika ko dito ng nakangiti.

Tumango lang ito at lumakad na sa ibang path.

Naging sarcastic naman yung ngiti ko.

May problema talaga e. Dumeretso naman agad ako sa classroom ko.

"Anyare sayo?" Bungad agad sa akin ni Steffany. Tumingin ito sa paligid.

"Himala at wala si TM" dagdag pa nito.

"Wag mo nga siyang bangitin"

"Alam ko na ang dahilan. LQ?"

"Ewan, alam mo yung one day wala siyang kibo, yung one day nayun ngayon yun" sabay ngalumbaba ko.

"Baka naman may problema. Di'mo ba tinanong?"

"Yun na nga e tinanong ko kung okay lang siya sabi niya 'oo naman' tapos balik ulit siya sa pagiging walang kibo"

"May problema nga" wika nito at umayos ng upo.

"Eh ano?!" Tanong ko dito.

"Buh! Malay ko, ako ba si Thunder?!Ang payo ko is ayusin niyo nalang yang problema niyo habang maaga pa"

"Siya naman ang may problema e" wika ko dito.

Nagkibit-balikat lang ito sakto naman sa pagdating ni Sir. CL.

"Okay baby Dragons! Nakaka-stress yung iba sa inyo! mga bagsak!" Gigil na wika ni Sir. CL.

"Pinaghalo-halo ang score niyo sa mga test niyo, over 100 percent yun. 75 pababa bagsak 75 pataas pasado. Mamayang lunch ididikit sa bulletin board yung mga name at score niyo, Goodluck nalang" -Sir. CL.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon