CHAPTER 51

13 3 0
                                    

"Busog na'ko, salamat" ngiting wika ko dito.

"Sabihin mo lang kung gusto mo akong halikan" ngising wika nito.

Pinanliitan ko naman ito ng mata.

"Joke lang, tara na" wika nito sabay hila niya sa akin palabas nitong restaurant.

Karinderya nga hinahanap ko e kaso wala, alangan naman mamatay ako sa gutom.

"Uy bro, nandito pala kayo. Dederetso na sana kami sa condo mo e, baka sakaling may marinig kami ni Reydon" ngising wika ni Mack.

Ano pa nga bang maasahan natin kay Mack.

"Tungaw!" Sigaw dito ni Thunder.

Sabay naming tinungo tong condo ni Thunder.

Prenteng umupo si Reydon at Mack sa sofa wich is katapat namin ni Thunder.

"Ano gusto niyong inumin? Juice na may lason o lason?" Wika ko sa kanila.

Kanina pa nakatingin tong Mack sa hita ko. Ang sarap tusukin ng mata.

"Paghindi mo pa tinanggal yang nakakadiri mong tingin kay Kira bubulagin na kita!" Bulyaw ni Thunder kay Mack.

"Tinitingnan ko lang naman kung may peklat e" bulong nitong si Mack pero narinig naman ni Thunder.

"Wag mo nang alamin kasi wala" ngisi nito.

Napa-owww.. naman tong si Reydon at Mack.

"So nakita mo na?" Interesadong wika nitong Reydon.

"Hindi pero malapit na" ngisi ni  Thunder.

"Paghindi niyo pa tinigil yang kababuyan niyong usapan, malilintikan kayo sa akin" wika ko sa kanila habang masama ang tingin.

Sabay-sabay naman silang tumango. Kumuha na akong inumin at binigay sa kanila.

Umupo din naman ako sa tabi ni Thunder. Umakbay ito sa akin.

"Tubig lang?" Reklamo nitong si Mack.

"Pasalamat ka nga hindi lason e"
Nginitian naman ako ni Thunder sabay halik sa noo ko.

"Oo nga pala Mack, hiniram ko yung charger mo ha thanks"

"Welcome" wika nito at kumindat.

"Fuck you Mack" wika ni Thunder.

Nginisian lang ito ni Mack. Nangaasar nanaman.

Hay nako nakakauhaw naman itong mga to. Makainom na nga lang ng tubig.

"Lick it baby, deeper baby, faster baby, ah! ah!~~~~" Kanta nila Reydon at Mack.

Nabuga ko kay Thunder ang iniinom kong tubig. May naalala kasi ako. Ano ba naman kasing klaseng kanta yan. Sarap putulin ng dila at ipabasbasan sa simbahan.

"What the-!!" Tinuro ko naman agad sina Reydon at Mack.

"Kami?!!" Gulat na tanong nang dalawa.

"Pwede ba pagpumasok nga kayo dito sa condo ko, wag niyong dalhin yung katungawan niyo!"

"Sige ba basta paX-box kami" Ngising wika ni Reydon.

Tumango naman si Thunder.

Bigla namang tumunog yung phone ko. Tumatawag si Mama.

"Hello Ma?"

"Nak, nakalimutan ko palang sabihin sayo kagabi na aalis kami ng tatay mo, 2 days lang naman kaming mawawala, binigyan kasi ng vacation ang mga kagawad papuntang Davao, pwede daw isama ang family syempre sasama ako. Kaya umuwi kana dito kasi walang kasama si Kai, yung Kuya mo naman makikitulog daw sa kaibigan niya, sabihin mo nalang kay Thunder na dito nalang matulog sa bahay para may kasama kayo ni Kai"

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon