CHAPTER 46

14 3 0
                                    

THUNDER's POV

Nasa tambayan ako ngayon.
Hinihintay ko yung Thomas La Vega.

"Anong oras ba dadating yun?" Tatanda akong gwapo neto e.

"Relax ka lang dadating din yun, baka nagprapraktis lang ng volleyball" -Mack.

"Nahintay mo nga si Kira na matagag, si Thomas pa kaya" wika naman nitong si Reydon.

"Kanino kaya to, nang mabasag nga" wika ko habang pinapakita sa kanila ang hawak kong phone na bagong labas na Iphone.

"Uy akin yan ah, to naman di kana mabiro syempre mahal mo si Kira e. Wag mo nang hintayin yung Thomas nayun kung ayaw mo"

Napailing-iling nalang ako dito kay Reydon. Iaabot ko na sana sa kanya tong phone niya ngunit ibinato ko ito.

Boom basag.

Napangisi naman ako.

"Lumipad e, kasalanan ko bang hindi mo sinalo?" Ngising wika ko dito.

"Luh. Ano nang gagamitin ko, ang mahal pa naman nun" kamot ulong wika nito.

Naawa naman ako. Ang lakas talaga ng epekto sa akin ni Kira ko, dati hindi ko kayang maawa.

"Naaawa ako kaya papalitan ko, next time kasi don't make me feel boring" wika ko bago sumandal sa sofa.

Napanganga naman itong apat na pangit.

"Isara niyo nga yang bibig niyo pasukan ng langaw yan e, baka mamatay pa yung langaw"

"Grabe iba talaga epekto ni Kira" iling-iling ni Mack.

Nginisian ko nalang sila. Kahit naman i-explain ko sa kanila, di nila maiintindihan yung nararamdmaan ko kay Kira, mahirap din naman i-explain pero basta masaya sa pakiramdam.

"Mamayang lunch time, hindi tayo dito magla-lunch, duon nalang tayo sa rooftop mag-lunch"

"Bakit naman?"

"Wala nang bakit bakit, basta ang lumabag sa sasabihin ko, mamasamain talaga sa akin"

Lahat naman sila tumango at nanahimik.

Napalingon kami sa pinto nang magbukas ito.

"Sorry na-late ako, may emergency kasi"

Tumayo ako at niluwag ang necktie ko.

"Starting today hindi ka na pwedeng ma-late, kailangan lagi kang mukhang representable or kung kaya mo, kailangan mong maging gwapo"

What? Mas gwapo ako e. Wala akong magagwa kung hindi niya malagpasan yung kagwapuhan ko.

"Tsaka higit sa lahat, wala akong pake kung kahit anong emergency pa yan, basta pinatawag kita pumunta ka"

"Malamang may phone ka, 1 v 1"

Wika ko dito sabay labas ng phone ko.

"Game" wika nito sabay labas ng phone niya.

Hindi naman sa pagyayabang pero sa lahat ng laban ko, wala pang nakakatalo sa akin. Hindi pa kasi pinapanganak ang taong makakapagpatumba sa akin.

KIRA's POV

Lunch time ngayon at ngayon ko na isasagawa yung plano. Nakakakaba.

*Flashback*

"Eto ang plano. On lunch time sabihin mo kay ate Steffany na magsi-CR ka lang tapos sabihin mo sa kanya na mauna na siya sa Cafetiria, magpabili ka sa kanya ng kahit ano para hindi siya maghinala" wika sa akin ni Tiffany

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon