Epilogue

61 5 1
                                    

"P-prank lang 'to di'ba? Nasa paligid lang siya nagtatago" wika ko sa kanila at nilibot ang paningin but I see no sign of Thunder.

Hindi ko na maiwasan ang maluha. This can't be, nangako kami sa isa't isa. Tumingin ako sa kanila they are all in silent.

"Wag kayong ganyan tatawag yun, teka tatawagan ko"

Habang nanginginig ang kamay ko ay dinayal ko ang number nito. Tinawagan ko ito ng paulit-ulit at paulit-ulit ngunit paulit-ulit lang akong nabigo.

"B-baka n-natutulog lang"

"Kira.. we're sorry"

"B-ba't naman kayo magso-sorry w-wala naman kayong k-kasalanan"

"Hindi namin alam na umalis siya"

"B-bakit? Ba't siya umalis? N-nagkulang ba ako? H-hindi ba ako sapat?"

Bakit Thunder? Akala ko ba walang iwanan akala ko ba mahal mo ako pero bakit mo ako iniwan? Paano yung mga pangako natin sa isa't isa? Nangako ka di'ba, pero bakit naman ganon.. napunta sa wala. Ang sakit lang kasi.. iniwan mo ako ng walang paalam.

"Hindi ka nagkulang Kira" wika sa akin ni Leyton.

"Kung ganon b-bakit niya ako iniwan?"

He stayed silent. Natawa nalang ako ng mapait.

"See? Walang makasagot sa inyo kung bakit, s-siguro tama lang na iwan niya ako kasi nagkulang ako! Tanga! Stup-"

"He's getting married" biglang wika ni Reydon.

That made me stop.

"Getting married?"

"Reydon stop" matigas na wika ni Leyton.

"Getting married to whom? Putangina! Nagmumukha akong tanga! Sabihin niyo na lahat! para isahang sakit nalang!" Hagulgol ko.

Lumapit sa akin si Steffany para patahanin ako.

"He's getting married to Zopia–"

"Sabing tumigil ka na!" Sigaw ni Leyton at kwinelyuhan si Reydon.

I-ikakasal siya? A-at nilihim niya sa akin? I can't control my tears. Gusto ko nalang mamatay! So hindi totoo ang lahat ng pinakita niya sa akin? Putangina! Ang tanga ko!

I.. I c-can't breathe.

"Kira? Kira! Kira!"

"Shit! Kira!"

Suddenly my vision get blurred pero bago ako mawalan ng malay.. I saw him from afar, tumalikod ito at naglakad palayo.

-----3 years later-----


"Hoy panget late ka na"

"Oo na manenermon nanaman e, bye Yanyan!" Sabay kiss ko sa napakagwapo kong pamangkin.

Yanyan for Ian. Ian Kendrick ang pangalan nito, pina-cute ko lang kaya Yanyan.

"Sige na alis na kadiri" wika ni kuya habang pinupunasan ang pisngi ni Yanyan na hinalikan ko.

"Grabe ang bango ko kaya!" Papasok na ako sa trabaho ko, baka mayari pa nga ako kay Sir Fallici, mataray pa naman yun.

"Gumaganda ka ah!" Sabay batok sa akin ni Steffany.

"Wala akong magagawa it's in our genes"

"Teka nasaan yung sundo mo?" Tanong ko dito.

"Ayun oh" turo nito sa lalaking nasa kabilang kalye.

Kumaway si Reydon at nginitian ko naman ito.

"May nakalimutan kasi ako sa bahay, sige na baka ma-late ka pa sa trabaho mo" natatawang wika nito sa akin.

Nag-work ang relasyon nila. Asaran sila ng asaran but they end up being sweet, hatid sundo din siya ni Reydon sa trabaho niya, si Reydon na ang nagha-handle ng business nila na Bar.

Naging mabuting magulang si Sarren at Mack sa anak nilang si Mackie, Mackie is a girl at dalawang taon palang ngayon. Si Mack ayun, siya na ang namamahala ng mga Hotels ng family niya. Ayos na si Sarren at ang mga magulang niya, kasal na rin sila ni Mack last year lang.

Si Aldrea at Leyton ay nasa ibang bansa, gusto pa kasing lawakan ni Aldrea ang mga nalalaman niya about sa law, at dahil supportive boyfriend si Leyton ay sinundan niya si Aldrea. Si Leyton ay katulong ng kuya niya sa pagma-manage ng business nila.

Art and Tiffany? Laging laman ng sinehan kada may bagong palabas G sila, si Art na din ang namamahala sa business ng magulang niya which is cars.

Ako? Heto stay single, ilang taon din akong nasiraan ng loob dahil sa kanya, impakto siya! Buti nalang nanjan ang mga kaibigan ko. Hindi ko masasabing ayos na, naka-move on na dahil nandito parin yung sakit, at hindi mo talaga masasabing naka-move on ka kasi sa tuwing may makikita kang bagay o mapuntahang lugar na napuntahan niyo ng magkasama maaalala at maaalala mo siya. Matagal na akong walang balita sa kanya.

I must say na madaming nagbago, ganon naman lagi ang buhay, isang araw masaya ka.. sobrang saya pero dadating yung araw na lulungkot ka. Sabi nga nila kung may aalis may dadating at yung dadating nayon ay mas karapat dapat pa sa taong umalis. Kaso ang malungkot don nabuo na niya ang piraso pero kinuha niya ulit.. ng walang paalam.

Madami akong akala ngunit isa lang ang akala na sobrang nakasakit sa akin.

I really thought that.. he's the Losing Piece .

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon