CHAPTER 40

18 3 0
                                    

Kumalas din naman agad ako sa pagkayakap

"Pasalubong ko ha" wika ko dito.

"Oo naman" wika nito ng natatawa.

"Mami-miss kita" wika nito sa akin.

"Mami-miss din kita" wika ko din dito.

Naalala ko yung score ni Thunder. Oo ng pala!

"Ay! Sige na bye!" Wika ko dito at tumakbo paalis.

Yung score nga pala ni Thunder titingnan ko pa. Ikaw kasi Kira e. Naku nanggigigil ako sa sarili ko!.

Hinanap ko naman agad yung bulletin board ng Business Ad. Pagtingin ko maraming babae ang nandun. Napangiwi nalang ako.

"First time! Tie sila sa 1st place" girl 1

"Nananaginip ba ako? Pasapak nga" girl 2

"Omayghash bumaba si Leyton, di'ba laging siyang nasa second place" girl 1

" Yeah, bumaliktad na ba ang earth?" girl 3

"Ang tagal na rin simula nung nakapasok siya sa top" girl 1

"Yeah right ang tagal nawala sa top tapos ngayong nakapasok siya top 1 agad! Iba talaga ang galing ng bebeq" girl 2

Tie sa 1st place? Sino naman kaya ang nag-tie. Tsaka bumaba daw si Leyton, may problema yata.

"Excuse me" wika ko sa kanila.

Di'ko kaya makita.

"Aray naman" wika nung isa.

Maka aray naman, ni hindi ko nga natulak ang hangin sa pagitan namin.

"Omg! Di'ba siya yung nililigawan daw ni Thunder" rinig kong bulong ng isang babae.

Napairap nalang ako sa hangin.
Magsalita parang wala ako dito.

Hinanap ko nalang yung pangalan ni Thunder.

Mendiola, Thunder K.   99%

"Hindi kaya" bulong ko.

Agad kong tiningnan ang top 1 nila.

1st
   Mendiola, Thunder K.       99%
   Bransia, Art B.                     99%

Akala ko puro kabalastugan lang ang alam niya at akala ko hindi siya magseseryoso.

Napangiti ako.

Agad ko siyang hinanap, pagdating ko sa tambayan nila wala siya.

"Nasaan si Thunder?" Tanong ko sa kanila.

Nagkibit balikat naman silang lahat maliban kay Art na nasa libro ang tingin. Kakatapos lang mag-test nasa libro agad?.

"Akala ko ba pupunta yung Cafetiria?" Kunot noong wika ni Mack.

"Cafetiria? Hindi ko naman siya nakita" wika ko kay Mack.

Nagkibit balikat lang si Reydon.

"Sabi niya pupunta daw siyang Cafetiria, tinanong ko panga kung bakit ang sabi niya lang "basta" "

Nakakapagtaka naman. Kung pupunta siyang Cafetiria bakit hindi ko siya nakita?.

"May alam ka pabang pinupuntahan dito ni Thunder?" Tanong ko kay Reydon.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon