CHAPTER 45

10 3 0
                                    

STEFFANY's POV

May pasok nanaman, kina Kira ako nakitulog sa mga araw na nagdaan.

Ang aga ko ngayong pumasok dahil gusto kong mapag-isa. Bumili ako ng hatdog with tinapay at tubig sa 7eleven. Yun ang breakfast ko.

Wala pang katao-tao dito sa school, that means ako lang mag-isa. Dumeretso akong Cafetiria at naghanap ng upuan.

Wala akong magawa kaya naman nilabas ko ang phone ko at naglaro ng parang candy crush, nilalaro ko lang ito pag ako lang mag-isa kasi pang bata.

"Pang bata"

Wika ng tinig na nasa tabi ko.
Napalingon naman agad ako sa takot.

"Bat ka nandito?" Taray ko dito.

Well si Reydon the monkey lang naman.

"Ikaw na nga tong sinasamahan ikaw pa tong nananaray" sabay upo nito sa tapat ko.

"Nanggugulat ka e. Malay ko ba kung maligno na pala yung nasa tabi ko"

"Ang gwapo ko namang maligno"

"Kapal ah. Buti pa ako, pagbaliktarin man ang mundo maganda pa'rin" sabay flip ko ng buhok ko.

Dinedma lang nito ang precious sentence ko na kasing ganda ko.

Bigla ko namang naalala yung scene namin dito sa Cafetiria.

"A-ahh.. Reydon..."

"Baket?" Sabay tingin nito sa akin.

"Ano.. Sorry pala dun sa ano. You know" ano ba di'ko masabi ng maayos.

"Di ko tatanggapin yang sorry mo. Magso-sorry na nga lang paliko-liko pa"

"Buti nga nagso-soryy e. Dami mo namang arte" sabay flip ko ulit ng hair ko.

"Alam mo there are two ways para mapatawad kita. Grabe kaya yung pamamahiya mo sa akin nu-"

"Ssshhhh!!.. okay na.. pwede ba wag mo nga yung ipaalala. Tumitindig yung balahibo ko e"

"At saka ang dami mo namang arte may pa ways ways ka pang nalalaman. Pero sige dahil hindi ako weak game ako jan"

Tumango naman ito habang nakangisi. Ewan ko pero parang may masamang binabalak e, well muka naman talaga siyang may masamang binabalak, hindi ko naman kasalanan no kung ganyan na talaga ang mukha niya.

"Una, tayo na slash official o pangalawa liligawan kita"

Nabigla ako sa sinabi niya. Buti nalang talaga wala akong iniinom na tubig, baka mabuga ko sa kanya.

"Your insane" yan nalang ang nasabi ko.

Ang daming choice no, ano yun naubusan siya? Tsaka malay ko ba kung nagbibiro siya di'ba.

"Hindi ako insane no, gwapo lang"

"You know what?, hindi pa april for those jokes" sabay irap ko dito.

"Those are not jokes, sige I'll go now, pagisipan mo kung alin dun sa dalawa" sabay tayo nito at talikod sa akin.

Bago pa man ito lumabas ng Cafetiria, huminto muna ito at lumingon sa akin.

"Ipapadama ko sayo para hindi ka mahirapan pumili" sabay ngiti nito at tuluyan nang umalis.

Jusmiyo.. parang may humihila ng puso ko palabas.

"Akala ko ba kay Art kalang?! Malandi ka din palang puso ka, taksil!" bulong/sigaw ko sa sarili ko.

Naku ha hindi porket gwapo yung Reydon nayun papa-fall kana. For your info ha monkey siya di'ba, lagi ka niyang bwinibwisit. Paalala ko sa sarili ko.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon