CHAPTER 8

23 4 0
                                    

"Oy! Panget gumising kana nga" sabay yugyog sa akin ng malignong wala akong pake kung sino.

"Pag hindi kapa gumising jan sasabihin ko talaga kay mama na namasyal ka kasama ng boyfriend mo kahapon sa mall"

Napabangon naman agad ako sa sinabi nung maligno, tao pala which is Kuya ko pala.

"Story maker" sabay irap ko sa kanya.

Pano ba naman kasi, hindi naman makatotohanan yung isusumbong niya.

"Kung ganon, bakit ka defensive? Hindi naman pala totoo" sabay crossed arm nito.

"Eh kasi nga po–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nagsalita siya.

"Ewan ko ba, ba't pa kasi ako ang inutusan ni Mama na gisingin ka, yan tuloy ang aga-aga nasira na agad ang umaga ko mukha mo palang nakakasira na, hays sakit sa mata" sabay hawak niya sa noo niya at hinilot-hilot ito.

Masakit daw mata pero noo ang hinimas.

"Edi pangit ka di? Kasi magkapatid tayo diba kung pangit ang isa edi pangit din ang isa" Pangaasar ko sa kanya.

Pumakla naman ang mukha nito, tinigil na niya angg paghihilot kunwari ng noo niya at tumingin sa akin.

"Bilisan mo nalang kaya yung galaw mo, pagwala ka pa sa baba within 15 minutes iiwan talaga kita at maghanap ka ng masasakyan mo papuntang school mo" tapos umalis na siya.

Hahaha nampipikon pero mabilis din palang mapikon.

After that ginawa ko na ang morning routines ko. Then bumaba na ako. Saktong after 15 minutes nakarating na ako sa baba.

Pag-upo ko sumandok agad ako ng pagkain na nakahain.

"5 minutes dapat tapos kanang kumain" wika ni kuya habang nasa cellphone niya ang tingin niya.

Magrereklamo pa sana ako kaso nagsalita siya ulit.

"Ihahatid pa natin si Kai sa school niya, so no need to complain"

Napapaisip tuloy ako kung dahil ba kay Kai o dahil sa naaasar siya sa akin kaya kailangan lahat ng galaw ko ay may oras. No choice ako kun'di bilisan ang kumain at konti ang kainin.

Pagkatapos kong kumain tumayo agad si Kuya sabay bulsa ng phone niya.

"Ma alis na po kami!" sigaw ko dahil nasa may sala si Mama nanonood sa TV.

"Mag-ingat kayo"

"Opo!" Sigaw ko habang tumatakbo palabas ng bahay. Paano ba naman kasi ang la-laki ng hakbang ni Kuya, mamaya iwan pa niya ako no.

Pagpasok ko sa kotse, andito na pala si Kai. Nagbabasa siya ng libro. Nag-a-advance reading pala siya para sa lessons nila. Sipag ng kapatid ko no ako lang ata ang napagiwanan.

Etong kotse hinuhulug-hulugan lang namin to. Kasi hindi kami ganun kayaman para cash agad.

"Kai tama na yang pagbabasa nandito na tayo sa school niyo" wika sa kanya ni Kuya.

Nagayos naman ng gamit si Kai at bumaba na.

"Kuya wag mo'kong kalimutang ikamusta kay At–" hindi na natapos ni Kai ang sasabihin niya dahil sinarado agad ni Kuya ang pinto ng kotse.

Okay kagabi pang weird si Kuya tungkol jan.

Sinilip ko si Kai sa bintana. Kung hindi niyo naitatanong eh 9 years old na si Kai.

"Okay anong sinasabi ni Kai na ikamusta siya kanino?" Takang tanong ko.

"A-ah yun ba? Nagpapakamusta siya sa barkada ko na si.. si.."

"Sinong si?"

"S-si Aton oo tama si Aton"

"Oowkayy.."

"Oh panget nandito na tayo sa school mo, ayusin mo pag-aaral mo ha"

"Opo" then bumaba na akong kotse.

Eto na.. bye na my hair, mamimiss kita. Bye na din balat sayang naman yung mga sabong ginamit ko sayo, sayo din hair yung mga shampoo na ginamit ko sayo.

Pagpasok ko sa school. May limang babae ang humarang sa dadaraanan ko.

"Girls! Look oh the flirt's here. In case that you don't know me, I'm Mitch" pagpapakilala nito tapos ngumisi.

As if I care katulad niya lang yung name niya Mitch sounds like bitch.

"And those four gorgeous girls at my back is Sen, Drie, Rina and Ash" nginisian ako nang mga babaeng nasa likod niya. Bagay na bagay sa kanila ang mga name nila. Sounds like SLENDRINA AS MITCH.

Mas lalong lumapit sa akin yung babae na Bitch daw ang pangalan este Mitch.

"You know what? ang landi mo whore! Ang kapal ng mukha mong hawakan ang kamay ni Leyton at magpaakbay kay Reydon!" Singhal nito sa akin.

At dahil iniinis niya ako, hindi ko na napigilan ang sarili kong patulan siya.

"Bakit? Inggit ka?"

"What?! Why would I?!"

"Alam mo kung inggit ka gumaya ka" pagkasabi ko ng mga katagang yan ay nilampasan ko siya.

Hinawakan niya ang buhok ko at hinila ako pabalik, nagulat ako ng bigla niya akong sampalin.

"Don't you ever dare speak like that to me! Listen you whore! Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo!"  Sasampalin niya ulit ako kaya napapikit nalang ako.

Ilang segundo pa pero wala akong maramdamang sampal. Pag-dilat ko may nakahawak sa kanyang kamay na dapat ay ipangsasampal niya sa akin.

Pagtingin ko dito...

"T-thunder" nakakunot ang noo nito at nakatingin lang kay Mitch.

"Hindi ako nananakit ng babae pero sa susunod na gawin mo ulit ito sa kanya, baka makasakit na ako ng babae" mahinahon lang itong magsalita ngunit bakas sa boses nito ang galit.

"P-pero Thunder nilalandi niya si Leyton at Reydon, tinuturuan ko lang naman siya ng leksy–" bigkas nito na tila ba biglang umamo, ngunit bago pa niya matapos ang kanyang nais sabihin ay nagsalita na ulit si Thunder.

"Enough! Tandaan mo
kayang-kaya kitang patalsikin sa paaralang ito ng walang
kahirap-hirap" bakas parin ang kalma ngunit may galit nitong tinig.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinila niya ako sa kung saan at nilayo sa lugar na iyon, kusang gumalaw ang aking mga paa at sumunod lamang sa kanya.

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Tila ba may kuryente akong nadarama. Hindi ko maipaliwanag kung ano ito, nakakatakot at nakakakaba pero.. masaya.

Tug. Tug. Tug.

Dahil magkalapit kami sa isa't isa amoy na amoy ko ang pabango niya, ang bango nito at ang manly ng amoy hindi din ito masakit sa ilong.

Tug. Tug. Tug.

Napahawak ako sa aking dibdib.
Ayan nanaman ang nagwawala kong puso.

Bakit? Bakit ka nagwawala?

Tanong ko ulit sa aking puso. Eto nanaman yung feeling na safe ako. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Thunder Mendiola ano itong ginagawa mo sa akin?

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon