CHAPTER 36

14 2 0
                                    

"Sure" nakangiting wika ni Thunder.

Ah! So ganun!?.

Nang matapos na ang pictorial nila ay may lumapit ulit na magpapa-picture kay Thunder. Aba matinde. Naghintay nanaman ako dito hanggang sa matapos sila.

Lumapit agad sa akin si Thunder nang matapos na ang picture-picture nila.

"Buti naman tapos na" sarcastic kong wika dito at nauna nang maglakad.

"Uy teka" sigaw nito sa akin dahil nakalayo na ako.

Akala ko ba date namin ba't parang nakalimutan niya na nandito ako.

"Sagutin mo na kasi ako para official na tayo" wika nito habang nakaakbay sa akin.

Tinaggal ko naman yung pagkaakbay niya sa akin.

"Sagutin mo mukha mo" with that nauna na akong pumasok sa Cabalen. Siya naman magbabayad e tsaka eat all you can dito sa Cabalen.

Good thing konti lang ang tao kaya walang nakapila.

Kuha lang ako ng kuha ng kakainin ko. Kesa sa mainis sa Kulog nayun ikakain ko nalang.

Pagkakuha ko ng mga kakainin ko naghanap agad ako ng upuan at nilantakan ang mga kinuha ko.

"Ang dami naman niyan di'ka kaya maimpatso niyan?"

Blah blah blah. Ang daming sinasabi pwede namang kumain nalang e.

"Eat all you can nga di'ba" pagpaprinig ko dito.

"I get it, are you jealous?" Bigla nitong tanong.

Nabilaukan naman ako sa biglaang tanong niya. Nako naamn nakalimutan kong kumuha ng inumin!

Nagmadali naman itong kumuha ng tubig at ibinigay sa akin.

"Hinay-hinay lang kasi"

"Ikaw kasi e bigla-biglang magtatanong nang kung ano-ano"

"Tinanong lang naman kita kung selos ka e" wika nito habang nakangisi.

"Hinde, hinde ako nagseselos tsaka bakit naman ako magseselos hindi naman tayo" wika ko dito habang masama ang tingin.

"Kaya nga! Kaya nga sagutin mo na kasi ako"

"Ipasa mo muna yung mga test" wika ko dito at itinuloy ang pagkain ko.

"Sige basta pagnapasa ko lahat sasagutin mo na ako?" Pangungulit nito sa akin.

"Pwedeng oo pwedeng hinde" sagot ko naman sa kanya.

"Kira naman be fare" pagmamaktol nito.

"Hmmm.. pagiisipan ko"

"Tss. Jan ka muna I'm just going to go to the restroom" paalam nito sa akin.

Tumango naman ako sa kanya.

Napalingon ako sa tatlong lalaking kakapasok lang. Nakatingin ang mga ito sa akin habang nagtutulakan.

Anong meron?.

"Ikaw na kasi" tulak nung isang lalaki sa isa.

"Ikaw na" tulak naman niya duon sa tumulak sa kanya.

"Ako na nga" wika naman nung isang lalaki sa kanila.

Lumapit ito sa akin. Napakunot naman ang noo ko.

"Ahh.. Miss I'm Zairyll" pagpapakilala nung lalaking lumapit sa akin.

"Kira" wika ko naman sa kanya.

"Nice meeting you Kira, nandito kami ng mga kaibigan ko kasi ahm.. gusto ka naming maging kaibigan a-ano.. survey lang" nagaalinlangang wika nito sa akin.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon