CHAPTER 66

13 2 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napansin ko'din na wala na si Thunder sa tabi ko. Akala ko ba sasabihin niya sa akin ngayong araw kung ano yung importante nyang lakad. Nagayos muna ako bago bumaba.

Nakita ko naman agad si Nay Flor na nagwawalis.

"Kumain ka'na" wika nito sa akin habang patuloy pa'rin sa pagwawalis.

"Siya nga pala, pinapasabi ni Thunder na mamayang 5pm daw e susunduin ka niya, magsuot ka daw ng kahit ano basta wag lang pangtulog at hindi nakikita ang kaluluwa mo" iling-iling na wika ni Nanay na parang natatawa pa.

"Mga teenager nga naman" dagdag pa nito. This time naman ako ang napailing-iling. Napapaisip naman ako sa sinabi ni Nay Flor.

Time past at nakaligo na ako pero hindi ko pa'din alam kung ano ang susuutin ko mamayang 5. Malay ko ba naman kasi kung saan ba ako dadalhin ni Thunder. Bigla kong naisip yung sinabi niyang importanteng lakad, kaya siguro siya hindi pumunta ngayon dahil nandun siya sa importangteng lakad niya. Iniisip ko palang na may babae dun gusto ko nang mangalbo.

Bahala siya magpapantalon nalang ako, hindi rin naman niya sinabi kung saan niya ako dadalhin e at isa pa, gabi na yun kaya sure ako na malamig.

Nag-white chiffon long sleeve ako na ipinartner ko sa skinny jeans at white sneakers. Okay na 'to mukha naman akong tao e. Nag-ponytail nalang ako, naiirita kasi ako kapag nakalugay ang buhok ko ngunit naalala ko ang marka sa leeg ko kaya naman napilitan akong ilugay ang buhok ko. Pahamak talaga.

Magfa-five na ng makarinig ako ng doorbell. Siya na siguro yon, pagbaba ko hindi nga ako nagkamali, naka-white polo long sleeve ito na nakatupi ang manggas hanggang siko. Halata naman sa damit nayun kung gaano ka flex ang katawan niya, tinernuhan niya ito ng black pants nagbelt din siya na black, naka polo Ralp Lauren naman ito na sapatos. He looks hot aminado ako dun, bigla namang bumaba ang tingin ko sa sarili ko.

Lumapit ito sa akin at inakbayan ako.

"Nay una na po kami" paalam nito kay Nay Flor.

"Sige magingat kayo"

Nang makasakay na kami sa kotse niya ay agad ko siyang kinulit.

"Saan ba talaga tayo pupunta? At ano yung sinabi mo kagabi na importante mong lakad?"

Hindi ako nito pinansin at patuloy lang sa pagmamaneho.

"Siguro nakipag kita ka sa magandang babae no?" Wika ko nanagpatigil sa kanya sa pagdra-drive, muntik na tuloy akong mauntog buti nalang at naka-seatbelt ako.

"You're over thinking Mine" iling nito.

Over thinking siya jan.

"E ano nga kasi?"

Huminga muna ito ng malalim.

"I didn't met some hot girls" wika nito na nakatingin sa akin.

Siningkitan ko naman siya ng mata. Girls lang naman sinabi ko ah! Wala akong sinabing hot girls.

"Una hindi ako nakipag kita sa mga babae gaya ng iniisip mo, kakauwi lang nila Mom and Dad nung isang araw kaya nakipagkita ako sa kanila kanina"

Tumango-tango naman ako. Dumating na pala yung mga magulang niya, na-curious tuloy ako kung ano ang itsura ng parents niya, gusto kong malaman kung saan niya namana ang mata niya or ilong niya, kung sa mom ba or dad niya.

"Ah yun pala yung importante mong lakad?"

Umiling naman siya. Ibig sabihin may iba pa siyang lakad?.

"Eto ang importanteng lakad na ibig kong sabihin" sabi nito habang nakatingin sa akin.

Makikipag kita siya sa babae at isasama pa talaga niya ako. Ang sama nya!.

"Bakit mo pa ako sinama?, baka makasira lang ako sa lakad mo" sarcastic kong wika dito.

Natawa naman ito ng mahina. Like seriously? Anong nakakatuwa dun.

"Mine, ikaw ang importanteng tao na kailangang dumalo duon dahil kung hindi, hindi na matutuloy"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pwede naman kasing sabihin nalang di'ba.

"Ano ba kasi yun ang da-"

"Ipapakilala na kita kina Mom and Dad"

Napatigil ako sa sinabi niya. Gusto ko nalang tuloy bawiin yung sinabi ko na gusto kong makita ang magulang niya.

"Okay kalang?, namutla ka"

"O-oo naman, ano.. kamusta naman yung ayos ko? Okay ba? mukha ba akong marangal?"

My ghad pinapakaba niya ako, paano kung insultuhin ako ng mga magulang niya tulad nalang sa mga nababasa at napapanood ko? Pero hindi naman siguro.. sana lang.

"Hey Mine listen, kaya ko sinabi kay Nay Flor na magbihis ka ng kahit ano basta wag lang pantulog at kita kaluluwa mo kasi I want you to be you" wika nito ng nakahawak sa kamay ko.

Just like magic biglang nawala ang kaba ko.

"Just be you okay? Nandito lang ako" sabay halik niya sa likod ng kamay ko. Napangiti naman ako. Kahit papaano napagaan niya ang loob ko.

Bigla nang nag-ring ang phone nito kaya itinigil niya ang kotse at sinagot ito.

"Yes?. Really?" wika nito sa kausap niya bago tumingin sa akin at umiwas ng tingin.

"Okay.. take care" huling wika nito bago patayin ang kanyang telepono.

"Sino yun?"

"Ah.. s-si Mom umalis na daw sila kanina" wika nito bago paandarin ulit ang kotse.

"Akala ko ba kadadating lang nila?"

"They're busy on their business"
Tumango-tango nalang ako sa sinabi niya.

Nandito kami ngayon sa Samgyeopsal para kumain syempre.

"Pupunta lang akong rest room" paalam sa akin ni Thunder.

May babaeng naglakad sa side ko, nahulog ang pouch nito kaya naman nagkalat ang laman nito. Tinulungan ko itong magpulot .

"Zopia" basa ko sa card nito na napulot ko. Maamo ang mukha nito at simple lang ang ayos pero maporma, kulay violet ang mga mata nito.

Ang ganda.

"Thank you" wika nito bago ngumiti.

Binigay ko din naman sa kanya yung card bago ngumiti. Nakatingin lang ako dito habang papalabas siya.

"Who's that?" Takang tanong ni Thunder habang nakatingin din duon sa babae. Nandito na pala siya.

"Ewan ko, pero Zopia name niya"

Kumunot naman ang noo nito.

"May problema ba?" Tanong ko.

"None, let's just it" matigas na wika nito. Tumango-tango nalang ako.

Tahimik lang ito habang kumakain kami.

"Thunder ayos ka lang?"

Tumango ito pero hindi nakatingin sa akin. Hinayaan ko nalang ito dahil baka pagod lang.

Losing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon