Chapter 2

618 23 0
                                    


"Fhia!gumising ka!"ramdam ko pa ang mahinang pagtapik sa aking pisngi, dahan-dahan kong minulat ang aking mata.

Tumambad sakin ang nag-aalalang mukha ni Bie, anong nangyari?

"Anong nangyari?" natatarantang sabi ko, tinignan ko naman ang paligid.Naka-uwi na pala ako,

"Bigla ka nalang nahimatay, nakita lang kita sa labas ng bahay nakahandusay" sabi pa niya sakin, agad ko naman kinapa ang aking leeg.Wala naman?ano yung nangyari sakin kanina?totoo ba yun?

"Pagod lang siguro ako"sabi ko naman sa kanya, medyo sumasakit parin kasi ang leeg ko, pero wala naman itong kahit anong bakas ng sugat o ano pa.

"Magpahinga ka nalang , kinakabahan ako sayo!" sabi pa niya, habang nag-iinarteng hawak ang dibdib niya.

Lumabas naman ito sa kwarto ko, tinignan ko muna ang oras sa phone ko.Its already 11:59 pm,  isang minuto nalang bago mag alas dose.Pumunta muna ako sa banyo, upang magbihis ng pang tulog.Pagkalabas ko ng banyo ay may nakita akong pulang rosas sa aking kama.Saan naman ito nanggaling?Kinilabutan naman ako.

"Sino yan?" sambit, nakabukas ang bintana sa kwarto ko, kaya malayang nakaka pasok ang malamig na hangin saking kwarto, marahan din itong dumadampi saking katawan na manipis lamang ang aking sinuot, kaya bakat na bakat ang kabuuan ko.

Sinara ko agad ang bintana ,  hindi maaari!hindi yun totoo.Nanginginig ang kamay ko nang kunin ko ang pulang rosas sa'king kama.May maliit  pang papel na kasama, isang sulat.

''Roses are Red, Your Blood Is Sweet" bigla ko naman nabitawan ito, dahil sa tinik ng meron ang rosas.

Dumudugo nang kunti ang aking hintuturo, ano ang ibig sabihin nang sinulat niya?akma na sanang dadamputin ko ang rosas sa sahig, bigla nalang namatay ang ilaw.

"Sino yan?" nanginginig na sabi ko, alam kong hindi ako nag-iisa sa kwartong ito.

Nang akma na sana akong, tatakbo papalabas.Bigla nalang may tumulak sakin, kaya sumalampak ang katawan ko sa malambot na kama.Napadaing pa ako.

"Sino ka?anong kailangan mo sakin?" tanong ko, hindi ko siya masyadong nakikita dahil sa dilim.

Kinumutan ko naman ang aking sarili, ramdam ko pa ang marahang hangin na dumadampi saking pisngi.

"Dont be scared, I'm not going to bite you" masuyong sabi niya, rinig ko ang mga yapak niya papalapit sa gawi ko.

"Bakit mo ito ginagawa?" nanginginig parin ako, mas hinigpitan ko pa ang pagkapit sa kumot.

"Because, of you" bulong niya saking tenga, ramdam ko pa ang hininga nito.

Bahagya pa nitong kinagat ang aking tenga, na nagpa-kaba ng buong sistema ko.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya,rinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.

"Find me, Sweetie "

Pagkasabi niya nun ay bigla nalang bumukas ang ilaw, ngunit wala akong nakitang bakas niya.Creepy!

"Bie! Bie!" sigaw ko, at tumakbo palabas at tumungo sa silid ni bie , napatigil naman ako sa pagsisigaw nang makita kong mahimbing na itong natutulog sa kama niya.Napag desisyunan ko nalang na bumalik sa silid ko.

Pano ko siya makikilala? anong kailangan niya sakin? iilan lamang yan sa mga katanungan sa'king isipan, na labis nagpapagulo ng aking isipan.

Napabuntong hininga nalang ako at humiga sa'king kama.Nag-iisip ako nang paraan kung pano siya mahuhuli.

Bigla kong naalala ang pulang rosas, bumalikwas ako nang bangon at nakita ko nga ito sa sahig.Agad ko itong dinampot, tinignan ko ang sulat.

Maaaring maging clue sa kata-uhan niya, alam kong hindi siya simpleng tao, tao ngaba?kinuha ko ang sulat at inilagay ko naman ang pulang rosas saking Flower Vase, dalawang rosas na ang meron ako.

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now