Chapter 39: Buhangin

244 10 0
                                    

Dumaan kami sa isang desyerto , wala kang ibang makikita kundi ang mga buhangin.Ramdam ko ang katahimikan sa paligid , kinakailangan naming maka-rating sa bayan nang RACIA.

Napaka dilikado , kapag maabutan kami nang gabi sa paglalakbay.Hinigpitan ko naman ang pagkakataboon sa mukha ko , dahil sa buhanging nagtatangkang pumasok sa mata ko.

Nilagyan kodin nang belo ang batang ito , para hindi rin siya mapuwing dahil sa buhangin.

"Binibini? kung napapagod napo kayo pwede tayong tumigil sa banda roon."  sambit naman niya at tinuro ang isang kahoy na nag-iisa lamang na tumurok sa disyertong ito.

"Sige ," sabi ko naman sa kanya , pumunta sa may puno.

Nabubuhay ang punong ito , kahit nasa disyerto?Nagawa niyang mag-survived kahit walang tubig?

Tinali ko naman ang tali nang kabayo , at bumaba. Binuhat ko naman siya , para makababa.

"Binibini , sigurado napo ba kayo sa iyong gagawin? Lubhang napaka-dilikado."sabi naman niya , pumungko naman ako at pinantayan siya.

" Maaari kobang malaman ang iyong pangalan?"nakangiting sabi ko sa kanya.

" Dostal Van , ang aking buong pangalan."sabi naman niya , hinawakan ko naman ang balikat niya.

"Maaari ba kitang tawaging Dos?"sabi ko naman sa kanya , tumango naman ito sa 'kin.

" Nakikita moba ang punong ito?" sabi ko naman sa kanya , at tinuro ang puno.

Tumango naman siya " Bakit kaya nabubuhay ang punong ito , kahit walang tubig?"tanong ko naman sa kanya.

"Maaaring nabubuhay siya kahit walang tubig , wala namang imposible" sagot naman niya.

" Walang imposible , yan ang iisipin mo. Kaya nating ibalik ang pamilya mo."sabi ko naman sa kanya.

" Binibini , paano kami lalaban. Isang hamak na dukha lang kami , walang kayang gawin kundi ang maging sunod-sunoran." malungkot na sabi niya at umupo saka isinandig ang kanyang likod sa puno.

Kahit bata pa siya , naiintindihan na niya ang nangyayari sa paligid niya. Nararanasan na niya ang mamuhay nang mahirap , dapat ang batang tulad niya ay pinupuno nang saya hindi ang kalungkutan na bumabalot sa puso niya.

Akmang magsasalita na sana ako nang may marinig ako tunog , parang may kung anong bumalot na takot sa loob ko.Agad ko namang binuhat si Dos , at isinakay sa kabayo.

Wala naman akong nakikita na paparating , peru ramdam ko.

" Dos , aalis na tayo" sabi ko naman sa kanya , at sumampa narin sa kabayo.

Mabilis kong ipinatakbo ang kabayo , ramdam ko na mas bumibigat ang hangin at ang paghinga ko.Takbo lang nang takbo ang kabayong sinasakyan namin , hindi ko ipinahalata kay Dos ang nangyayari sa paligid namin.

Naramdaman ko naman na may kung anong tatama sa akin , mabilis ko namang hinila ang kabayo papa-kaliwa para maiwasan ang isang patalim na tatama na sana sa 'kin .

" Nandito po sila" biglang sabi ni Dos.

"Sinong sila ?"tanong ko naman sa kanya.

Napatigil naman ang takbo namin , nang may humarang sa harapan namin.Napaatras pa ang kabayong sinasakyan namin , dahil saa biglaang pagsulpot nila.

Nakasakay din sila nang kabayo , apat sila na nasa harapan namin.Tatlong lalaki at isang babae.Bigla namang naglabas nang pangil ang isang lalaki , at naningas ang mata nito.

" Saan kayo pupunta?"tanong naman nang isang lalaki , na nakalabas ang pangil nito.

"Teka? Kilala ko ang batang kasama niya "sabi naman nang babaeng kasama nila.

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now