Chapter 11:Nightmare

403 22 0
                                    

  Nandito ako ngayo tumatakbo sa isang madilim na mansiyon,rinig kupa ang nakakatakot niyang tawa.Hingal na hingal akong tumakbo,walang hanggan ang pagtakbo ko.Napitigil naman ako sa isang silid na nakabukas,dahan dahan akong pumasok roon.Nakarinig ako nang hikbi nang bata,nakikita ko ang sariling ako nung panahong nawala ang mga magulang ko.

"Mama!Papa!"sambit nang batang ako,nadudurog ang puso ko tuwing naririnig ko ang hikbi niya.Nabigla naman ako nang may lumapit sa bata,

"Wag kanang umiyak,gusto munang magic?"pagpapatahan nang lalaki sa kanya,hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa'kin.Tumango naman ang batang ako.

"Sige po"sambit nang bata,bakit wala ito sa mga alaala ko?nangyari ba'to?Nabigla naman ako nang may inilabas ang lalaki isang pulang rosas.Nakaramdam naman ako nang pagiinit sa bandang dibdib ko.

"Wow?paano niyo po yun nagawa?"natutuwang sambit nang bata,lalapit na sana ako sa kanila nang biglang naging kutsilyo ang hawak niyang bulaklak.Ang hugis nang kutsilyo ay parang rosas,peru matalas ang nasa dulo nitu.

"Akin nayang kamay mo"sabi naman nang lalaki.

"No!"sigaw ko at mabilis na lumapit sa kanila.Bago pa ako makalapit sa kanila ay bigla nalang naging iba ang paligid nandito ako sa parang halaran.

"Brylle?"sambit ko nang makita ko si brylle na naka gapos,habang marami nang sugat sa katawan niya.

"Nandito na pala ang ating panauhin,nagagalak akong makita ka muli."sabi naman nang lalaki,na may suot nang isang maitim na mahabang kasuotan at naka tabon ang mukha.

"sino ka?itigil muna ito!"sigaw ko,habang iilang hakbang nalang ang layo ko kay brylle.Narinig ko naman itong tumawa,tawa nang isang demonyo.

"Gusto munang magic?"napatigil naman ako sa sinabi niya,pa'no?umiling naman ako ,hindi!

"Roses are red,your blood is sweet,that's what i need"may tono pa ang pagkasabi niya nun,may inilabas naman siyang pulang rosas,at hinipan ito ang mga dahon naman nitu ay parang matutulis na bagay na lumandas sa katawan nang lalaking nakagapos,tumulo naman ang luha ko ,byrlle?

"Mamili ka!kapalit nang lalaking yan ang dugo mo.Will you sacrificed your own blood?just for all?"nakangising sabi nitu,nakarinig naman ako nang iyak,nang kaibigan kung si bei.Ano ba ang dapat kung gawin?napaluhod nalang ako,ano ba!sawang sawa na ako!nahihirapan na ako!

"Tiktok tiktok the time is running"mapaglarong sabi nitu,habang nilalaro ang kutsilyong hugis rosas.Dahan dahan naman akong tumayo at humakbang papalapit sa kanya.

"NO!sweetie.Listen to me,you dont need to do this."pigil sa'kin ni brylle,napakagat naman ako sa'king labi dahil sa sakit na naramdaman ko.Ang makitang nahihirapan ang mahal ko ang labis nakakapanghina sa kalooban ko.

"Good girl"sambit naman nang demonyo,agad naman niyang inabot sa'kin ang kutsilyo.Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak hawak ito.Nakita kupa ang pagwala ni brylle,na pilit kumawala sa pagkagapos sa kanya.

Napangiwi naman ako nang gumawa ako nang malaking hiwa sa kamay ko,habang nakasalod sa isang gintong kopita.Nagsisimula na akong mahilo,tama ba talaga ang pinili ko?bigla ko naman nabitawan ang hawak kung kutsilyo at natumba.Wala na akong naririnig,para akong nabibingi .

Nakita ko naman si brylle na pilit na lumapit sa'kin,pilit kung inabot ang duguan kung kamay sa kanya.Paulit ulit nalang,panahon naman na sila ang unahin ko.Wala akong nagawa sa panahon kung saan kailangan ako nang magulang ko,masaya akong may nagagawa sa mahal ko.Unti unti naman pumikit ang mata ko,kasabay nang mga luhang lumandas sa pisngi ko.

BIgla nalang bumalik sakin ang napanaginipan ko,habang yakap ko ang bampirang minahal ko.Handa akong yakapin ka araw-araw,baka pagdating nang panahon kahit sumilay lang nang mukha mo ay diko magawa.

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now