Chapter 46 : A stone heart

290 8 0
                                    

  Pagmulat ng mata ko, ay pabango na agad ni Brylle ang naamoy ko.Niyakap ko naman ang aking tuhod, habang nakahiga sa kama niya.

Hindi parin lubos matanggap ng puso ko ang nangyari, nagsusumamong bumalik siya ulit.Napahagulhol nalang ako, sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Fhia?" narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan saka pumasok si Bie, na may nag-aalalang mukha."May masakit ba sayo?" tanong naman niya.

Hindi naman ako sumagot, at hinayaang lumandas ang luha ko sa 'king pisngi.Ramdam ko ang init nito sa 'king balat, na hindi maubos-ubos na luha.

"Hindi yan ang kilala kong Fhia, asan na si Fhia? yung matapang?" sambit naman niya sa 'kin, idiniin ko naman ang mukha ko sa higaan.

"Iwan muna ako dito." sambit ko naman sa kanya, at kinumutan ang sarili.

"Nandito lang ako, sabihin molang kung may kailangan ka." sambit naman niya, narinig ko naman ang yapak niya papalabas ng silid.

Hindi ko talaga alam, kung saan ako kukuha ng lakas para bumangon muli.Bumabalik sa utak ko ang madugong pangyayari.May nadamay ng iba, ng dahil sa 'kin.

May sumpa ba ako? dahil lahat ng malapit sa 'kin, napapahamak.Hinawakan ko naman ang leeg ko, kung saan ramdam ko parin ang mahigpit na kamay ni Bylle na sumasakal sa 'kin.

Bakit ganun? umupo naman ako sa kama at pinagmasdan ang silid na walang buhay.Kinuha ko naman ang rosas sa isang maliit na box, lahat ng rosas na binibigay sa'kin ni Brylle dito ko nilalagay.

May tumulong butil ng luha sa rosas na nasa loob nito, nanginginig ang kamay kong kinuha iyon.At inilapit sa dibdib ko, nagbabasakaling bumalik siya at pumasok sa pintong yan para makita ako.

Ibinalik ko naman ang box sa ilalim ng kama, at tumayo.Tinignan ko naman ang aking sarili sa salamin.Napaka-hina ko!

Bakit ba ako humantong sa ganito? dati lang sobrang tahimik ng buhay ko.Isang simpleng taong, nag-aaral lang.Walang iniisip at walang nasasaktan na iba dahil sa 'kin.

Malaki na ang pinagbago ng sarili ko, malaki na ang nawala sa sarili ko.At kahit kailan hindi na mababago pa, kung ano ako ngayon.

Pumasok naman ako sa paliguan, para linisin ang sarili ko.Ibinabad ko naman ang hubad kong katawan sa tubig.Pinagmamasdan ang mga kandilang may apoy, at nagbibigay liwanag sa madilin na silid na'to.

Tanging mumunting tinig ng tubig ang naririnig ko, at ang mga dahon ng rosas na nagpalutang-lutang sa tubig.

Pagkatapos kong maligo, ay nakapaag bihis narin ako.Pinusod ko naman ang mahaba kong buhok, at nilagyan konang katas ng presa ang labi ko, dahil sobrang putla na ng mukha ko.

Wala din namang magagawa kung, hihilata lang ako sa kama at magmumukmok.Binuksan ko naman ang pinto, saka humakbang papalabas.

"Hindi niyo siya pwedeng kausapin, dahil hindi pa naging mabuti ang pakiramdam niya.Kung nakita niyo lang, kung gaano siya naaapektuhan sa nangyari.Pahingain niyo muna si Fhia" rinig kong sabi ni Bie.

Mukhang nagtatalo pa yata sila, nakita kong nasa isang upuan ay si Ginoong Gregr at sa kabila naman ay si Risser at yung tatlong bampirang humarang sa'min ni Dos.

Kumirot na naman ang puso ko, nang maalala kong apat sila.Si Lorcan naman ay nasa likuran ni Bie.

"Pati ang mahal na Reyna, hindi parin nakabawi sa nangyari lalo na sa nangyari ni Prinsipe Phoenix" sambit naman ni Ginoong Gregor, nakipag sabayan narin sa pag-uusap nila.

"Hindi na ligtas si Fhia dito, hayaan niyo munang sa amin muna siya.Alam niyo bang kalat na ang nangyari sa buong emperyo, hindi sila magdadalawang isip na kunin si Fhia" sambit naman ni Risser, natahimik naman silang lahat.

"Kailangan niya munang lumayo dito, lalo na't nasasaktan pa siya sa nangyari ni Prinsipe Phoenix, mahihirapan lang siya kapag tatagal pa siya dito.Nandito naman kami" sambit naman ng apat na'yon, nagkamali yata ako nang pagkaka-kilala sa kanila.
Binuhis ng isa sa kanila ang buhay, para sa 'kin."Hindi ako papayag! dito lang si Fhia!" pag protesta naman ni Bie, sa kanila.

Pinaikot naman ang mata ng babaeng may pulang buhok" Hindi kaba nakaka-intindi? kaibigan kaba talaga niya?" marahas namang lumandas ang kamay ni Bie sa pisngi niya, samantalang si Lorcan ay mabilis niyaa itong nahila papalayo.

"Kinukwestiyon moba ang pagkaka-ibigan namin? kahit mas malakas kayo sa'kin, hindi ako natatakot! si Fhia ang pinag-uusapan natin dito, kaya wag mong isasali ang pagkaka-ibigan namin.Sino kaba!" tiim bagang na sabi nito.

"Yana! tama na'yan! " sambit naman ng lalaking may kulay kayumanggi ang buhok.

Nagngingitngit naman ang mukha ni Yana at hinawakan ang pisngi niya." Isang hamak na tao kalanag, kaya kitang dur-" hindi naman natapos ang sasabihin nito, nang sakalin siya ni Lorcan.

"Don't you dare, to say that! or else I take this head off your body!" nagdidilim narin ang mukha ni Lorcan, lalapit na sana ako para pigilan sila, nang napagilan na sila ni Risser.

"Tama na'yan! hindi dapat tayo ang nag-aaway dito! " bulyaw naman sa kanila ni Lorcan, marahas namang binitawan ni Lorcan si Yana, napa-ubo pa ito dahil sa higpit na pagkakahawak ni Lorcan sa leeg niya.

Sinamaan muna nang tingin si Bie, saka umalis.Lumapit naman si Lorcan kay Bie.Natahimik sila sandali, kaya naglakad na ako papalapit sa kanila.

"Fhia?" sambit naman ni Bie, nang makita niya ako na papalapit sa gawi nila.

"Isama niyo na ako, kung yan ang sinadya niyo dito" walang emosyong sabi ko sa kanila, at blangko silang tinignan.

Halata rin sa pagkagulat sa mukha nila."Fhia? ano bayang pinagsasabi mo? " sambit naman niya, tumalikod na ako sa kanila, at nagsimulang humakbang palabas.

"Don't mind me, wag ka nalang mangialam." sabi ko naman sa kanya, hindi ko gusto na sabihin ito sa kanya, peru kailangan dahil ayaw kong madamay pa siya.

"Ganun nalang? ayaw mo'kong mangialam?sige! at hindi narin kaibigan ang turing ko sayo.You dissapoint me Fhia, nagbago kana" ramdam ko ang pagkabasag nang boses niya.

Patawad.Sa ngayon lulunukin ko muna ang lahat ng mga salita ko.Narinig ko namang tinawag ni Lorcan si Bie, mukhang tumakbo yata.Tumingala naman ako, para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.

Kailangan kong maging bato, para ma-protektahan kita at pati na ang iba.Tuluyan na akong nakalabas sa palasyo at nakita ko naman si Yana na sumakay sa kabayo.  

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now