Chapter 32:Digmaan

279 13 0
                                    

Ramdam ko agad ang lamig nang tubig,nang sabay naming inilunod ang katawan sa paliguan niya.Katulad rin sa paliguan sa silid namin ni Bie,kaso mas malaki 'tong sa kanya,ang nakakamangha lang ay may rosas pang nakalutang.

"Did you like it?"sambit niya,tumango naman ako,pinaglaruan ko naman ang mga petals.

"Paborito mo ang rosas?"tanong ko sa kanya,habang nakapikit lang ito na inihilig ang ulo niya sa edges nang paliguan.

"I like roses,it smells like you."sambit naman niya habang nakapikit,pati ba naman ang rosas ,magkasing bango ko daw?

Hindi na ako muling nagsalita pa sa kanya,baka gusto niyang magpahinga.Pinasabay lang niya akong maligo,para may kasama siya,tapos tutulugan lang ako.

"Brylle?tulog kana?"sambit ko naman,hindi naman ito nagsalita.

Baka nakatulog na,nakapikit parin ang mata nito.Napabuntong hininga nalang ako,akmang aahon na ako sa dibdib niya,nang may mapansin ako sa may dibdib niya.

Is that a black rose?para siyang tattoo,tinignan ko naman yung akin.Magkatulad kami,kaso sa akin kulay pula sa kanya itim.Bakit hindi ko napansin yun?

Nasa bandang kaliwa nang dibdib niya ito naka-marka.Hindi ko yata napansin na may marka pala siya sa may dibidb.Hindi ko nalang yun pinansin,at isinuot na ang bathrobe ko.

Agad din akong nakabihis nang makalabas ako nang silid ni Brylle,hindi naman siguro siya magagalit kapag iniwan ko siya.Kasalanan niya rin naman tinulugan niya ako.

Naisipan ko namang maglakad-lakad sa loob nang palasyo.Napako naman ang tingin ko sa isang malaking poltrait.Tatlo sila,yung ina ni Brylle,at isang lalaki baka ama niya.

Bakit hindi kasali yung kapatid niya?tapos yung matandang lalaki na nakita ko sa portrait ni Brylle sa mansyon niya?Napatitig naman ako sa lalaki,na ama ni Brylle.

Pamilyar siya,parang nakita kona siya.Hindi kolang matandaan.Yung ngiti niya,ang tumatak sa isip ko.Saan koba siya nakita?Alam kong nakita kona siya.

Nabigla naman ako nang may tumabi sa'kin,"kayo pala ginoong Gregor."sabi ko naman sa kanya,ngumiti naman ito sa'kin.

"Bakit mo tinitignan ang poltrait na'yan?"tanong niya sa'kin.

"Hmm...gusto kolang po pagmasdan.Siya ba ang ama ni Prinsipe Phoenix?"pormal na tanong ko sa kanya,hindi naman pwedeng sabihin ko ang pangalan ni Brylle.

"Oo,siya nga."sagot naman niya sa'kin.

"Sa'n na siya ngayon?sa pagkaka-alam ko mahaba ang buhay nang isang bampira."sabi ko naman sa kanya,tulad rin sa'kin tinitigan niya lang ito.

"Sinakripisyo niya ang sarili,para sa kaibigan niya dati,katulad din niya isang Hari.Kaso nadamay siya sa gulo nang dalawang emperyo,dahil sa kagustuhang makuha ang anak nang kaibigan niya.Na si Haring Hedron,ang siyang namumuno sa emperyo nang Fersiya."mahabang sabi niya sa'kin.

Bakit ang dami niya yatang alam?siguro matagal din siyang nandito.
Nakaagaw pansin sa'kin ang sinabi niya,gusto ko tuloy marinig tungkol doon.

"Maaari niyo po bang sabihin sa'kin,ang tungkol sa nangyari?"sabi ko naman sa kanya,tumango naman ito.

"Sige binibini,sumunod ka sa'kin."sabi niya naman sa'kin,sumunod naman ako sa kanya.

Hanggang sa mapunta kami sa silig aklatan,puno ang malawak na silid na ito nang mga libro,mga lumang libro.Mahilig akong magbasa,kaso tamad lang minsan.

"Umupo ka."ipinaghila naman niya ako nang upuan,at umupo.

May kinuha pa siyang libro,bago umupo sa tapatan ko.Kumunot naman ang nuo ko,nang makita ko ang pabalat nang libro.Rosas katulad nang marka sa dibdib ko.

"Anong meron d'yan sa libro,ginoong Gregor?"tanong ko sa kanya,sinimulan naman nitong buklatin ang libro.

"Luma na ang librong ito,nakasulat dito ang tungkol sa itinakdang bampira na magkakaroon nang dugo na kakaiba sa lahat."sambit naman niya,napalunok naman ako sa sinabi niya,anong kinalaman niya sa pangyayari noon?

"Ano poba ang koneksyon niya sa nangyari,noon?"sabi ko naman sa kanya.

"Ang asawa ni haring Hedron,ay itinakdang magkaka-anak nang bampira na may kakaibang dugo.May kalahating dugo nang tao si Haring Hedron,nanggaling siya sa mga angkan na may bughaw na dugo."sabi niya naman.

Parang kinakabahan ako sa maaaring malaman ko.

"Ibig niyo pobang sabihin na ang nasa sinapupunan nang asawa niya,ay ang batang may kaka-ibang dugo?"sambit ko naman sa kanya,tumango naman siya.

"Oo tama ka,itinago niya ang kanyang asawa ,habang nasa sinapupunan pa niya ang bata.Nang malaman nang ibang emperyo,na ang anak niya ang itinakdang magkaka-roon nang dugo,na siyang magbibigay nang lakas para pamunuan ang dalawang mundo,tao at bampira."

"Hindi sa mabuting paraan nila gagamitin,kundi sa kasakiman.Kaya tinulungan nang ni Prinsipe Damasco ang Hari nang Ferisiya.Si haring Damasco ang siyang namumuno sa emperyong ito,matalik na magkaibigan ang dalawang hari.Kaya bago pa magkaroon nang digmaan sa dalawang emperyo,itinakas nito ang asawa ni Haring Hedron na si Florida."sabi naman niya.

Para akong nandun sa mga pangyayaring yun,ramdam ko ang hirap nang dinaranas nila.

"Namatay sa digmaan si Haring Hedron,samantalan si haring Damsco naman ay hindi narin bumalik.Walang nakaka-alam sa nangyari ,sa pagtakas nila kung saan sila nagpunta.Tanging alam nila ay wala na ito."sambit naman niya,hindi ko namalayan na may tumulong luha na pala sa mata ko.

Nakaramdam ako nang kirot sa dibdib,sa di malamang dahilan.Bakit napaka sakim nila!kapangyarihan lang ang tanging iniisip nila.Hindi nila ang iniisip ang buhay na sinayang nila.

"Namatay po si Haring Hedron?"tanong ko naman sa kanya,tumango naman ito.

"Sino ang nagmumuno ngayon sa emperyo niya?"tanong ko naman sa kanya.

"Ang kapatid niya,ang siyang namumuno."sabi naman niya sa'kin.

"Hanggang ngayon poba hindi pa nakikita ang bampirang may kakaibang dugo?"tanong ko naman sa kanya.

"Hindi pa,peru ang kapatid ni Haring Hedron ay pinaghahanap niya parin ito."sabi naman niya.

"May itatanong po sana ako?may kapatid ba si Prinsipe Phoenix?"tanong ko sa kanya,kumunot naman ang nuo nito.

"Wala,peru ang anak nang kapatid nang Hari ay kinikilala niya ito bilang kapatid,Peru hindi rin nag tagal sumama rin ito sa Ama niya,na siyang pasimuno nang digmaan nuon.Kaya labis ang pagsisisi nang hari nuon nang malaman niyang kapatid niya ang nag-traydor.May emperyo kasi itong pinamumunuan."sagot naman niya.

Malalim naman akong napa-isip,sobrang gulo nang utak ko sa nalaman ko.Gulo ang utak ko,pagkatapos nang pag-uusap namin ni Ginoong Gregor.May kinalaman kaya ito sa'kin?

Wala sa sariling naglalakad ako pabalik,parang ayaw tanggapin nang utak ko ang nalalaman ko ngayon.May kinalaman kaya ako sa digmaan nuon?peru hindi kopa alam kung ako ba talaga.Hindi kopa lubusang kilala ang sarili ko.

Lumabas naman ako sa mansyon,nakita ko naman si Bie na masayang sumasakay sa kabayo habang inaalalayan siya ni Lorcan.

Bigla naman akong nakaramdam nang pagka-hilo,hanggang sa maramdaman kong bumagsak na ako sa lupa.

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now