Napahikab naman ako ,dahil sa antok.Sa loob nang dalawang araw,wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa para libangin ang sarili ko,habang wala pa si Brylle.
Itiniklop ko muna ang binabasa kong libro,tungkol sa mundong ito.Ngayon kulang napag-alaman na may limang emperyo,bukod sa Fersiya ,may apat pa kasali na dito ang emperyo ni Brylle.LANTACIA ang namumuno ang ina ni Brylle,ang sa FERSIYA ay ang kapatid ni haring hedron na si haring Hegor.
At may tatlo pa,ang RACIA,HERSIYA,at VERSIYA.Tinatamad na akong basahin kung sino-sino ang namumuno,dapat sana anim ang emperyo ang namumuno nito ang katapid nang ama ni Brylle,dahil sa digmaang naganap noon,hindi na kailan man kinilala ang emperyo niya.
Hindi ko lubos maisip kung gaano sila ka-kapangyarihan,napaka tatag nang emperyo nila,at nangunguna ang emperyo ni Brylle.At hindi rin ako makapaniwala na hindi lang pala ang bampira ang naninirahan dito,iba't-ibang nilalang.
Sadyang akala ko,alamat lang ito sa mundo nang mga tao,o sabi-sabi lang at hindi makatotohanan.Peru nang mabasa ko ang iilang libro,halos sumabog ang utak ko sa kaka-isip.Hindi panga ako nakalabas sa emperyong ito,peru naiisip kona kung anong meron sa labas nito.
Sana naman makapag-pasyal ako sa bayan nang Lantacia,lagi nalang ako nandito sa palasyo.Walang magawa kundi hintayin ang pagbabalik niya.
Napasinghap naman ako nang biglang,may gumulat sa'kin sa likod.
"Nandito kalang pala."sambit naman ni Bie sa'kin,pinaningkitan ko naman siya nang mata.
"Ba't ka nanggugulat?"sambit ko naman sa kanya,umupo naman ito sa tapat ko.
"sorry,ano bayang binabasa mo?hindi kaba napapagod?"sambit naman ni Bie sa'kin.
"Hindi,ito lang ang paraan para aliwin ang sarili ko,habang wala siya."sabi ko naman kay Bie,bumuntong hininga naman itong tumingin sa'kin.
"Oo nga no?matagal naring nawawala si Brylle,mali pala prinsipe phoenix.Baka hindi kana babalikan nun?"pananakot pa niya sa'kin,binatokan ko namna ito,gamit ang librong hawak ko.
"Gaga,nandito ako,kaya sigurado akong babalikan ako nun."sabi ko naman sa kanya,hindi naman ako basta-basta nalang iwan ni Brylle,nang walang dahilan.
Iiwan niya ako sa palasyo niya,tapos hindi ako babalikan.Baka gusto niya ubusin ko ang dugo niya.
"Pano ka nakaka-sisiguro?baka ngayon,may kasama na itong ibang babae,alam mobang ang mga bampira malakas ang sexual desire nila?"binatukan ko naman ulit ito nang libro,sa'n ba niya nakukuha ang mga salitang yan?
Alam kona,dati kasi mahilig itong manood nang Vampire movie,dahil daw no'ng bata pa siya.Nakakita nadaw siya nang bampira.Gaga talaga ang babaeng 'to.
"Tigilan mo'ko,Bie.Baka gusto mong kagatin kita?"mabilis naman itong napatayo at umiiling pa.
"Ayaw kona,sawa na akong makagat,si Lorcan nga halos--"napatigil naman siya sa pagsasalita,nang maisip niya kung ano ang sinasabi niya sa'kin.
Pinaningkitan ko naman siya nang mata."Bie?may alam ba akong hindi alam?"sabi ko naman sa kanya.
Mapait naman itong ngumisi sa'kin,na para bang nabuking ko siya.
"Hehe...ano yung aso ang pangalan Lorcan,tapos kinagat niya ako--"pinigilan ko naman siyang magsalita,palusot pa.
"Wag mo'kong subukan, Bie.Gosh!so aso na pala ngayon si Lorcan?ang galing."sabi ko naman sa kanya,at pumalakpak pa kunwari nasisiyahan.
Napakamot naman ito sa ulo niya,halatang hindi alam kung ano ang gagawin.Napaka daldal kasi nang bunganga kaya ayun nadulas.
YOU ARE READING
Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]
VampireFhia Heather has the trauma from the past.He always think vampire are monster but untill there's a vampire who mysterously loving her.Will she accept the fact only vampire can truly love her?