Chapter 18:Taste

353 13 0
                                    

  Kumalas naman ito sa pagkakayakap sa'kin,at mabilis na hinarap ako sa kanya.Naiilang naman ako sa paraan nang pagtitig niya,tumatagos ito hanggang sa kaluluwa ko.

"Ahhm...nakahanda na pala yung breakfast mo"sabi ko sa kanya,para naman mabawasan ang kaba na nagagawa niya sa'kin.

Tumango naman ito,bago paman ito makaalis ,pinulot niya yung nabitawan kung rosas.At inabot sa'kin,napaawang naman ang bibig ko.

"This is for you"sabi niya,sabay abot sa'kin nang pulang rosas.Nahihiya naman akong tinanggap ito.

"Salamat"nahihiyang sabi ko sa kanya,iba talaga ang epekto niya sa'kin.Kahit sa simpleng galaw lang niya,mawawala na ako sa katinuan.

"Your welcome"nakangiting sabi niya,at humakbang na ito papalayo sa'kin.

Inilagay ko naman ang rosas sa gilid nang tenga ko,at pasayaw sayaw pang nagwawalis.Bigla nalang sumaya ang araw ko!ikaw ba naman bigyan nang rosas sa isang lalaking makisig.Tignan natin dika,titili sa saya.I'm already 19 years old,but never in my life feel this kind of kilig!

"Tumigil kana fhia"sambit ko sa'king sarili,at tinatapik tapik pa ang pisngi ko.

Nababaliw na yata ako,kinakausap ko ang sarili.Kinuha ko naman yung basura na nakabalot,at lumabas sa gate para ilagay sa labas nang mansyon.Nang lalabas na sana ako,sa di kalayuan may nakita akong lalaki.Na nakatingin sa gawi ko,inilagay ko muna ang nakabalot na basura.

"Sino yan?may kailangan kaba?"tawag ko sa kanya,nasa likod kasi siya nang puno.Naka jacket pa ito na may hood kulay itim.

"sandali!"pigil ko sa kanya,nang tumalikod na sana ito para umalis.

Tumakbo ako para makalapit sa kanya,baka kasi nawawala siya o di kaya may kailangan siya.Nanatili parin itong nakatalikod sa'kin,dahan dahan naman akong humakbang papalapit sa kanya.

"Wag kang lumapit"nabigla naman ako nang magsalita ito.Nakakunot naman ang noo ko,na tumingin sa kanya.

"Gusto kulang naman malaman ang sadya mo dito"sabi ko sa kanya,hinakbang ko naman ang paa ko papalapit sa kanya.At akmang hahawakan ko sana siya,nang bigla siyang humarap at piinigilan niya ang kamay kung hahawak na sana sa kanya.

"I said,don't come near to me"sabi niya,nagulat naman ako nang mahigpit niyang hinwakan ang kamay ko.At ikinagulat ko nang matanggal ang hood niya,kaya malaya kung napagmasdan ang mukha niya.

"Pasensya kana,"paumanhin ko,binitawan naman niya yung kamay ko,nang magsisimula na itong namumula dahil sa higpit nang hawak niya.

Napatigil naman ang mata ko sa parte nang leeg niya na may tattoo.Tinitigan lang naman ako nitu,kahit may tattoo siya sa leeg hindi 'yon nakabawas sa kakisign niya.

"Such a innocent woman"nakakalokong sabi nitu,habang nakangiti sa'kin.Humakbang naman ako paatras,kinakabahan na ako sa paraan nang pagtitig niya.."Now i know,why he always after you"dagdag pa niya,nagtataka naman ako sa pinagsasabi niya.Ao'ng ibig niyang sabihin?

"Ano yang sinsabi mo?"tanong ko sa kanya,pilit kung inaalis ang takot ko at kaba na nararamdaman ko ngayon.Ngumisi naman ito,at parang may tinignan pa likod ko.

"Soon you will know"sabi niya at mabilis na naglaho sa harapan ko.Napasandig naman ako sa puno,parang hinihigop nitu ang lakas ko.

Napahawak naman ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot,may naririnig akong iyak..nang bata.At may nanakita akong imahe nang lalaking hindi ko kilala,my vision is turning blured.

"Ahh..."daing ko,napaluhod na ako.Habang hawak parina ng ulo kung kumikirot,hindi kuna kaya .Napahiga nalang ako sa damuhan,habang hinihingal.Huli kung nakita si brylle,peru hindi ko malinaw na nakikita ang mukha niya.

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now