Chapter 4:ikaw?

500 23 0
                                    


  "Because i love you"

Yan ang huling katagang binitawan niya,bago nawala ang presensiya niya sa kwartong ito.Para bang sirang plakang bumabalik sa isipan ko ang mga pinagsasabi niya.Ang mainit na labi niya saking noo,ay ramdam ko parin hanggang ngayun.

"Fhia!nandiyan kaba sa loob?"pagsisigaw ni bei,at kinakatok ang pintuan nang silid ko.Agad naman akong tumayo,at pinagbuksan siya nang pinto.

"Fhia?anong nangyari?"nagtatakang tanong niya sakin,nang makita niyang may luha saking pisngi.

"Bei,natatakot naku"sambit ko,at mabilis na niyakap siya.Tumugon naman ito sa pagyakap sakin.Hinihimas pa nitu ang aking likod,upang tumahan.

"Anong nangyari,nung wala ako?bakit ang kalat nang apartment?"sunod-sunod na tanong niya sakin.Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap,at pumunta sa kama.Pinakita ko naman sa kanya,ang pulang rosas na laging iniiwan nang lalaking yun.

"Rosas?para saan naman yan?"tanong niya sakin.

"Bei,naalala muba na lagi kung tinatanong sayo kung ikaw ba ang nag-iiwan nang pulang rosas sa kwarto ko?"

"Oo,peru hindi nga ako"sagot naman niya,nagpakawala muna ako nang malalim na buntong hininga.

"I know!na hindi ikaw.Nagpakita siya sakin,peru hindi niya pinapakita sakin ang mukha niya.Lagi niyang pinapatay ang ilaw ,para hindi ko siya masilayan"mahabang paliwag ko sa kanya,napatakip naman ito sa kanyang bibig.

"O my gosh!fhia?may stalker ka?"sinamaan ko naman siya nang tingin,seryoso nanga ako rito.Tapos siya,puro kabaliwan ang iniisip.

"Hindi muba ako naiintindihan?anong klaseng lalaki siya,na nag-iiwan nang rosas sa kwarto ko.Tapos ...ano"

"Tapos ano?ano may ginawa ba siya sayo?"tanong naman niya sakin,mababaliw na yata ako nitu.

"Basta!napaka creepy niya.Parang hindi siya tao"mahinang sabi ko,peru sapat na para marinig niya iyon.Nilapitan naman ako nitu,at umupo sa aking kama katapat ko mismo.

"Anong hindi tao?Bampira ganun."napa-isip naman ako sa sinabi niya,posibleng oo,peru hindi naman talaga sila totoo.Sa movie lang naman sila nag e-exist.

"Ewan ko,basta."naguguluhang sabi ko sa kanya,

"ang gulo mo kausap.Magpahinga ka nanga lang"sabi niya sakin,nang akma na sana siyang tatayo ay agad kung hinawakan ang kamay niya.

"dito ka nalang matulog,natatakot ako baka balikan niya ako dito"sabi ko sa kanya.Natatakot na talaga akong mag-isa.

"Sige,bitawan mo muna ako.Kailangan kulang linisin ang kalat sa kusina."pagkasabi niya nun ay agad ko naman siya binitawan,at mabilis naman itong umalis saking silid.Humiga nalang ako,at pinatitigan ang kisame.Paano ba kita makikilala?kung ayaw mong magpakilala sakin?

"Paano?"sambit ko,ginugulo mo ang isipan ko.Nilalaro kupa ang laylayan nang damit ko,bigla nama akong napabalikwas nang bangon sa naiisip ko.kailangan kulang subukan,walang mawawala sakin kung susubukan ko.Lahat naman tayo ay may kahinaan,sisiguraduhin kung ikaw mismo ang lalapit sakin.Napangiti naman ako saking iniisip.  

  Maaga akong gumising,para maaga akong makapasok sa school.Kailangan kulang planohin,para siya na mismo ang lilitaw sa harap ko.Nakita ko naman si Bei,inaayos ang sapatos na suot niya.Tapos narin kaming kumain nang agahan,ewan kuba para akong kinakabahan sa araw nato.

"Halika na ,fhia"tawag sakin ni bei,lumapit naman ako sa kanya at sinabayan siya sa paglalakad.Medyo makulimlim ang araw ngayon,mukhang uulan yata.

"May bagyo ba?"tanong ko kay bei.

"Siguro,dali na bilisan nalang natin,baka abutan pa tayo nang ulan"sabi niya sakin,at mas binilisan pa niya ang paglalakad,kaya binilisan kurin ang paglalakad ko upang masabayan siya.

"Na pano ang sasakyang yan?"napatigil naman ako sa paglalakad,at tinanong si bei tungkol sa sasakyang,sobrang wasak,nasa gilid lang ito sa daan.

"May aksidente daw kahapon,kritikal nga yung lagay nang driver"sagot naman niya sakin.Nalupi talaga ang unahan nang sasakyan,napahinto naman ako saglit nang may bigla akong naalala.

"Teka!Bei,anong oras naganap yung aksidente?"tanong ko sa kanya,nagtataka naman ito sa tinanong ko.

"Hmm..yung mga oras na umuwi ka,bakit mo naitanong?"bigla naman nanumbalik ang takot ko,sa sagot niya.Tama nga ang hinala ko,peru napaka hirap paniwalaan.Bigla naman ako tumakbo,kung nasaan ang sasakyang naka tambay sa gilid nang karsada.Tinawag pa ni bei ang pangalan ko ,peru hindi ko yun pinansin.

"Fhia!anong ginagawa mo diyan?"sigaw niya.Agad ko naman tinignan ang bahagi nang sasakyan na nalupi,hinawakan kupa ito.This is imposible!bumakat pa ang kamay nitu,peru hindi mo makikita kapag hindi mo titigan nang mabuti.

"Fhia!halika na,malelate na tayo niyan"sabi naman ni bei,at hinila ako.Pano niya nagawa yun?Pagkarating namin sa school,ay agad rin kaming nagmadaling pumasok sa room,bago pa kami maka pasok ay humarang na saming harapan si Scarlett,habang nakatingin sakin nang matalim.

"Bakit kaba nakaharang diyan?"naiinis na tanong ni bei

"Gusto kung maka-usap si Fhia"cold na sabi ni scarlett kay bei,habang nakatingin sakin nang masama.Ano nanaman kaya ang problema nang babaeng to.

"Aba!ikaw baba--"pinigilan kuna si bei,sa maaari niyang gawin.

"Sige na Bei,mauna kana susunod nalang ako"sabi ko sa kanya,padabog naman itong umalis sa gawi namin,binangga pa nitu ang braso ni scarlett bago pumasok.Maldita talaga ang babaeng to.

"Bakit mo ako,gustong maka-usap?"tanong ko sa kanya,

"Hindi dito,dun tayo sa walang isturbo"sabi niya sakin,at hinila ako.Nagpa tianod nalang ako sa paghila niya.Binitawan niya lang nang makarating kami sa garden nang school,kung saan madalas akong pumupunta,wala namang gaanong tao dito.

"Sabihin muna,ang gusto mong sabihin"sabi ko sa kanya,nakita kupa ang bahagyang pag ngisi nitu.Agad naman akong nakatanggap nang malakas na sampal galing sa kanya,kaya bahagya pang tumagilid ang ulo ko dahil sa malakas na impak nitu.

"Pasalamat ka yan lang ang ginawa ko sayo!,kasalanan mo ang lahat!"galit na bulyaw niya sakin,hinawakan ko naman ang pisngi ko at tinignan siya.

"Ano bang kasalanan ko sayo?"tanong ko sa kanya,kumuyom pa ang kamay nitu.

"Ano bang meron sayo?isang hamak na tao ka lang naman"nang gagalaiting sabi niya sakin,ano bang pinagsasabi niya?

"Hindi kita maintindihan?"naguguluhang tanong ko sa kanya,bigla naman itong tumawa nang pagak.

"Kahit kailan hindi mo talaga maiintindihan!pinatay na sana kita,kung hindi lang dahil sa kanya"nabigla naman ako sa sinabi niya,at nilampasan lang ako.Naiwan naman ako dito nang mag-isa , ano bang kasalanan ko?napaluhod nalang ako,sa damuhan.

"Bakit?anong nagawa ko?"sambit ko,bigla naman bumuhos ang malakas na ulan,kasabay nang mga luhang umaagos galing sa mata ko.Bakit ba sumasabay ang panahon sa nararamdaman ko?

Nanatili parin akong nakaluhod sa damuhan,habang basang-basa na ang damit ko.Naisipan kung kunin ang pulang rosan sa bag ko,at isang maliit na kutsilyo.

"nahihirapan na ako!bakit niyo ginagawa sakin to !"galit na sigaw ko sa kawalan,hindi ko iniinda ang lamig na nararamdaman ko.Kahit mag-sisigaw ako dito walang sinuman ang makakarinig sakin.Inilagay ko naman ang rosas sa damuhan,at kinuha ang kutsilyo.

Nanginginig na ang kamay kung nakahawak nang kutsilyo,sisiguraduhin kung lilitaw ka.Agad naman akong gumawa nang hiwa sa palad ko,at pinatakan ang pulang rosas sa malapot kung dugo.Napangiwi pa ako dahil ,sa sakit nararamdaman ko.

"What are you doing?"biglang may nagsalita,sa likod ko inilibot ko naman ang paningin ko upang masilayan siya.

"IKAW?"  

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now