Chapter 27:Mad

313 12 0
                                    

Naisipan ko nalang na pumasok sa loob nang kwarto,dahil sumama ang pakiramdam ko.Agad din naman akong humiga sa kama,bigla yatang nanghina ang pakiramdam ko.Bakit naman n'ya nasabi ?may kinalaman na naman ba ito sa'kin?

"fhia?aalis tayo"sabi naman ni bie,at pumasok sa loob nang kwarto.Hindi naman ako nagsalita,nanatili parin akong tahimik.

"fhia?okay kalang?"sambit naman sa'kin ni bie,umiling naman ako.Hindi talaga ako okay,ayaw kong magsinungaling sa nararamdaman ko.

"sa'n tayo pupunta?"sambit ko sa kanya,at umupo sa kama.

"isasama tayo,nang ina ni brylle.Hindi ko aakalaing,isang reyna ang ina niya,so ibig sabihin si brylle ay isang prinsipe?"sambit naman ni bie sa'kin,napag-ewan lang ako sa kanya,malay koba,hindi naman nag kwe-kwento sa'kin si brylle.

"wag kanang magulat,sa mundong ito.Mas madami kapang masaksihan"sabi ko naman sa kanya,at umalis sa kama.

"fhia?alam kong hindi ka okay,sabihin molang kung kailangan munang kausap"sabi naman niya sa'kin,tinignan ko naman siya.

"pagod lang ako,"sabi ko naman sa kanya,sabay naman kaming lumabas sa kwarto at pumanaog.

Nakita ko naman agad si brylle,nilapitan naman ako nito.Akma na sana niya akong hahawakan nang iwasan ko ang kamay niya,at dumiretso lang sa labas.

Ayaw ko muna siyang maka-usap,hindi ako galit sa kanya,sadyang ayaw kolang.Nakita ko naman agad si lorcan,na may nakahandang kabayo sa labas nang gate.Kung nasa mode lang ako ngayon,kanina na akong tumakbo papunta sa kabayo,peru wala eh..

"d'yan ba tayo sasakay sa kabayo?"tanong naman ni bie  kay lorcan,tumango naman ito.May nakita naman akong isang kalesa,kung saan nakasakay ang ina ni brylle.

"bakit takot ka?"nagsisimula nanaman sila,pansin kolang madalas na silang nagka-inisan.

"hindi noh!marunong kaya ako"pagmamarunong ni bie,at nagsimulang sumakay sa kabayo nang walang tulong galing kay lorcan."diba..kaya--wah!.."sigaw ni bie,nang muntik na itong mahulog dahil sa bahagyang paggalaw nang kabayo.

"akala koba marunong ka?"sabi naman ni lorcan,habang buhat niya si bie,dahil sinalo niya ito.Agad naman lumayo sa kanya si bie.

"nabigla lang ako"pagpapalusot pa ni bie,sige magmayabang kapa,baka ikamatay mopa 'yan.

Naramdaman ko naman ang presensiya ni brylle,sa likod ko.Walang sabi-sabi sumakay ako sa kabayo,napanganga naman si bie,dahil sa mabilisang paggalaw ko.

"paa--no,mo?"naguguluhang sabi niya,hindi pa niya pala alam ang tungkol sa'kin.

"mamaya na tayo mag-usap"sabi ko naman sa kanya,at walang sabi-sabi pinatakbo ang kabayo.

Hindi naman ako magaling sa pangangabayo,peru dahil marunong akong kumontrol nakayanan ko.Naramdaman ko naman na sumunod sa'kin si lorcan,habang sakay niya si bie.

Hindi ko naman nakita si brylle,baka do'n sumakay sa kalesa,hindi naman siya pwedeng sumabay sa'min.Prinsepe nga diba?

"fhia!hintay naman d'yan.Kala mo naman alam mo kung saan tayo tutungo"sabi naman ni bie sa'kin,napatigil naman ako.At binagalan ang pagtakbo nang kabayo.

"sa'n ba?"tanong ko naman kay lorcan,

"hintayin muna na'tin ang reyna,saka lang tayo susunod"sabi naman ni lorcan,hinintay nga namin ito.

Nakita ko naman na napasulyap sa gawi ko si brylle,peru iniwas ko ang tingin sa kanya,mukha kasing nag-uusap pa sila nang ina niya.Tumabi naman sa'kin,sina bie at lorcan.

"alam ko ang iniisip mo ngayon fhia,magtiwala kalang ni brylle"sabi naman sa'kin,ni lorcan napatingin naman ako sa kanya,nahalata niya yata ang pagtahimik ko.

"sana nga...madali"sabi ko naman sa kanya,nakita ko naman si bie na nakatulog sa likod ni lorcan.

Hindi naman talaga madali,lalo na't hindi ako maharlika tulad niya.May nais lang talaga ako malaman taning ang ina lang siguro ni brylle,ang makakasagot.

Agad naman kaming pinagbuksan nang malaking tarangkahan,pagpasok palang namin,tumambad na agad ang napakalawak na paligid,at nasa gitna nito ang isang malaking palasyo.

"Maligayang pagdating aming reyna,at sayo rin prinsipe phoenix"sabi naman nang isang lalaki,tinawag niya sa pangalawang pangalan si brylle.

"ihatid mo ang ating mga bisita,sa kanya-kanya nilang silid,upang makapag pahinga"sabi naman nang ina ni brylle,tumango naman ito sa kanya.

"sumunod po kayo,sa'kin"magalang na sabi nito,akmang susunod na sana ako,nang may humawak sa kamay ko.Kaya nauna na sa'kin si lorcn,habang binuhat nito si bie na tulog parin.

"are you mad?"tanong niya sa'kin,tinignan ko naman siya sa mata.

"bakit?may dapat ba akong ikagalit?"pabalik na sabi ko sa kanya,binitawan naman nito ang kamay ko.

"nothing,so please tell what's wrong?"sabi naman nito sa'kin.

"nothing is wrong brylle,i just want to rest"sabi ko naman sa kanya,akma na sana niyang hihigitin ang kamay ko nang mabilis ko itong iniwasan.

"pabayaan mo muna ako,brylle"sabi ko naman sa kanya,at umalis na sa gawi niya,nahihirapan akong baliwalain siya.

Peru kailangan kong makapag-isip nang maayos,sinundan ko naman sila ni lorcan.Hindi narin kasi sumunod sa'kin si brylle,tulad nang sinabi ko sa kanya.

"dito ang mga binibini,ikaw lorcan do'n ka sa dati mong silid"sabi naman nito,parang kinausap niya lang si lorcan na anak niya,o talagang anak niya talagaa.

"i know"sabi naman ni lorcan,nginitian ko naman ang lalaking naghatid sa''min,saka ako sumunod papasok.

"iwan ko muna kayo dito,may mga gamit d'yan sa aparador kung sakaling,kailangan niyong magbihis"sabi naman ni lorcan sa'kin,tumango naman ako at pilit na ngumiti sa kanya.

"salamat,lorcan"sabi ko sa kanya,ngumiti din naman ito sa'kin bago lumabas sa kwarto.

Nakahinga naman ako nang maluwang,nakita ko naman si bie na natutulog sa malaking kama.Inilibot ko naman ang tingin ko sa buong silid,napaka ganda nang pagkagawa ,palasyo nga diba?

Naisipan ko namang maligo,agad ko naman inilublob ang katawan ko sa tubig na may rosas.Naamoy kopa ang bango nito,pagkatapos kong maligo ay agad din akong nagbihis.

Napakunot naman ako nang makita ko ang damit,sa loob nang aparador.Sobrang taas hanggang talampakan,ganito ba talaga ang damit nila?makakahinga pa kaya sila nang maayos?Wala naman din akong magawa kundi suotin ito,isang kulay pulang bestida.

Hapit na hapit talaga sa bewang ko,kaya nahuhulma nito ang hugis nang katawan ko.Nakatulala lang akong nakatingin sa salamin,napahawak nalang ako sa dibdib ko na may marka .Ano ngaba talaga ako?

Ipinungko ko naman ang buhok ko,at tinalian nang tela na kulay pula.Napaka ganda ko tignan sa kulay na'to,nabigla naman ako nang naningas ang mata ko at umilaw ang marka ko sa dibdib.

Ilang sandali lang ay bumalik rin sa normal na kulay ang mata ko,nagulat naman ako nang may kumatok sa pintuan.Lumapit naman ako do'n,at binuksan ang pinto.

Nakita ko naman si brylle,na nakatingin lang sa'kin,mula ulo hanggang paa.

"brylle,diba--"hindi kona natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong buhatin,at umalis sa silid kung saan natutulog si bie.

"don't be mad,my queen"malambing na sabi nito sa'kin,na nakapag pawala na naman nang sakit na nararamdaman ko.

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now