Chapter 31:Bath

270 14 0
                                    

Nagising naman ako,na katabi si Brylle.Napangiti nalang ako,hindi ko maiwasang ,na marahan siyang tignan.Pinaglandas ko naman ang kamay ko sa mukha niya,I want to recognizes every details in his face.

Nanatili parin ito nakapikit,buti nalang mahimbing ang tulog niya.Kaya kahit anong gawin ko,hindi siya magigising.Dahan dahan ko namang tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko.

Nakahinga naman ako nang maluwag,nang hindi ko siya nagising.umalis agad ako sa kama.Maingat kong binuksan ang pintuan,saka lumabas.

Nakita ko naman si Bie,na kakalabas lang sa silid namin.Nilapitan ko naman siya,halatang maganda ang tulog nang kaibigan ko,dahil may pangiti-ngiti pang nalalaman.

"Bie!sa'n ka pupunta?"tanong ko sa kanya,nang mapansin kong nakabihis na ito.

"Sa labas,bakit?"sambit naman niya sa'kin,gusto ko sana siyang kausapin tungkol kay Scarlett.kaso nagdadalawang isip ako.

"Wala lang,sige.Mag-ingat ka."sabi ko naman sa kanya,tumango naman ito sa'ki,at nginitian ako bago umalis.

Naisipan ko namang maligo,para narin masamahan ko si Bie sa labas.Gusto ko tuloy makapag-libot sa lugar na ito.Wala pa akong masyadong nalalaman,tungkol dito.

Halata sa mga bampirang nandito,na sanay na makihalubilo sa mga tao.Baka nasubukan narin nilang mamuhay bilang tao.Naisip ko na naman yung mga bampirang,kumuha sa'kin.Alam kaya nang ina ni Brylle,ang nangyari sa kapatid niya.

Para kasing,tinuturing niyang hindi kadugo si Brylle.Wala pa talaga akong alam,mahirap alamin ang mga bagay na pilit tinatago para hindi mo malaman.

Inihanda ko naman ang suot ko,bago pumasok sa paliguan.Namangha pa ako sa sobrang ganda nito,may mga candle pa sa gilid nang isang maliit na pool.Sinimulan ko namang hubarin ang mahabang kasuotan ko,hindi ako nasanay sa ganitong kasuotan.

Inilublob ko naman ang sarili ko sa malamig na tubig,napaka dilim nang silid na ito,ang tanging nagbbibigay nang ilaw ay ang mga kandilang nakapalibot dito.Kusa naman itong umilaw,sa bawat pagtapak ko.

Huminga naman ako nang malalim,bago dinamdam ang napaka-lamig na tubig.Ipinikit ko naman ang mata ko,bumalik sa ala-ala ko ,na kasama si Ina.

Napangiti naman ako nang mapait,hanggangngayon napakalinaw parin nang imahe niya sa isip ko.Kung may pagkakataon man na kuausapin siya,marami talaga akong itatanong sa kanya.

Iminulat ko naman ang mata ko,at kinuha ang pang-sabon.Nakarinig naman ako na parang may bumukas sa pinto nang silid namin.Mabilis naman akong,umahon at isinuot ang isang bathrobe.

Dahan dahan ko namang binuksan ang pinto,nang paliguan.

"Brylle?anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya,napatingin naman ito sa'kin.

Nagulat nalang ako nang mabilis niya akong niyakap,na para bang aalis ako.Hingal na hingal pa itong nakayakap sa'kin.

"I thought,you already leave me,sweetie."sambit naman niya sa'kin,napakunot naman ang nuo.

Bakit niya naman yun iisipin?

"Bakit naman ako aalis?"tanong ko naman sa kanya,humiwalay naman ito sa pagkakayakap sa'kin,at tinitigan ako nang mariin.

"Nothing,just forget about it."sambit naman niya,parang nag-aalanganin pa niyang sabihin ito.

"Tell me,"sambit ko naman sa kanya,wala itong ibang ginawa kundi titigan lang ako.

"It's just a Nightmare."sambit naman niya,nightmare?

May kinalaman ba'to sa'kin?

"Dito lang naman ako,hindi ako aalis sa tabi mo."sabi ko naman sa kanya na nakangiti.

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now