PROLOGUE

1.6K 43 2
                                    

    "Your BLOOD ,is my WEAKNESS''
                             __ _ __

"Fhia!natatakot naku dito"sabi ng kaibigan kong si Bie,  matatakutin talaga ang babaeng to.

Nanginginig ang kamay niyang nakahawak saking braso, habang tinatahak namin ang madilim na daan.Papa uwi na sana kami, galing sa school, peru dahil sa tambak na reports at group study kaya ayon, gabi na kami naka-uwi ng bestfriend ko.

"Ano kaba, Bie!umayos ka nga , sige ka tatakbo ako, iiwan kita dito mag-isa" pananakot ko sa kanya, napahigpit lalo ang hawak niya saking braso at mas dinikit pa niya ang kanyang katawan sakin, sinamaan naman ako nang tingin nitu.Kahit ako ay natatakot nga ,peru tinatagan kolang ang loob ko.

This is our first time, na naka uwi kami ng gabi.

Mas lalong lumalamig ang gabi dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa aming balat, at tanging bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw, sa napaka dilim na daan.

"Ang sama mo , Fhia!alam mo namang takot ako sa madidilim na lugar, pano nalang may bampirang lilitaw,tapos--''diko na siya pinatapos, dahil sobrang daldal.

"Hindi totoo ang bampira!kagatin kita diyan ehh..."sabi ko sa kanya, at kunwari kakagatin ko siya, natatawa naman itong tumingin sakin.

Matagal konang kaibigan ang babaeng to, walang oras na hindi niya ako napapasaya.Napatili kaming dalawa nang biglang, may pusang itim na lumitaw sa tapat namin.

"Wahhh!Fhia!takbo!...."bigla naman itong tumakbo at iniwan ako, habang ang pusa ay nakatingin sa gawi ko.

"Bie!hintayin moko!" sigaw ko, ngunit malayo na ang natakbo nitu, baliw talaga ang babaeng yun, pusa lang naman ito.Bigla namang nagsalita nang 'meow..''ang pusa.Tinignan ko naman ito, hindi naman kasi ako matatakutin , di tulad ng bestfriend kong kalog.

"Ikaw pusa!wag kang basta lilitaw, tinatakot mo kami"sabi ko sa pusa na para bang nagsasalita ito ,''meow..''sagot lang nitu, naiintindihan yata ako nitu.

"Umuwi kana sa inyu, baka maihaw pa kita." sabi ko, nilagpasan kona ang pusa at diri-diritsong naglakad.

Habang naglalakad ako, naisipan kong tawagan si Bie, nang kukuhanin kona sana ang phone ko sa bag, biglang may kung anong tumusok sa hintuturo ko, ahh..nakalimutan kong ilagay ang karayom sa lalagyan nitu.May ginawa kaming project kanina, nagtatahi ng damit, kaya nakalimutan kong ilagay sa tamang lalagyan.

''Aray! bwesit!"sambit ko, habang inilagay ang nasugatang hintuturo ko saking bibig, upang hindi dumugo.

Napasulyap pa ako sa aking likod upang tignan ang pusa kung nandun paba, ngunit wala na ito sa pwesto niya, umalis na siguro ,natakot siguro maihaw ko.Bigla namang nanginig ang aking mga tuhod, pati na yata ang buo kong katawan.Na may kung anong nasa likod ko, hindi ko magawang lingunin kung sino man ang nasa likod ko,nararamdaman ko ang hininga niya sa batok ko.

"YOUR BLOOD IS MY WEAKNESS"

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now