Chapter 50 : Till I Die

312 7 0
                                    

Nakita ko naman si Scarlett, na nagulat sa nangyayari. Akmang kukunin niya ang itim na rosas sa bulsa nito.Nang may palasong tumama sa may braso niya.

Tinignan ko naman kung saan ito nanggaling, nakabukas na ang tarangkahan, at saka kolang silang nakita kabilang na doon si Dos.

Hindi naman makasugod, ang mga alagad nila dahil hawak ni Brylle ang pinuno nila.Nabitawan naman nito ang kopa, dahilan para bumagsak sa sahig.

"Nice catch" sambit naman ni Hunter kay Brylle.

Nagulat nalang ako nang tumilapon si Brylle, naningas naman ang mata ng matanda."Magaling! hindi naman kayo imbitado sa kasiyahang ito" humahalakhak na sabi nito.

Kinalasan naman ako ng tali ni Hunter. pagkatapos ay hinila ang braso ko papatayo.Napadaing pa ako sa sakit, doble ang sakit na naramdaman ko ngayon.

Nakita ko naman si Yana na nakatingin lang sa 'kin, at si Hower naman ay pilit na kinakalaban ang mga alagad ni Hunter.

Nakita ko naman si Brylle, na pilit tumatayo kahit sumalampak na ito sa pader.Nagkaroon pa ng lamat sa bandang yun.

Agad naman akong hinila ni Hunter, habang sila ay abala sa pakikipag-laban.Nakita korin si Risser at Brylle pilit kinakalaban ang ama ni Hunter.Peru halatang mas malakas siya kahit may katandaan na ito.

"Bitawan mo'ko!" pagpupumiglas ko sa hawak n Hunter, napatigil naman si Hunter nang madaplisan ang pisngi niya sa pana na tinira ni Dos.

"Pakawalan mo siya!" sigaw naman ni Dos, nakatutok naman ang palaso nito kay Hunter.

"Tssk! hindi mo ako kaya." sambit naman nito, napadaing naman ako sa sobrang sakit nang pagtilapon ko.

Nakita ko namang pilit kinakalaban ni Hunter si Dos, nakita ko naman si Scarlett na papunta sa gawi ko, kahit nahihirapan na ito ay pilit parin nitong ginagawa ang nais niya.

Wala akong ibang maganda kundi tumayo, dahil abala ang iba sa paglalaban.Kahit patuloy paring sumasakit ang dibdib, pinilit ko parin tumayo.

Sana naman may oras pa ako.

"Hindi ka makakawala!" sabi naman nito, tumalon naman ito palapit sa 'kin.

Agad naman akong umiwas, at sinipa siya sa likod."Bitch!" nanggagalaiting sabi nito sa 'kin.

"Tumigil kana Scarlett! ayaw kitang patayin, dahil pinangako ko sa ama mo na ibabalik kita.Bago pa siya mawala, kayong dalawa lang ni Lorcan ang iniisip niya." sabi ko naman sa kanya, ngumisi naman ito sa 'kin.

"I'm not his child!" galit na sabi nito sa 'kin.

"Peru tinuring ka niyang anak, peru anong ginawa mo? sinayang molang ang pagkakataon" sabi ko naman sa kanya, naiwasan ko naman ang patalim na hinagis niya sa 'kin, peru nadaplisan parin ang braso ko.

"Nilihim nila lahat! kaya dapat lang panagutan nila ang ginawa sa 'kin, ginawa nila akong tanga at walang kaalam-alam" sabi naman niya, nakita ko namang may luha sa mata niya.

Alam kong nadala lang ito sa galit, kaya nagkakaganyan siya.Alam ko ring may dahilan si Ginoong Gregor sa paglihim niya tungkol kay Scarlett, ayaw niya siguro itong masaktan.

Peru nagawa ni Scarlett, nalaman niya ang totoo.Kaya siya nilamon ng galit para maghiganti.She's blind, because of anger.

"They did that, para hindi ka masaktan" sabi ko naman sa kanya.

"Hindi masaktan? ehh... yun ang nararamdaman ko ngayon!" sabi naman niya, napadaing naman ako sa sakit ng sipain niya ako sa sikmura, dahilan para bumagsak sa sahig.

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now