Chapter 15:Present

350 18 1
                                    


"Fhia!hoy..gumising ka"naramdaman ko nalang na may yumuyogyog sa balikat ko,dahan dahan naman akong nagmulat.Una kung nakita ang mukha ni grace,na kanina lang yata ako ginising.

"Sorry,ano'ng nangyari?"nagtatakang tanong ko sa kanya,nang napagtanto kung nakatulog pala ako sa loob nang elevator.

"Sinasabi mo?alam mubang umuusok na naman ang ilong nang unggoy na'yun,dahil napakatagal mo ,ikaw dapat ang itanong ko niyan.So anong nangyari?"pabalik na tanong nitu sa'kin,bahagya kupang hinawakan ang ulo ko.ANo ba ang nangyari?tinignan ko naman yung paa ko,wala namang sugat.Panaginip lang ba'yun?

Nakakapagtataka parang totoo ,talagang nangyari yun.Peru bakit?tinitigan naman ako ni grace na parang ,nababaliw na yata to.

"Teka!sa'n na yung nag stay sa VIP room 6?"tanong ko sa kanya,imposibleng magdamag lang akong nandito sa elevator.

"Yun?umalis na ,siya panga ang nagturo sa'kin na nandito ka"sagot niya,mabilis naman akong tumayo.Umaga na kailangan kunang umalis,bigla naman akong pinigilan ni grace.

"Sandali lang fhia,pinapunta ka ni sir unggoy sa office niya"sabi pa niya sa'kin,tumango naman ako at pumunta nga kay sir.Alam kung papagalitan nanaman ako nitu,dahil sa nagawa ko,or worst tatanggalin ako sa trabaho.

"Sir?pinatawag niyo po ako?"kumatok muna,ako bago pumasok sa office niya.

"Take a sit"sabi niya,at pinaupo ako sa upuan sa harapa niya.Medyo bumait yata,dapat nakatanggap na ako ngayon nag sermon.BUmuntong hininga pa ito bago nagsalit ulit.

"Actually,kaya kita pinatawag.Hihingi sana ako nang pabor sayo"sabi pa niya,hihingi daw nang pabor?ano naman kaya yun?

"Sige lang po,ano po yun?"sabi ko naman sa kanya,minsan lang humingi nang pabor ang isang to.Kaya pagbigyan na natin.

"May cliyente kasi akong naghahanap nang kasambahay,dahil ikaw lang naman ang kilala kung masipag.Gusto ko sanang magtrabaho ka sa kanya"sabi niya,nabigla naman ako.Totoo?alam ko namang nahihirapan narin ako sa trabahong ito,may isa pa akong trabaho kapag umaga nag seserve ako sa isang coffee shop.Peru kasambahay?

"Ahmmm..ganun puba?bakit ako pwede namang si grace masipag din naman yun sir?''sabi ko sa kanya

"Ayaw muba?akala ko kasi pagbibigyan mo'ko.Sobrang importante kasi ,ang isang 'to"malungkot na sabi nitu,nakokonsensya naman ako.

"ahh...pag-iisipan ko po"sabi ko naman sa kanya,bigla namang lumiwanag ang mukha niya.At mabilis na kinamayan ako,may childish side din pala si sir.

"Thank you,thank you.HIndi talaga ako nagkamali,napaka bait mo"sabi pa niya sa'kin,nambula pa.Napangiti nalang ako.

"sige po,uuwi na ako.Maraming salamat"magalang na sabi ko sa kanya.

"Basta ang sinabi ko,wag mong kalimutan"sabi niya pa,tumango naman ako.

"Opo"sabi ko naman,at mabilis na umalis papalabas sa office niya.Nakahinga naman ako nang maluwag,an ba'tong napasok ko?wala sa sariling lumabas ako sa bar.Hay!wala na!


Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mapaisip,bakit naman kaya ako pa?nakakapagtaka lang kasi.Dumaan naman ako sa pinagtrabahuan ko sa coffee shop.Kailangan ko kasing sabihin at magpaalam,na aalis na ako.

"sir kiel pasensya napo talaga ,kailangan kuna kasing umalis dito"nahihiyang sabi ko sa kanya,mabait na amo si sir kiel.Ngumiti naman ito sa'kin,habang nasa table kami ni libre pa nga niya ako nang kape.

"walang problema,nakakapaghinayang lang kasi wala na akong masipag na empleyadong tulad mo"pambubula niya pa,napangiti naman ako sa sinabi niya.Bahagya pa akong lumingon lingon,para kasing may nagmamasid sa'min o guniguni kulang yata.

"okay kalang fhia?"nagaalalang tanong ni sir,tumango naman ako at ininum ang kape ko.I feel something strange,

"okay lang po ako,maraming salamat po dito"pagpapasalamat ko sa kanya,ginulo naman nitu ang buhok ko.Na para bang magkapatid lang kami.

"welcome,basta bumisita ka dito minsan"sabi niya sa'kin,napakabait niya talaga.Ngumiti naman ako nang kay tamis,nakakahiya nga dahil kabago bago ko palang ,out na agad.

"Sige po,ahhmm!sir kiel.Mauuna napo ako ,kailangan kuna kasing maghanda"sabi ko naman sa kanya,at tumayo sa pagkakaupo.Kinamayan pa ako nitu.

"thank you,mag ingat ka"sabi niya pa,tumango naman ako at mabilis na lumabas sa coffee shop.Bigla naman akong kinabahan,ramdam ko talaga na may matang tumitingin sa'kin.Napailing nalang ako,para mawala ang magulo kung pag-iisip.

"Hay!wala lang yan"sambit ko sa'king sarili,malapit naman dito ang inu-opahan kung bahay.Nag-iisa nalang ako ngayon,ewan ko.Nagising nalang ako,na nag-iisa walang kasama.

"Ano 'to?"sambit ko nang makarating ako sa bahay,may nakita akong box sa labas.Lumingon lingon naman ako,kanino naman kaya 'to?wala naman akong ini-order.Nang tignan ko ay may nakalagay na pangalan ko,sa'kin 'to?binuhat ko naman ito,at pumasok sa loob nang bahay.

"hay...nakakapagod"sambit ko,inilagay ko muna ang box sa table at humiga sa sofa.Napatitig naman ako sa box,pano ako nagkaroon nitu?umupo naman ako at dahan dahang binuksan ang medyo may kalakihang box.

"hah?ano 'to?"sambit ko nang makita ko ang laman nitu,isang kulay pulang bestida na backless,simple lang yung style niya peru halatang mamahalin.Bakit naman kaya ako bibigyan nitu?hindi naman ako pupunta sa parte.

"Rose?"nang kunin ko ang damit,ay may napailalim ito na isang pulang rosas,kinuha ko naman ito at inamoy.Bango...I love roses.Napakunot naman ang noo ko na may nakasabit na letter sa rosas,letter?

"I hope you like it,sweetie"nabitawan ko naman yung hawak kung rosas,nang mabasa ko ang nakasulat ro'n.Akala kuba na panaginip lang yun?dali dali ko namang binalik ang ldamit sa box at ang rosas.

"Sweetie?"sambit ko,bakit niya ako tinatawag nang ganun?ipinilig ko nalang ang ulo ko,at mabilis na pumasok sa kwarto ko.Hinubad ko muna yung,suot kung damit.Undergarment lang yung natira,at pumasok sa banyo para maligo.

"Sino yan?"sambit ko nang,parang may yapak akong naririnig.Habang naliligo pa ako,gamit ang shower.Pinatay ko muna ito,at mabilis na itinapis sa katawan ko ang tuwalya.

"Sino yan?"sambit ko ulit,nang sumilip ako sa pinto nang banyo.Wala naman akong nakitang tao,ano ba'tong nangyayari sa'kin?ano-ano nalang ang naririnig.Sinara ko nalang ulit,at itinuloy ang pagliligo ko.Nang matapos na akong maligo ay agad din akong lumabas,at pumunta sa closet ko.

"Ito nalang,malamig ngayon"sambit ko,at kinuha ang isang pares na pantulog.Tatanggalin kuna sana ang tuwalya sa katawan ko nang may narinig nanaman akong yapak,walang alinlangang lumabas ako sa kwarto habang naka tuwalya parin.

"ano ba!hindi ako nakikipaglaro sayo"inis na sabi ko,nagulat naman ako nang may maapakan ako.Yung dress,dahan dahan ko namang pinulot ito.Bakit napunta to dito?inilagay ko'to sa box.

"hay!nababaliw na yata ako"sambit ko nalang,at pumasok pabalik sa kwarto.Inilapag ko naman yung pulang bestida sa higaan ko,at pinatitigan.Ano ba talaga ang trip nang isnag 'to?

"tigilan muna ako,pwede ba?"wala sa sariling sabi ko,gusto kunang magpahinga!mabilis naman akong nakapagbihis,at humiga sa kama.Yung dress naman ay,inilagay ko muna sa closet.

Ipinikit ko naman yung mata ko,inaantok na ako.Kunti nalang sana ay makakatulog na ako,nang biglang lumubog ang kama sa tabi ko,habang nakatalikod ako rito.Hindi naman ako gumalaw o nagmulat,nanatili parin akong nakapikit.Naramdaman ko nalang na may umaamoy sa leeg ko.

Bahagya pa nitung hinawi ang iilang hibla nang buhok ko.nakaka-antok yung ginagawa niya.Bago pa ako tuluyang makatulog ay may sinabi pa ito.

"Smells good,sweetie"  

Vampire Flower [ Book 1 Of Blood Trilogy ]Where stories live. Discover now